Local News

8 sa 120 Bagong Trains na Binili ng Gobyerno, Dumating na sa Pilipinas!

Malugod na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang mga bagong bagon para sa LRT-1 na paparating na sa ating bansa. Ang mga bagong bagon ay binili mula sa mga bansang Spain at Mexico.

“EXCITED NA BA KAYO? KAMI, EXCITED NA EXCITED NA!
Kasi, hindi lang isa. Hindi lang singkwenta. Hindi lang isang daan, kung hindi…
120 na BAGONG BAGON o LIGHT RAIL VEHICLES (LRVs) mula pa sa bansang Spain at Mexico, ang paparating na!
Ang mga bagon na ito ay siyang bubuo sa 4th Generation Trains na gagamitin para sa LRT-1 at Cavite Extension nito!
At, ipapakita na sa publiko bukas ang unang batch na dumating na binubuo ng apat (4) bagon!
Sa pagtutulungan at koordinasyon ng Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), Light Rail Manila Corporation (LRMC), Japan International Cooperation Agency (JICA), Mitsubishi Corporation, at Construcciones y Auxiliar de Ferrocariles (CAF) at CMX Consortium, wala nang makapipigil pa sa tuluy-tuloy na pag-arangkada ng LRT-1, maging ang isinasagawang Cavite Extension nito!” sabi ng DOTr.

Sa isang pagtitipon, ipinasilip ng DOTr ang ilan sa mga nasabing bagong bagon.

Source: DOTr | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén