Local News

2 Toilet Bowl sa Isang Cubicle, Kinunan ng ABS-CBN Reporter habang Under-Renovation?

Kamakailan lang ay nag-viral ang social media post ng ABS-CBN reporter Angel Movido tungkol sa palikuran sa Rizal Memorial Complex. Ito ay dahil sa isang cubicle ay mayroong dalawang toilet bowl.

Ngayon araw ay nagsalita na ang Philippine Sports Commission (PSC) para linawin ang lahat. Sa kanilang Facebook post, ipinaliwanag ng ahensiya na ang larawan na ginamit ni Movido ay habang isinasaayos pa ang naturang palikuran. Kalakip ng kanilang post ay ang kuha ngayong araw kung saan makikita na may divider sa pagitan ng dalawang toilet bowl.

Dahil sa video ng reporter, inulan ng batikos at pangungutya ang nasabing palikuran.

“Photo on the left was taken while the facility was under renovation.

Photo on the right is actual photo taken today, November 27 of the said comfort room at Ninoy Aquino Stadium.” paliwanag ng PSC.

Hindi lang ito ang maling impormasyon na ipinakalat ng isang malaking media outfit tungkol sa SEA Games. Kamakailan lang ay nagbahagi ang Inquirer ng isang litrato kung saan makikita ang isang under-renovation na stadium, pinalabas ng Inquirer na ito ay sa Biñan.

Pero umalma ang Biñan City Information office at ipinakita ang tunay na itsura ng kanilang sport facility.

Dahil sa nangyari, humingi ng paumanhin ang Inquirer.

Naging usap-usapan din nitong nakaraang araw ang ulat ng ABS-CBN at GMA tungkol sa kikiam na ipinkain umano sa mga atleta.

Ngayong araw ay naglabas na rin ng pahayag ang Whitewoods Convention and Leisure Hotel at nilinaw na chicken sausage ang kanilang inihain sa mga manlalaro.

“We have proof of this and the Philippines Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) food audit team in the hotel that are on top of the food inspection during, before and after cooking and during meal time, can attest to the fact that it was not ‘kikiam’… The other Pinoy athletes also know thay they ate chicken sausage. We never serve kikiam because we do not have it and it is not in our menu… Our food serving is generous because we decided a free and open buffet service complete with egg omelet station that is not part of our contract,” pahayag ni Whitewoods President at Chairman of the board Edgardo Capulong.

Source: Philippine Sports Commission | ABS-CBN | Daily Tribune | ABS-CBN | GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén