Local News

‘2019 pa Inaprubahan ang Pondo sa White Sand Project’ – Roque

Rumesbak si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kumukuwestiyon sa pondong iniliaan para sa Manila Bay White Sand project. Ayon sa kalihim, matagal nang inaprubahan ang pondo para sa naturang proyekto.

“This plan to put white sand in Manila Bay, it was part of the budget for 2020. This means it was approved in 2019. We could not foresee that there would be a COVID-19 [pandemic]. So alam niyo naman ang rule sa budget, kapag iyan po ay nasa line item, iyan lang po ang pwedeng paggamitan ng pondo,” paliwanag ng kalihim.

Iginiit din ni Roque na makakatulong sa lungsod ng Maynila ang nasabing proyekto.

“Although it is primarily a beautification project, as a resident of Manila, I’m happy and excited that there will be a beautiful attraction in my city… I’m happy that we will have a beautification of Manila Bay because we from Manila also need access to beautiful beaches in these times where we cannot leave Metro Manila,” dagdag pa ni Roque.

Binigyan diin ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda na labag sa batas na ilipat ang pondong naaprubahan at nailaan na para sa isang proyekto.

“Siguro kung pera lang ito na puwede nating i-juggle from one place to another, gagawin po ng gobyerno. But hindi po maaari iyan. Bawal po iyon… Hindi ho ‘yan bagong project. We cannot connect this with the pandemic,” ani Usec. Antiporda.

Source: ABS-CBN | Philstar | Radyo Pilipinas

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: