Drilon, Nagpayo sa mga Bagong Senador na gustong Manguna sa mga Major Committees!

” Ang tradisyon ng seniority ay iginagalang,”

Ganito ang naging pahayag ni Senador Franklin Drilon para sa mga bagong halal na senador na gustong manguna sa mga major committees sa senado. Ayon pa kay Drilon, dapat daw ay [ag-aralan muna ng mga bagong halal na mambabatas kung paano ang sistema sa senado.

“Mag-aral muna sila at makinig sa aming nakakatagal na diyan, tignan muna kung paano ang trabaho sa Senado… Ang payo ko sa kanila ay mag-observe muna, tignan kung paano kung paano tumakbo [and Senado] at mag-aral. Yan naman siguro ay hindi mahirap gawin,” sabi ni Drilon.

Ilan sa mga personalidad na ngayon pa lang naging senador ay sina former Special Assistant to the President Bong Go, former MMDA Chief Francis Tolentino, former Governor Imee Marcos at former PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa..

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa sinabi ni Drilon mula sa Facebook page ng GMA News.

Source: GMA News

Otso Dumiretso sa Impiyerno, ayon kay Pangulong Duterte!

Kung hindi pa tapos ang ilang naging kandidato ng Otso Diretso sa pagbatikos nila kay Pangulong Rodrigo DUterte, hindi rin papatalo ang Presidente sa kanila. Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino Community sa Tokyo, Japan, sinabi ng Presidente na wala umanong kontribusyon ang mga pambato ng oposisyon kundi pumuna.

“Kung ’yan lang rin ang mga politiko, ‘yung mga Otso Diretso sa impyerno, remember those guys, kung sino ’yang naiwan diyan, walang ginawa kung hindi magdaldal, walang contribution,” sabi ng Presidente Duterte.

Ilang araw lang ang nakakalipas ay pinuna ni . former Otso Diretso candidate Gary Alejano ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Japan kasama ang ilang kaalyado at kaibigan. Ayon kay Alejano, ito raw ay isang uri umano ng korapsyon dahil hindi naman daw kailangan sa naturang aktibidad ang ilan sa sumama.

“It has been circulating in social media that other friends and allies of the administration, who have no clear roles in official business, are also part of the delegation. This means that public funds could be used to shoulder their expenses. This could be considered corruption… Ang lumalabas, nagamit na nga ang kaban ng bayan nung eleksyon, pati ba naman sa victory party sagot pa ng taumbayan?… Habang ang taumbayan ay kumakayod at nagbabayad ng buwis, napakasagwa naman na ang mga opisyal ay marangya ang pamumuhay. Kaunting delicadeza naman sana,” boladas ni Alejano.

Sa parehas na pagtitipon, pinuri naman ni Pangulong Duterte ang mga kredensyal ng bagong halal na senador na si former Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na pambato ng administrasyon noong nakaraang halalan.

Source: GMA News | Inquirer | RTVM

NAHAKOT na Pabalik sa Canada ang mga Basurang Iligal na Pinadala sa Pilipinas!

Hinakot na pabalik sa bansang Canada ang mga basurang iligal na ipinadala sa Pilipinas noong 2013 at 2014. Ang mga containers na naglalaman ng basura ay ikinarga sa barkong Maersk’s MV Bavaria na dumating kahapon sa Pilipinas. Hihinto pansamantala ang ang MV Bavaria sa Taiwan bago ito didiretso sa Canada kung saan susunugin ang mga basura. Ayon sa ulat ng CNN Philippines, umabot 69 container na puno ng basura ang natengga sa Pilipinas ng halos kalahating dekada.

Sa isang pahayag, sinabi ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Wilma Eisma na ang paghakot sa mga iligal na kargamento ay isang napakadakilang okasyon para samga Pilipino. Nagpapasalamat din siya sa naging hakbang ni Presidente Duterte.

“We thank President Rodrigo Duterte for his decisive action that brought about a satisfactory conclusion to this sordid chapter in our history. This is one proud moment for all Filipinos,” sabi ni Eisma.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, nagbayad daw ng tinatayang P10 million ang bansang Canda para sa fumigation, ship side loading, and shipping.

Magugunitang nagbanta ang Malacañang na ipapadala sa Canada at itatapon sa territorial waters nito ang mga basura kung sakaling hindi ito tanggapin ng nasabing bansa. Ito ay matapos nagmintis sa ang Canada sa palugit ng paghakot ng mga basura sa Pilipinas noong Mayo 15.

