Local News

2 High-Ranking Officials ng BIR, Arestado! Bag na may P75 Milyon, Nahuli sa mga Suspek!

Nabitag ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang assessment section Chief ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office 43 at Revenue office 2 examiner ng Pasig City sa isang entrapment operation. Ayon sa ulat ng RMN, multi-million na pangongotong ang ginawa ng mga suspek sa isang kilalang cellphone company.

Kinilala ang mga suspek na sina assessment head Fred Pagdilao at examiner Agrifina Ballesteros.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga bags na may lamang bugkos-bugkos ng pera na aabot sa P75 million.

Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica, una raw na nangikil ng 160-million pesos ang dalawang kawani ng BIR sa may-ari ng sikat na Vivo cellular phone para mapababa daw sa 1.6 billion ang buwis na babayaran ng cellphone company sa taong 2018. Noong taong 2017, P4 milyong piso lamang ang binayarang buwis ng Vivo.

Base sa ulat ng RMN, si Assessment Section Chief Fred Pagdilao ay pinsang buo ni dating NCRPO Director Joel Pagdilao, isa sa inakusahan ni Pangulong Duterte na narco-general noong 2016.

Sabado pa raw nangyari ang entrapment laban sa mga suspek. Isinagawa ang operasyn sa basement parking ng Seda Hotel sa Vertis North Quezon City. Ayon kay Belgica, inahahanda pa nila ang mga dokumento sa isasampa nilang kaso at nakatakda rin silang magpatawag ng media briefing para dito.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa pagkakahuli sa dalawang opisyal ng BIR.

“Ipakita nyo mga mukha ng mga kawatan , dorobo nyan… mga virus kyo ng lipunan. Tsk!ang Daming pera nyan… ano yan Sarap buhay kyo mga mag nanakaw , lahat ng nsa BIR mahuli sana 👮‍♀️😡😡😡Tapos sasabihin Walang pera pondo ? Eh, lahat yan mag kakasabwat, lahat puro my intention mag nakaw , Hindi kya nga ang Yayaman ng mga yan,, ang Gagara ng mga Car 🚗at 🏡House sarap buhay nkahiga nlang sila sa Pera , mga mahihirap lalo nilang pinahihirapan para sila nlang ang Tingalain… Dapat ganya yung mga Binibitay,” sabi ni J. Okabe.

“Tangalin takip sa mukha ng malaman ng buong madla pti ng kamaganak nila kung anong klaseng sugo meeon tong mga magnanakw sa kaban ng bayan ipakit nio sa mugshot,” sabi ni T. Genilo.

Source: PTV | RMN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén