Magkapatid na Bata, Magkayakap na Namatay sa Sunog sa Tondo, Maynila!

Mga kababayan, mag-doble ingat po tayo lalo’t napakainit ng panahon, delikado lalo ang mga kabahayan sa sunog.

Anim na bahay ang nilamon ng apoy sa Sandico corner Soriano Street Brgy. 35, Tondo, Maynila, mula sa ulat ng ABS-CBN News. Dahil sa dikit-dikit na kabahayan, mabilis na kumalat ang apoy at itinaas ang sunog sa ikalawang alarma. Bukod dito, masikip din ang eskinita kaya’t nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang daan upang kaagad na maapula ang sunog.

Kanya-kanyang hakot at likas ng kanilang mga mahahalagang gamit ang mga residente habang inaapula ang apoy ng mga bumbero. Kuwento ng ilang nasunugan, akala nila umano ay may nagaganap lamang na gulo kaya’t maingay sa labas ngunit nagulat umano nila nang makitang malaki na ang apoy mula sa sunog.

Idineklarang fire-out ang lugar makalipas ang isang oras, subalit ilang sandali lamang ay muling sumiklab ang apoy sa isa sa mga bahay.

Sa kalagitnaan ng sunog ay isang ina ang nagmamadaling lumapit sa mga bumbero at nagsabing natutulog umano sa loob ng kanilang bahay ang dalawa nilang anak. Wala nang natira sa naabong bahay ng nasabing ginang at ganun na lamang ang kanilang panlulumo ng kanyang asawa nang makumpirmang hindi na nakalabas pa nang buhay ang dalawa nilang anak. Ang mga biktimang nasawi ay nakilalang sina Francine Hagunos, 15 anyos at Lance Hagunos, 12.

Ayon sa mga bumberong rumesponde, inabutan pa nilang magkayakap ang magkapatid na wala nang buhay sa loob ng natupok na bahay ng mga ito.

“Mayroong secondary exit sila na puwedeng pababa doon sa may cr daw sabi ng tatay. Hindi na siguro sila nakababa kasi na-suffocate na sila ng usok. Hindi tayo mamamatay sa apoy kaagad eh. Mamamatay muna tayo sa suffocation sa usok, bago tayo masusunog. Wala nang option ‘yung dalawang magkapatid, siguro nagyakapan na lang sila,” saad ni F/Insp. Jose Juaneros, Sub-station Commander ng Tondo Bureau of Fire Protection.

Tinatayang nasa P100,000 halaga ng danyos ang natupok ng apoy at may labindalawang pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasabing sunog.

Nakadudurog ng puso ang mga ganitong eksena. Wala nang mas mahalaga pa sa ating mga buhay kaya’t lagi po tayong maging maingat at alerto sa lahat ng pagkakataon.

Source:
ABS-CBN News

Ilang Fishermen sa Scarborough, Binutata ang ulat ng ilang Media!

Nitong mga nakaraang linggo, ilang media ang naglabas ng ulat tungkol sa panggigipit umano ng Tsina sa mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough shoal. Kaya nagpunta ang news crew ng PTV sa Zambales para makapanayam mismo ang mga mangingisda sa lugar. Sa kanilang ulat, tila pinasisinungalingan ng mga mangingisda ang ulat ng ilang media. Nangangamba din ang isang mangingisda na baka dahil sa ulat ng mga ito baka maghigpit muli sa pagbabantay ang mga Tsina.

“Ok naman kami doon. Wala kaming problema sa pangingisda. Labas pasok nga kami doon ngayon. Ang na-anuhan ko lang ay mayroon pumutok na balita na hina-harass na naman daw ang mga Pilipinong fishermen doon. Kaya nababahala ako na baka magalit ang mga nagbabantay,”sabi ng mangingisda na si Ramil Guela.

Ayon naman sa isa pang kababayan nating mangingisda, naging maayos daw ang kanilang trabaho sa lugar simula nang maupo sa Malacañang si Presidente Rodrigo Duterte.

“Noong naka-upo si Duterte, wala na, nagka-ayos na talaga. Malaya kaming nakakapasok sa Scarborough,”sabi ng mangingisda na si Enocentes Forones.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga isiniwalat ng mga mangingisda.

“Mas kapanipaniwala ang sinasabi ng mangingisda dahil sila ang pumapalaot kesa yong nagsasalita na nasa opisina lang,” sabi ni N. Peñaverde.

“Dito n lang ako manood yung ibang station niloloko lang tayo bini brainwash mga tao para lalong magalit sa presidente,” sabi ni A. Satiada.

“Gawa gawa lang kasi ng mga anti Duterte ang mga kumakalat na balitang yun,” sabi ni M. Bisco.

Source: PTV | Philstar | ABS

Buko Water Energy Drink at Bamboo Straw, Binida ng Gobyerno para sa Palarong Pambansa!

Ang init! Ramdam niyo rin ba ang init ng Summer sa Pinas? Hay, ansarap magpalamig at uminom ng buko! Tama, fresh buko juice!

‘Yung dating madalas nating makitang itinitinda ng suki nating si “kuya” sa kariton, aba, bumibida na ngayon sa Palarong Pambansa: iyan ay walang iba kundi ang Buko!

Sa pagbubukas ng Palarong Pambansa nitong nakaraang Abril 28 sa Davao City na nilahukan ng higit sa 20,000 atleta at manonood, ipinakilala ang “Buko Water” bilang opisyal na energy drink.

Ayon sa social media post ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol, napagkasunduan ng Department of Education (DepEd), City Government ng Davao at ng DA na i-promote ang ating berdeng buko bilang isang masustansyang energy drink para sa nasabing national tournament.

Dagdag pa ni DepEd Secretary Leonor Briones at Palarong Pambansa Secretary General Revsee Escobedo, ang nasabing “Buko Water” na umano ang magiging opisyal na energy drink maging sa mga susunod pang mga pambansang paligsahan at palaro.

Ang pagpapakilalang ito sa Buko Water bilang opisyal na energy drink sa isang mahalagang pambansang pangyayari ay inaasahang makapapagpapataaas ng kamalayan ng mga konsyumer sa magandang benepisyo ng buko sa ating katawan at kalusugan.

Bukod sa nabanggit na ‘Buko Water”, ibinida rin sa Palarong Pambansa ang paggamit ng “Bamboo Straw” para inumin ang buko, sa halip na ang nakasanayang plastic straw. Makakatulong ang paggawa at paggamit ng mga nabanggit na bamboo straw na mula sa maliliit na kawayan upang mabigyan ng dagdag na hanapbuhay at kita ang mga komunidad ng Indigenous People sa ating bansa. Sa pamamagitan nito, natulungan na ang ating mga kababayan ay hindi pa masisira ang ating inang kalikasan.

Ano pang hinihintay niyo, halina’t uminom ng buko! Hmnn.. sarap!

Source: Department of Agriculture Manny Piñol

Ex-Human Rights Group Official, Arestado dahil sa Droga!

Naaresto ng otoridad ang dating opisyal ng Alliance for the Advancement of People’s Rights-Southern Mindanao (Karapatan) na si Kelly Delgado, 39-anyos, matapos itong mahulian ng mga drug paraphernalia at shabu sa isang checkpoint nito lamang Sabado. Nakadetine ngayon si Delgado sa Bunawan Police Station.

Nakuha kay Delgado ang improvised tooter at mga residue ng shabu nang inspeksyunin ang kanyang sasakyan.

Si Delgado ay madalas dati na kasama sa mga rallies sa Davao City.

“While conducting joint checkpoint operations at Sitio Licanan, Barangay Lasang, Bunawan District, Davao City, apprehended a certain Mr Kelly Muñez Delgado, 39 years old, single, a resident of the IFI Compound, F Torres St, Barangay 9-A, Davao City,” ayon sa spot report.

Ang dating grupo ni Delgado na Karapatan ay isang a leftist human rights group at pinagsususpetsahang front organization ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng armed wing nito na New people’s Army (NPA).

Pinagplanuhan daw dati ni Delgado patayin si TF-Davao deputy commander Col. Randolph Cabangbang noong 2010 dahil pinagbintangan daw ni Delgado si Cabangbang na kumuha at pumatay sa anak ni Leoncio Pitao, napatay na NPA Commander.

Mahaharap si Delgado sa kasong Republic Act 9165 or possession of illegal drug paraphernalia.

Source: PNA | Rappler | Newsline

Construction ng LRT-1 Cavite Extension, Magsisimula na sa Isang Linggo!

Malugod na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsisimula ng aktuwal na konstruksyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 Cavite Extension sa susunod na linggo, May 8, 2019.

Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, pagkokonektahin ang Bacalaran sa Pasay at Bacoor sa Cavite. Pag natapos ang proyekto, inaasahan mababawasan ng lubusan ang oras ng biyahe ng mga kababayan natin. Kung dati-rati ay inaabot ng isa’t kalahating oras ang biyahe, magiging 25 minuto na lang daw ito.

Madaragdagan ng 11.7 kilometro ang kasalukuyang linya ng LRT at magkakaroon din daw ng bagong 8 istasyon. Mas maraming biyahero at mananakay ang mapagsisilbihan pag nakumpleto ang extension project.

Tinatarget ng DOTr at ng Light Rail Manila Corporation na makumpleto ang nasabing proyekto sa huling bahagi ng 2021.

Ang proyektong ito ay inabutan at pinagpatuloy ng Duterte Administration.

Ikinatuwa naman ng mga kababayan natin ang impormasyon na ibinahagi ng DOTr..

“Another thumbs up for DOTR Sec. Art Tugade group and Pres. Duterte Adm. tandem , keep up doing excellent job guys , the best Philippine President and Cabinet Secretary,” sabi ni E. Cowan.

“The best thing to decongest traffic in Edsa and other metro manila roads is to improve drastically the mass transportation system. The more effective and efficient the public transport of metro manila, the more people will choose to ride in those utilities instead of using privately owned vehicles. Well done DOTr,” sabi ni A. Bristol.

“Wow naman!! Sawakas!! Ayos na ayos sa amin itong mga taga south!! Kung kanino man project ito mapa last admin o ngayon SALAMAT na rin kasi matutuloy na talaga! The best!!,” sabi ni L. Galicia.

Source: DOTr

PNP, Pumalag sa Ateneo Policy Center Kontra “War on Drugs”

“They’re not the proper body or authority to say that it is unconstitutional or not. Hindi po sila ang Supreme Court. Hindi sila ang Kataas-taasang Hukuman dito sa Pilipinas. So, hindi po sila ang pwedeng magsabi if it’s unconstitutional or not.”

Ilan lamag ang mga ito sa naging apela ni Philippine National Police (PNP) General Oscar Albayalde, matapos ang naging pahayag ng Ateneo Policy Center na bumabatikos sa kampanya ng pamahalaan na “War on Drugs”, kung saan inilabas ng Ateneo Human Right Center (AHRC) ang resulta ng kanilang pag-aaral na umano’y lumabag sa Konstitusyon ng Pilipinas ang nasabing “Oplan Tokhang” ng Gobyerno.

Ayon kay Albayalde, bukas umano ang PNP sa mga posibleng imbestigasyon ng Unibersidad sakaling gustuhin nitong maging mas balanse ang isinasagawang pag-aaral, bagama’t hindi sila direktang nakatanggap ng imbitasyon mula sa mga ito upang kuhanin ang panig ng pulisya.

“Pangalawa po doon, that is voluntary in nature. Remember ‘yung Tokhang, sabi nga eh, paulit-ulit po natin na sinasabi na ito ay voluntary in nature. Wala pong ginamit na puwersa rito. At wala pong namatay because of Oplan Tokhang. These all surrendered. Nag-surrender sila for rehabilitation,” dagdag pa ng PNP Chief.