Source: CNN Philippines | ABS-CBN | Time

DU30, Ipinag-UTOS na Itapon na ang Smartmatic

“I would like to advise Comelec now: dispose the Smartmatic. Look for a new one, free of fraud,”.

Ayon sa ulat ng People’s Television (PTV), ipinag-utos na raw ni Presidente Rodrigo Duterte sa Commission on ELection (COMELEC) na i-dispose na ang serbisyo ng Smartmatic at maghanap ng bago na makakapagbigay ng serbisyo na walang aberya.

Base sa social media post ng reporter ng Daily Tribune na si Kristina Maralit, sinabi daw ito ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa harap ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Japan.

“You have 3 years, katatapos lang ng eleksyon. Palitan na ninyo because it is no longer acceptable to the people, to the congressmen, or you — anything that promotes cheating. Why are you insisting on Smartmatic?” sabi ni Presidente Duterte.

Magugunitang nagbigay din ng pahayag si Senador Tito Sotto laban sa Smartmatic. Ayon sa senador, dapat na daw ihinto ang paggamit sa kumpanya sa susunod na eleksyon..

“It’s about time we stop using Smartmatic,” sabi ni Sotto matapos ang eleksyon.

Sa kaugnay naman na isyu, sinabi noon ng Public Relation Strategist na si Franco Mabanta na dapat ay lumipat na daw ang Pilipinas sa blockchain system. Ang naturang teknolohiya ay ginagamit daw ng Bitcoin.

“Let’s switch from SmartMatic to a blockchain electoral system by 2025; same tech used by Bitcoin. I’ll be able to prove to you how well it works in 12 months, early enough to make Pulse and SWS irrelevant come the 2022 Presidential elections. It is utterly uncheatable.” ayon kay Mabanta.

Source: PTV | News5 | Daily Tribune’s Kristina Maralit | Inq | Franco Mabanta | Presidential Communications via Thinking Pinoy

Higanteng Cutter na Huhukay sa Metro Manila Subway, Dumating na sa Pinas!

Nasa Pilipinas na po ang cutter head na gagamitin ng Tunnel-Boring Machine (TBM) para sa paghuhukay sa Metro Manila Subway project. Ang konstruksyon ng nasabing proyekto ay sisimulan sa mga huling bahagi ng taon. Target ng gobyerno na magamit ang unang tatlong stations ng 15 stations ng subway system sa 2022.

Ang Metro Manila Subway ay isa sa natatanging proyekto ng Duterte Goverment sa ilalim ng Build. Buil. Build program nito. Sa pagdating ng cutter head ng TBM, mapapawi ang agam-agam ng ilang kababayan natin na isang maambisyong ideya lamang.

Basahin ang mga reaksyon at komento ng ilang nating kababayan sa bagong kaganapan sa Metro Manila Subway project.

” Sagot sa traffic !!!thank God for this project finally… Salamat sa admin du30,” sabi ni R. Agpalo.

“Sec. Art Tugade made this happen.. Lets thank him for his compassion in his work,” sabi ni I. Lammawin.

“Ang tamad talaga ng du30 admin… 😂😂😂
No smoking lang daw ang… na gawa sabi nung isang tang* na natalo 😂 kya na talo eh ka bob*han overload 😂😂😂,”
sabi ni N. Fuentes.

Panoorin ang audio visual presentation kung paano ginagawa ang isang subway.

Source: Tribune | News5 | Insider

Korapsyon daw ang Pagbiyahe sa Japan ni DU30, Kaalyado at Kaibigan, sabi ni Alejano!

Hindi nagustuhan ni Magdalo congressman Gary Alejano ang bagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan na kasama ang mga kaalyado at kaibigan nito. Ayon sa mambabatas, maiku-kunsidera daw ito na isang uri ng korapsyon.

Base sa pahayag ni Alejano, mayroon daw isang social media post na makikita ang 200-member delegation na ang karamihan ay hindi daw opisyal ng gobyerno at hindi naman daw kailangan sa mga gagawing aktibidad sa Japan.

“It has been circulating in social media that other friends and allies of the administration, who have no clear roles in official business, are also part of the delegation. This means that public funds could be used to shoulder their expenses. This could be considered corruption,” boladas ni Alejano.

