Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

2-Year Probationary bago Gawing Regular na Empleyado, Sinusulong ng Kongresista!

Hindi pabor si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Belo III sa panukalang palawigin ang probationary period ng mga empleyado na gawing dalawang taon sa halip na anim na buwan.

Ito ay kaugnay ng paghahain ni Probinsiyano Ako party-list Representative Jose “Bonito” Singso Jr. ng House Bill 4802 na naglalayong pahabain ang probationary period ng mga empleyado nang hanggang dalawang taon. Ayon kay Singson,hindi umano sapat ang anim na buwan upang masukat kung ang isang empleyado ay magiging kwalipikado sa regularisasyon, partikular na raw sa mga posisyong nangangailangan ng higit na husay at talento.

”Hindi namin alam ano ang dahilan kung bakit nag-sponsor ang Ang Probinsiyano part-list ng longer period of probation. With due respect, ang DOLE has a different position kasi masyado naman atang mahaba ‘yan,” saad ni Bello.

“Tama naman ‘yung six months na (probationary period) without prejudice kung mayroon usapan, may agreement between the employer and employee na they can have a longer period. Otherwise, dapat sundin ‘yung probationary period na six months. After six months, regular (status), automatic na,” dagdag pa ni Bello.

Ayon kay Bello, maaari naman daw umanong magkaroon ng usapan sa pagitan ng employer at employee kung kakailanganing pahabain pa ang anim na buwang probationary period sakaling kailanganin ng pagsasanay at pag-aaral para sa special skills o kung may panibagong requirement, sa ilalim ng labor laws.

“Under the Labor Code, puwede naman ‘yung longer period provided there is an agreement that after six months there is an apprenticeship agreement between employer and employee. Magtatatrabaho ka pa rin pero hindi ka pa rin regular, pero may special agreement,” saad ni Bello.

Binigyang-diin din ni Bello ang pagtutol umano ni Pangulong Duterte sa kontraktwalisasyon.

“Ayaw na ayaw ng ating Pangulo ‘yung 5-5-5. ‘Yung mga pasaway na employer, para hindi ka maging regular, after five months tinatanggal ka muna. After an interval of one or two months, ire-rehire ka just to avoid ‘yung pagiging regular na employee,” ani Bello.

Dagdag pa ng Sekretarya, kung sakaling pumasa sa Kongreso ang nasabing panukala ay irerekomenda umano nila kay Pangulong Duterte na i-veto ito.

“Congress will decide and of course the President. Assuming na papasa and the President will ask the Department of Labor kung ano ang posisyon namin, we will recommend a veto, kasi kawawa naman ang ating mga manggagawa,” ani Bello.

Source:
GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén