Local News

11,000 ba Talaga ang Empleyado ng ABS-CBN? Bakit 2,586 lang ang Nakalagay sa ABS-CBN Document?

Nitong mga nagdaang mga araw ay panay ang sambit ng mga sumusuporta sa franchise renewal ng ABS-CBN na aabot daw sa 11,000 na manggagawa ang mawawalan ng trabaho kung sakaling hindi mabigyan o di kaya ay mapaso ang prangkisa ng network giant.

“Ako naman ay umaasa at kumakapit pa rin sa pag-asa at paniniwala na magkakaroon pa rin ng hearing dito sa Kongreso para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN lalo pa at ang pinaka-concern natin dito ay ang halos 11,000 na mga empleyado na maaaring mawalan ng hanapbuhay o trabaho kapag hindi na-renew ang franchise na ito,” ayon kay Laguna Rep. Sol Aragones.

“I say that if trying to save the jobs of 11,000 employees is politics, then I admit I am playing politics. I do not think that’s the motive. I think we should not attribute motive to fellow legislators,” sabi naman ni opposition senator Franklin Drilon .

Pero ang numerong ito ay kinuwestiyon ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Mayroon daw nagsabi sa kanya na 3,000 lang ang regular na empleyado ng media giant.

“Sinabi ko totoo ba talaga 11,000, may taga loob ng nagtext sa ako na 3,000 lang daw ang regular nila. ‘Di ko alam kung totoo ito, dalawa ‘yung nagsasabi sa akin, di naman daw 11,000, baka sinama lang pamilya nila kaya naging 11,000,” banat ni Senador Bato .

Kahapon ilang netizens ang nagbahagi ng isang screenshot ng bahagi ng page 7 ng 2019 General Information Sheet ng ABS-CBN kung saan makikita na ang Total Manpower Complement ng kumpanya ay nasa 2,586 lamang.

Hindi tuloy naiwasan ng dating journalist ng ABS_CBNna si Mr. Jay SOnza na magkomento sa nasabing GIS document.

“Sorry po sa unang tinuran ko na 1,400 lang ang regular employees sa sinasabi ng abs-cbn na 11k workers nila ang nanganganib mawalan ng trabaho.
Batay sa official report ng mismong kumpanya, mahigit sa dalawang libo (2,000+) lamang ang kanilang manggagawa.
Salig sa naturang kapamilya network document mahigit lamang sa tatlong daan (300+) ang regular employees.

The figures herein are lifted from ABS-CBN Broadcasting Corporation, general information sheet, Page seven (7),” sabi ni Sonza.

Source: Inq | Manila Bulletin | Politiko | ABS-CBN General Information Sheet for 2019 | Jay Sonza

Leave a Reply

Theme by Anders Norén