Handa umano ang PNP na makinig at hikayatin ang ilan pang sektor na nagmamalasakit na tulungan ang Philippine National Police sa laban nito kontra ilegal na droga.

“What we are open here, they might have something here that we do not know. We are open for suggestions. We have no monopoly of intelligence here. We have no monopoly of strategies here,” saad ni Albayalde.

“We are open to suggestions that could improve, number one, our law enforcement, ‘yung aming pagtataas ng standard namin, and of course how we enforce the law. Malay natin mayroon silang bright idea? Remember they are in the academe,” pahayag pa ng Hepe ng Pulisya.

Source:
PTV
GMA News via MSN

‘Ang Daming EPAL sa War on Drugs! Hindi naman Alam ang Laban!’ – Sen. Sotto

Sa isang social media post, nagpahayag ng suporta si Senate Presidente Vicente “Tito” Sotto tungkol sa kampanya kontra-droga na isinasagawa ng kasalukuyang administrasyon. Ayon sa senador, dapat daw ipagpatuloy at walang katapusan ang kampanya laban sa bawal na gamot.

“War vs Drugs should be continuing and perpetual,” sabi ni Sotto.

Hindi rin daw totoong may nananalo o natatalo sa kampanya laban sa droga at madami lang daw na pumapapel na wala daw alam.

“No such thing as FAILED or WON. Ang dami kasing epal na hindi naman alam ang laban!,” buwelta ni Sotto.

Walang pinangalanan na personalidad si Sotto. Pero ang twitter post ng senate president ay kanyang inilathala mapatos ang senatorial debate ng CNN Philippines. Sa naturang programa, sinabi ni Otso Diretso Senatoriable Florin Hilbay na pumalya daw ang war on drugs ng pamahalaan.

“Pagkatapos ng maraming patayan, ang problema ng droga mas malaki pa ngayon. Your war on drugs has failed,” sabi ni Hilbay kay former PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Rumesbak naman si Bato at ginamit na reperensiya ang isang survey. Ayon umano sa isang survey, 66% ng mga kababayan natin ang nagsasabing kumonti daw ang bilang ng mga durugista o adik sa kanilang lugar.

Source: Senate President Tito Sotto | CNN Philippines

Nancy Binay, Natatakot Daw Para sa Buhay ng Kapatid na si Junjun Binay!

Kamakailan lamang ay naging maingay at laman ng mga balita sa main stream at maging sa social media ang mainit na pagtatalo ng magkapatid at political rivals na sina Incumbent Makati City Mayor Abigail (Abby) Binay at Junjun Binay.

Ngayon, ang isa pa nilang kapatid na si Senator Nancy Binay naman ang may pahayag ukol sa kanyang nararamdaman sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang kapatid na si Junjun, mula sa ulat ng GMA News.

Maluha-luhang inilahad ni Senator Nancy Binay ang kanya umanong pangamba para sa buhay ng kapatid na si Junjun, na simula pa umano noong nakaraang taon ay ilang beses nang nakatanggap ng death threats.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Senator Nancy Binay na hindi umano magagawang saktan ni Abby si Junjun.

“Natatakot ako for him. Baka saktan nila pag nag-away. Because alam ko ‘yung kapatid ko hindi niya kaya pero ‘yung mga nakapaligid sa kanya kaya,” saad ng Senadora.

“I was really fearing for his life. Unang-una ‘yung mga pamangkin ko kawawa naman, wala na ngang nanay, baka mawalan pa ng tatay kasi nga magiging ganun kainit ‘pag naglaban sila,” dagdag pa ni Senator Nancy Binay.

Samantala, ayon naman kay Junjun ay nakatanggap na umano siya ng mga impormasyon tungkol sa mga taong nais siyang saktan mula pa noong nkaraang taon, gayundin sa mga taong araw-araw siyang sinusubaybayan, bagama’t tumanggi siyang pangalanan ang mga ito.