Dahil dito, pinagpapaliwanag ni Alejano ang palasyo pagsama ng malaking delago sa working visit ng Presidente sa Japan. Inakusahan pa ni Alejano na ginamit daw ng gobyerno ang kaban ng bayan sa eleksyon noong nakaraang eleksyon.

“Ang lumalabas, nagamit na nga ang kaban ng bayan nung eleksyon, pati ba naman sa victory party sagot pa ng taumbayan?… Habang ang taumbayan ay kumakayod at nagbabayad ng buwis, napakasagwa naman na ang mga opisyal ay marangya ang pamumuhay. Kaunting delicadeza naman sana,” angal pa ni Alejano.

Itong Martes lang ay sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V na ang mga opisyal na sasama sa biyahe ni pangulong Duterte sa Japan ay “nagatimpalaan” dahil sa pagkakapanalo ng pambato ng Administrasyon nitong nakaraang senatorial elections. Ang pahayag na ito ni Laurel ay pinabulaanan nina Executive Secretary Salvador Medildea at Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Magandang balita naman! Napirmahan po ang 26 agreements na nagkakahalaga ng P288.8 billion sa isinagawang working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan. Inaasahang lilikha ito ng lagpas 80,000 na trabbaho para sa mga kababayan natin.

Source: Inquirer | Philstar | PTV

Pinas, Umangat sa 2019 Competitive Ranking ng Ekonomiya!

Pumalo sa ika-46 na puwesto ang ating bansa sa most competitive economy, ayon sa World Competitiveness Yearbook. Nakaraang taon ay nasa ika-50 ang Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pag-angat ng daw Pilipinas ay nagpapakita lang na nanatili ang kumpiyansa ng mga foreign investor sa ating bansa.

“The improved ranking of the Philippines in this year’s World Competitiveness Yearbook by the International Institute for Management Development (IMD) augurs well for the country and our economy. There is an emerging investor confidence in our country. It shows our trade environment remains attractive and viable to foreign businesses,” sabi ni Panelo.

Isa rin daw sa naging kadahilanan ng pagbuti ng antas ng Pilipinas sa ranking ay ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The strong and effective style of governance by President Rodrigo Roa Duterte makes Palace optimistic that further improvements will take place. Putting premium on cutting down red tape and promoting ease in doing business while we begin to implement the nation’s most ambitious infrastructure program, Build-Build-Build, boost the government’s strategy for sustained and inclusive growth. There is every reason to look forward to a bright future for our country’s economy and our people.,” dagdag pa ni Panelo.

Ang pag-aaral ay isinasagawa kada taon ng Switzerland-based business school International Institute for Management Development (IMD).

“The Philippines saw an improvement in the ranking of all four factors. Economic Performance posted a twelve-notch improvement in 2019 – the largest increase among the four factors – from 50th to 38th. Government Efficiency rose from 44th to 41st; while Business Efficiency improved from 38th to 32nd,,” sabi naman ng Asian Institute of Management, ang partner ng IMD sa Pilipinas.

Nangunguna sa naturang ranking ang Singapore. Habang ang Estados Unidos ay napunta sa ikatlong puwesto. Ang Hong Kong ay nasa ikalawang puwesto.

Source: ABS-CBN | CNN Philippines | Presidential Spokesperson

Mandatory ROTC para sa SHS Students, LABAG daw sa International Law, sabi ni Hontiveros!

Itong mga nakaraang araw naging laman ng balita ang pagbalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program para sa mga estudyante sa grades 11 and 12. Isa si Pangulong Rodrigo Duterte na sumusuporta sa hakbang na ito. Ayon sa mga nakaraang pahayag ng Presidente, magiging daan daw ito para maging makabayan ang mga kabataan.

Pero para kay Senadora Risa Hontiveros, ang panukalang batas ay lalabag sa Optional Protocol to the United Nations Convention on the Rights of the Child.

Base daw sa protocol, hindi daw pwede sapilitang i-recruit ang mga menor de edad sa armed forces. Dapat daw ay maging optional ito sa mga estudyante.

“Since the Armed Forces of the Philippines (AFP) is also composed of a ‘citizens’ armed force which shall undergo military training,’ we would be violating our international commitment if we compulsorily recruit into the reserved forces those who are not of the age of majority,” sabi ni Hontiveros.

Kinuwestiyon din ni Hontiveros ang pagkukunan ng pondo sa ROTC program.

“How do we overcome the financial burden of institutionalizing ROTC in all these high schools? How can we assure the public of proper implementation when we can barely sustain our K to 12 program?” dagdag pa ni Hontiveros.

Samantala, si Senador Sherwin Gatchalian naman ay in-endorsed na ang panukalang batas para sa plenary aprroval ng senado.

Source: Inq

Mga Japanese, “Nabighani” sa Leadership ni DU30, ayon sa Philippine Envoy

“Kamangha-mangha”.

Ganito umano kung ilarawan ng mga Hapon ang Asministrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, mula sa ulat ng The Philippine News Agency.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, hindi lamang umano si Japan Prime Minister Shinzo Abe, na siyang nag-imbita kay Pangulong Duterte sa kanilang bansa upang daluhan ang 25th Nikkei Conference on the Future of Asia sa Tokyo, ang nagsasabing interesante ang Pangulo, kundi maging ang mga mamamayan din ng bansang Japan mismo.

Sinabi ni Laurel na nasa 200 katao umano, kabilang na ang mga opisyal ng Gabinete, local government officials at kanilang mga staff ang makakasama ni Pangulong Duterte sa kaniyang biyahe patungong Japan. Ito na ang ikatlong biyahe ng Pangulo sa Japan simula nang siya ay umupo bilang Presidente ng Pilipinas noong 2016.

Ganunpaman, binigyang-diin ni Laurel na hindi umano ito “junket” dahil lahat ay sadyang kasama umano sa imbitasyon ng Nikkei.

Nakatakdang dumalo si Pangulong Duterte sa ikalawang araw ng nasabing conference sa darating na Mayo 31, at makikipagkita rin ito sa Filipino Community roon.

Ang Nikkei Conference on the Future of Asia ay taunang pagpupulong ng mga pinuno ng Gobyerno at business leaders, kung saan ibinabahagi ng mga ito ang kanilang mga pananaw at pagsusuri sa sa iba’t ibang prospect at ideya ng Asya patungo sa tamang direksiyon nito.

Paliwanag ni Laurel, hinahanggaan ng mga Hapon ang kalidad ng kakayahan ni Pangulong Duterte sa pamumuno ng bansa.

“It’s the Japanese that are in themselves fascinated by this government. The Japanese are always fascinated with leadership that is recognized, affirmed by their own people at the same time a tremendous political will insofar as his programs are concerned,” saad ni Laurel.

Dagdag pa ni Laurel, isa rin umano sa mga posibleng kinamamanghaan ng mga Hapon kay Pangulong Duterte ang magagandang pamamalakad at resultang nagawa nito para sa ekonomiya ng bansa. Pinabulaanan din ni Laurel ang karaniwan nang naririnig na “kontrobersiyal” umano ang Pangulo, bagkus interesante raw ang tamang termino para rito.

“He is not controversial but interesting. Ibang klase for the Japanese,” wika ni Laurel.

Source:
The Philippine News Agency | Manila Bulletin

Japan Trip ni DU30, Inaasahang Aani ng P300 Bilyong Business Deals!

Sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan, inaasahang lalagdaan ng mga Filipino at Japanese companies ang mahigit 20 kasunduan na nagkakahalaga ng P300 billion, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Hindi naman baba sa 80,000 na trabaho ang malilikha ng mga kasunudan para sa mga kababayan natin. Pipirmahan ang mga business agreement sa sideline ng biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan para sa 25th NIKKEI Conference on the Future of Asia na gaganapin sa May 30 hanggang 31.

Karamihan sa mga investment pledges ay may kaugnayan sa marine manpower industries, food manufacturing, automotive, transportation, electircity, business processing outsource, medical services, electornics at infrastructure.

“Japanese investors remain bullish on the sustained growth momentum under the administration of President Duterte, given its aggressive infrastructure build-up, meaningful investment and financial reforms, and demographic advantages,” sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Pagkatapos ng keynote address ng Pangulong Duterte sa Nikkei Conference sa Mayo 31, makikipagpulong ito kay Japan Prime Minister Shinzo Abe.

Panoorin ang pagdating ni Pangulong Duterte sa Haneda International Airport sa Japan. Matapos ang paglapag ng Presidente sa paliparan ay dumiretso ito sa Imperial Hotel sa Tokyo.

Source: CNN Philippines | Presidential Communications (Government of the Philippines)