Local News

‘2-3 Months’ Lockdown Extension, Suportado ng Pinoy Scientist!

Kung ang ilang kababayan natin ay umaaray na saw lockdown, suportado naman ng Pilipnong siyentipiko na si Dr. Darwin Bandoy ang ideya na palawigin ang enhanced community quarantine upang lubos na malabanan ang mabilis na pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa Pilipinas. Ayon kay Dr. Bandoy, kakailangangin daw ng 2 hanggang 3 buwang lockdown upang mapababa ang mga covid-19 infections.

“If we remove the enhanced community quarantine on April 13 and will resume to normal activity at April 14, the epidemic curve would rise again. So, based on these predictive models, I wouldn’t recommend removing it so it should be extended… My estimate is that to prevent the current trajectory, we need a few more weeks and months to reduce that so that we will not overburden our healthcare, which is already struggling as of the moment… The estimate would be around 2 to 3 months before we could really flatten the curve but I’m still waiting for the current data,” paliwanag ni Dr. Bandoy.

Ayon pa sa eksperto, kung hindi nagpatupad ng lockdown ay posibleng pumalo sa 250,000 ang mahahawaan ng nasabing sakit. Makakapagpalala din daw ng sitwasyon ang pagbubukas ng klase sa Hunyo.

“My model is a do-nothing scenario, meaning we don’t implement lockdown, the peak number of cases in my estimate is around 250,000, that includes the asymptomatics but the approximate estimate is 1 to 3 percent of the 250,000 would be severe cases,” sabi pa ng siyentipiko.

Si Dr. Bandoy ay isang assistant professor sa University of California.

Ilan na sa mga hakbang na ipinatupad ng Duterte Administration para mapigilan ang pagkalat ng covid-19 ay ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon. Nagpasa na rin ng batas upang bigyan ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng dagdag na kapangyarihan upang matugunan ang covid-19 outbreak sa Pilipinas. Isinailaim na rin ng pamahalaan ang buong bansa sa “state of calamity”.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: