Local News

“Inunahan!” 2 NPA Lider na Inutusan Pumatay kay DU30, Todas ang Inabot sa Militar!

Kamakailan lang ay lumabas sa ilang media outfits ang masamang binabalak ng Community Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) laban sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Binunyag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na may hakbang na gagawin ang mga rebeldeng komunista para itumba ang mga opisyal ng gobyerno at kasama na dito si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Our law enforcement and security forces have been advised to take appropriate countermeasures against this sinister threat to general peace and order,” sabi ni Esperon.

Ilang araw matapos ang pagbubunyag ni Esperon sa masamang plano ng NPA ay dedo ang inabot nila Eleuterio Agmaliw and Freddie Daileg sa isang safe house sa Novaliches nang makipag-shootout ang mga ito sa kapulisan at mga sundalo. Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang dalawa ang naatasan para magsagawa ng pagpatay kay Pangulong Duterte.

Si Agmaliw at Daileg ay hahainan lang sana ng warrant of arrest kaugnay sa mga kasong destructive arson, m*rder , frustrated m*rder at rebelyon nang makipag-engkwentro sa mga otoridad.

Kasama rin sa natodas ay si Lucio Carbonel ang may-ari ng safe house ng 2 rebelde at contact diumano ng NPA leaders.

Magugunita na sinabi ni Secretary Año na uunahan nila ang mga rebeldeng komunista.

“These NPA leaders are part of the special teams directed by the CPP leadership to assassinate senior government officials that include the President. But we got to them first and we will not stop until every one of them is arrested and brought before the bar of justice… As I promised, we will get you first even before you get near us. There is no safe place for you in Metro Manila and in any urban center around the country. Kaya kung ako sa inyo, sumuko na kayo habang hindi pa huli ang lahat (If I were you, just surrender before everything gets too late),” sabi ni Año.

Source: Philippine News Agency | Inquirer | Philstar

Leave a Reply