“Kasi ‘yung last year I was already getting information na there were people who were planning to hurt me. I just told my mom kasi ayaw ko naman palakihin. They were actually getting my schedule. There was a person checking on me practically the whole day, ‘yung mga activities ko. And my mom feared for my safety because I go around without a security,” ani Junjun Binay.

“I’d rather not comment at this point but keeping it within the family, at least I had the opportunity to tell my mom and my sisters about it. Monette died, my assistant died,” dagdag pa ni Junjun

Source: GMA

Mga Kilalang Personalidad, Bumilib sa Pagjombag ni Bato sa Otso Diretso sa Debate!

Tila humanga ang ilang kilalang personalidad sa ating lipunan kay former Philippine National Police Chief at Senatorial Aspirant Ronald “Bato” Dela Rosa sa ipinakita nitong performance sa katatapos na senatorial debate ng CNN Philippines.

Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, mag-isa daw giniba ni Bato ang mga senatorial candidate ng Otso Diretso.

“Watching Ronald “Bato” de la Rosa single handedly and gamely taking on Otso Diretso (minus 2) candidates on a number of issues makes me stop wondering why he consistently ranks high in the senatorial surveys,” sabi ni Lacson.

Para naman sa beteranong mamamahayag na si Jay Sonza, nag mukhang eng-eng daw ang mga kandidato ng oposisyon kay Bato.

“Nagmukhang tanga lang ang kandidato ng otso diretso sa senatorial debate ng CNN. nilampaso sila ni Bato Dela Rosa sa isyu ng Chinese workers at war on drugs,” Banat ni Sonza.

Pinuri din ni former ambassador Rigoberto “Bobi” Tiglao ang pagtindig ni Bato laban sa senatoriables ng oposisyon.

“Brilliant move. Duterte’s candidates were clever to just let Bato debate with the Otso Inidoros. Bato single-handedly made all of the seven present there look stupid and ignorant. The former police chief showed he could debate with the inidoros on any issue. Mga bobo to fall for the trap of this ‘debate’,” ani Tiglao.

Base naman sa social media post ng direktor na si Manny Castañeda, noong una daw ay hindi siya sigurado kay Bato pero matapos ang senatorial debate ay nakuha daw ni former PNP chief ang kanyang boto.

“At first I was unsure of Bato for the Senate but after his performance at the CNN debate, he has won my admiration and my vote as well. Unlike many candidates who obviously performed to impress, Bato was sincere and spoke not only from experience but also from the heart. No attempt at intellectual discourse, no pretentiousness, but stood as himself – a human being. I just hope that when he does make it to the senate, if he is able to maintain his present disposition and not morph into a despicable political monster like many of those who eventually had become a traditional politician,” sabi ni Castañeda.

Source: Politiko | Bobi Tiglao | Jay Sonza | Manny Castañeda

‘Banal na Galit para sa mga namatay sa ngalan ng False Drug Free society’ – Archbishop Villegas

“Death where is your sting? Grace where is your victory? No weapon formed against us will prosper. The gates of hell won’t stand,”

Sa isang homily sa Mass of Holy Chrism nito lamang ika-19 Abril 2019, sinabi ni Archbishop of Lingayen-Dagupan Socrates Villegas na dapat daw magkaroon at kumprontahion ng may banal na galit ang isyu tungkol sa libo-libong namatay sa ngalan ng hindi totoong drug free society.

We must confront with holy anger the more than thirty thousand senseless murders of the poor in the name of a false drug-free society,” boladas ni Villegas./

Wala namang binanggit na politiko si Villegas sa kanyang homily pero alam siguro ng lahat na si Presidente Rodrigo Duterte ang may direktiba sa paglulunsod ng kampanya laban sa iligal na droga.

Nito lang mga nakalipas na buwan ay may lumabas na survey kung saan sinabi umano ng 66% ng ating mga kababayan na nabawasan ang mga durugista sa kanilang lugar.

Kung kayo ang tatanungin, makikinig at tatalima ba kayo sa mga pinangsasabi ni Villegas?

Source: Leila De Lima FB | PTV