Local News

15 NPA, Sabay-sabay Natodas nang Makaharap ang mga Sundalo!

15 na hinihinalang New People’s Army (NPA) ang na dedo matapos makaharap ng mga ito ang pwersa ng gobyerno sa Gingoog City, Misamis Orienta nitong Linggo (ika-10 ng Mayo) ng umaga.

Ayon kay 402nd Infantry Brigade civil military operations officer Major Francisco Garello Jr., nilapitan sila ng mga residente para isumbong ang ginagawang pangingikil ng tinatayang 80 na rebeldeng komunista sa Barangay Kamanikan.

Agad daw rumisponde ang mga kasundaluhan at dito na nagka-engkwentro ang dalawang panig.

Matapos ang sagupaan ng dalawang grupo, nakuha sa mga rebelde ang dalawang M16 rifles, isang AK47 rifle, isang M14 rifle, mga magazines, mga bala, mga gamit sa teleomunikasyon, mga pampasabog, mga medical items at mga personal na gamit.

Nai-turnover naman ang mga labi ng mga nasawing rebelde sa lokal na pamahalaan para makilala. Ayon sa militar, nagsasagawa ng ng pursuit operation ang kasundaluhan pero delikado ang lugar dahil nagkalat ang mga land mines na itinanim ng mga rebeldeng komunista.

“As of early morning Tuesday (May 12), we already recovered dead bodies of NPA combatants and brought them to two funeral parlors in Gingoog City… It’s still dangerous in the area. The NPAs planted landmines and our troopers are very careful while conducting pursuit operations,” sabi ni Army’s 23rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Francisco Molina.

Ayon naman kay 402Bde commander Brig. Gen. Maurito L. Licudine, ginigipit ng mga rebeldeng komunista ang mga sibilyan na nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Inaasahan nila na mas maraming pang matotodas na NPA sa mga susunod na araw dahil sa pagalugad nila sa Agusan del Norte and Misamis Oriental border. Kinukulang na rin daw ang pagkain ng mga rebelde dahil sa ipinatutupad na lockdown dahil sa covid-19.

“This is a running gun battle as gun fires can still be heard in the area… The NPA rebels have suffered hunger and exhaustion as their emissaries encountered difficulties in finding supplies of foods and other basic needs,” ani Licudine.

Source: GMA News | Manila TImes | Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: