Local News

20% Discount para sa Pamasahe ng mga Estudyante, Pirmado na ni DU30!

Nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas (Republic Act 11314) na naglalayon na mabigyan ng 20% diskuwento ang mga kababayan nating mag-aaral o mga estudyante sa lahat ng klase ng transport systems sa bansa (land, sea and air). kasama diyan ang jeep, bus, UV Express vans, taxi, transport network vehicle service (TNVS), airlines, Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT), and Philippine National Railway (PNR).

Magugunita noon, ang tanging sakop lamang ng diskwento sa pamasahe ng mga mga estudyante ay ang mga sasakyang panlupa lamang.

Ang diskuwento para sa air transport ay mag-a-apply lamang sa base fare.

Sa bagong batas, makakakuha ng diskuwento ang mga estudyante araw-araw. Pati weekends at holidays ay sakop na din. Ang kailangan lang gawin ng mga estudyante o mag-aaral ay ipakita ang kanilang mga identification cards (ID) o ang kanilang mga validated enrollment forms.

Ang batas ay napirmahan na noon pang Abril 2019 pero ngayong Lunes lang inilabas ng MalacaƱang.

Sakop ng bagong batas ang mga estudyante na nag-aaral sa mga antas na elementary, secondary, technical and vocational, or higher education institution.

Ang mga estudyante naman sa mga dancing or driving schools, short-term courses of seminar type, at post-graduate studies tulad ng medicine, law, masters, at doctorate degrees ay hindi sakop ng bagong polisiya.

Ang may akda ng nasabing batas sa senado na si Senador Sonny Angara ay nalugod pagkakapirma dito. Ayon sa mambabatas, isang malaking tulong ito sa mga estudyante.

“Malaking tulong ang mga diskwento na ito para sa mga mag-aaral. Ang matitipid na pera sa pamasahe at iba pang gastusin ay maaaring gamitin ng estudyante sa ibang bagay,” ayon sa senador.

Ayon naman kay Iligan City Representative Frederick Siao, isa sa may akda sa kongreso, wala na raw lusot ang mga tsuper at operator na hindi magbigay ng diskuwento sa mga estudyante.

Source: CNN Philippines | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén