Tao sa Likod ng ‘Bikoy’ Videos, NAHULI na ng NBI!

Nitong mga nakaraang linggo, ibinalita ng ilang media ang tungkol sa mapanirang online video laban sa pamilya Duterte. Sa video series na pinamagatang “Ang Totoong Narco List”, isinasangkot ni alyas “Bikoy”, nagpakilalang dating miyembro ng drug syndicate, ang mga kapamilya at malalapit na tao kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng droga. Pati ang menor de edad na anak ni Pangulong Duterte na si Kitty ay hindi pinatawad ng kawatan.

May tanong kami sa inyo, may mainstream media ba na nagsagawa ng fact-checking laban sa mga dokumento at pinagsasabi ni Bikoy? Ok lang naman kung wala dahil ang ilang pro-government bloggers ay nagsagawa ng sarili nilang fact-checking at lumabas na kasinungalingan ang karamihan sa mga pinagsasabi ni Bikoy.

Magugunitang umalma ang RURAL BANK OF GUINOBATAN, INC. dahil pinalalabas sa video ni Bikoy na nagagamit sa transaksyon ng droga ang kanilang bangko. Nagsalita rin si Maguindanao Mayor Datu Zamzamin at sinabing ninakaw ng mga tao sa likod ng video ang kanyang pirma.

Ang mga paninira ni Bikoy sa pamilya ng Pangulo ay tila may hangganan din. Ayon sa ulat ng Manila Times, nahuli na daw ng National Bureau of Investigation ang tao sa likod ng kontrobersiyal na video at kinumpirma ito mismo ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra. Hindi pa muna pinangalanan ni Guevarra ang suspek.

“I can confirm that a search warrant was served by the NBI Cybercrime Division… The operation was made in coordination with the Department of Justice Cybercrime office,” sabi ng kalihim.

Magugunitang sinabi ng Malacañang na parte ng pagpapabagsak sa gobyerno ang video ni Bikoy at ilang media organizations ang konektado dito.

Panoorin ang videos ni Bikoy at kung paano siya binutata ng pro-government blogger na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy.

Source: Manila Times

Nabundol na Rider, Personal na Tinulungan ni Bato sa Kalsada!

Ilang netizens ang nakakita sa pagtulong ni former Philippine National Police CHief Ronald “Bato” Dela Rosa sa isang rider na na-aksidente sa lungsod ng Pasay.

Sa mga larawan na pinost ni Carlo Dalusong Andrade sa kanyang social media account, makikita si Bato na kinakausap ang driver ng bus na nakabangga sa rider at nagpatawag ng pulis para bigyan ng tulong ang nadisgrasya. Makikita sa mga litrato na naka barong tagalog pa si Bato at halatang may mahalagang pinuntahan o pupuntahan.

Ikinatuwa ni Andrade ang ginawa ni Bato sa kapwa niya rider.

“What a good man. Hindi nagatubili na bumaba sa sasakyan nia at tulungan ang kapwa ntn rider na nabundol na bus. Isang mapagpalang araw sayo. SENATOR BATO. Sana all… Nkita ko mismo yan kasunod ng bus ung sasakyan ni sen. Bato huminto tlga cla para tumulong sa nadisgrasya. Cia pa nagpatwag ng enforcer,” sabi ni Andrade

Isang netizen din ang nag-post video ng kuha niya kay Bato habang tumutulong sa biktima ng aksidente.

Source: Carlo Dalusong Andrade | Niño Yatco Buendia

Public Property, Binaboy ng mga Labor Day Rallyists!

Isang netizen ang naglabas ng pagkadismaya sa mga lumahok ng kilos-protesta ngayong labor day. Sa post ng netizen na si Andrea Carigma, ibinahagi niya ang larawan ng mga istruktura na binaboy umano ng mga nagkilos protesta kanina. Makikita sa mga larawan ang bandalismo na ginawa ng mga rallyista sa center isle sa Mendiola.

“Just finished my lecture today (Yes, may review lecture ako today – dahil malapit na ang board exams.) and this is what you’ll see after the Mendiola rally today. Wala yan kaninang umaga,” banat ni Carigma.

Para kay Carigma, isang ka-ipokritohan daw ang ginawa ng mga rallyista at hindi raw karespe-respeto ang inasta ng mga ito.

“Sorry, but when you say that you fight for people’s rights but destroy their property, I don’t find you respectable,” dagdag pa ni Carigma.

Ang post ni Carigma ay umani na ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens at naibahagi na rin ng mahigit isang libong beses habang ginagawa ang artikulo na ito.

Source: Andrea Carigma

‘Ul*l! Gagawa kayo ng Pekeng Balita dahil Nalampaso ang Idol niyo sa Debate!’ Bato, Nagalit sa Kritiko!

Hindi na nakapagpigil si former Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo’y senatorial aspirant General Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang mga kritiko. Sa kanyang personal social media account, minura niya ang mga naninira sa kanya. Ibinahagi ng dating hepe ng PNP ang screenshot ng post ng netizen na may pangalang Faith Bacon kung saan inaakusahan siya na mayroon umanong Cadillac Escalade, isang luxury car na nagkakahalaga ng P15 milyon hanggang P20 milyon.

Ipinagpalagay ng naturang netizen na kay Bato ang luxury car dahil mayroon itong sticker ni Bato.

“Spotted yesterday sa CNN debate ang sasakyan ni Bato na 32 years na pulis ang naging trabaho sa gobyerno, at kasalukuyang jail warden.. I googled it para malaman magkano and I was totally blown away!” sabi ni Bacon.

Kapansin-pansin na gumamit pa ng hashtag na #hwagibotoangkorupt at #hindidawsiyakorupt ang naturang netizen.

Inalmahan ni Bato ang naturang post at sinabing hindi maka-move on ang mga dilaw sa pagkakalampaso ng kanilang kandidato sa isinagawang debate kamakailan lang.

“Hindi talaga makaget over itong mga yellow kung nalampaso man sila sa debate pati itong magandang sasakyan binibigay na nila sa akin. Ha ha ha. Mga tarantado gumagawa lang kayo ng fake news para makabawi sa pagkabutata ng mga idol ninyo sa debate. Kung may sticker pala na bato akin na pala? Ulol!” resbak ni Bato.

Kapansin-pansin na ang profile picture frame ng netizen ay may pangalang Tañada. Isa sa mga kandidato ng Otso DIretso ay si Erin Tañada.

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang mga snippet senatorial debate ng CNN Philippines. Sa naturang event, magiting na sinagot ni Bato ang mga akusasyon ng oposisyon laban sa kasalukuyang administrasyon. Ilang kilalang personalidad ang napahanga ni Bato sa kanyang performance sa debate. Ilan dito ay sina Mayor Sara Duterte, Senador Ping Lacson, Manila Times Columnist Bobi Tiglao at veteran journalist Jay Sonza.

Panoorin ang mga banat at litanya ni Bato sa nasabing senatorial debate.

Source: Ronald Dela Rosa | Gus Cerdeña

Binoto si Glenn Chong, pero si Alejano umano ang Lumabas kwento ng OFW!

Nanggagalaiti sa galit ang kababayan nating Overseas Filipino Worker (OFW) sa HongKong nang bumoto siya sa overseas absentee voting. Ayon sa pahayag ng kababayan natin, ang binoto umano niya ay si Attorney Glenn Chong pero si Magdalo Congressman at Otso Diretso senatorial candidate Gary Alejano daw ang lumabas. Ayon sa OFW, siguarado daw siya na si Chong ang kanyang ibinoto at hindi si Alejano.

“12 ang binoto ko. Pag-check sa papel, sabi ko, ‘bakit nakalabas si Alejano?’. Hindi ko siya binoto. Nanginginig ako sa galit talaga. Sabi niya, ‘Ma’m mag-attend po kayo ng hearing kapag ipapatawag po kayo’. Sabi ko, ‘OK’. Nanginginig ako sa galit. Bakit lumabas na number one pa si Alejano,” sabi ng OFW.

Ang naturang video ay inilathala ng kababayan natin na si Jeanette Angel Aries sa kanyang social media account. Habang sinusulat ang artikulo na ito ay hindi pa nagbibigay ng reaksyon ang Commission on Elections (COMELEC) tungkol sa insidente. Pumalo na sa lagpas 14,000 ang nagbahagi ng video. Inuulan na rin ito ng mga komento mula sa mga kababayan natin sa social media.

Ito po ang ilang reaksyon mula sa mga netizens.

“Suggest lang Kong pwedi b4 nila ipasok yong balota nila kung pwedi sana picturan nila votes sa mga phone cam nila,” sabi ni S. Onyarap.

“Smart Magic na naman….mainam pa yata ang manual voting automatic din ang dayaan…grabe ang PICOS machine dapat itigil na yan kung di naman reliable,” sabi ni E. Mendoza.

“Salamat po sa info ate! Kailangan po ireklamo yan para may laban tayo! Kailangan na talaga natin si Atty. Glenn Chong para hindi na to mangyari!,” sabi ni J. Estores.

Nakarating na kay Atty. Chong ang isyu at ito po ang kanyang reaksyon.

Source: Jeanette Angel Aries | Atty. Glenn Chong

“SURPRISE WIN” sa Otso Diretso Senatoriables, Posible Mangyari ayon kay Kiko!

Hindi pa rin nasisiraan ng pag-asa si opposition senator at Otso Diretso campaign manager Francis “Kiko” Pangilinan kahit nangungulelat ang pambato ng oposisyon sa mga pre-election survey. Ayon kay Pangilinan, hindi pa daw tapos ang boxing at ang pinakamahalang survey daw ay ang mismong araw ng halalan.

“Sabi nga nila ang pinakamahalagang survey, ay ‘yung araw ng halalan. At sa aking labing-walong taon bilang senador… nakita natin, may mga pangyayari na sa huling dalawang linggo ng eleksyon, ‘yung mga nasa labas ng top 12 pagdating ng araw ng halalan ay ‘come from behind’ ika nga at naipapanalo nila,” sabi ni Pangilinan.

Naniniwala si Kiko na sa huli ang mga botante ay pipili ng tuwid na kandidato at itataboy ang mga tiwali at hindi tapat.

“Naniniwala tayo na sa huling banda, ang ating mga kababayan, ayaw nila ng mga kawatan, ayaw nila ng tiwali, gusto nila ng mga honest at tapat at totoong mga kandidato at iyan ang ipinaglalaban natin at sana marinig ng ating mga kababayan ang ating panawagan,” ayon sa senador.

Sa mga surveys, halos mga pro-administration candidates ang napapasama at mangilanngilan lang sa oposisyon ang nasingit.

Magugunitang noong halalan 2016 ay nangunguna si former senator Bongbong Marcos sa mga surveys para sa pagka-bise presidente, pero noong araw mismo ng eleksyon ay naungusan ito ni Leni Robredo. Ayon kay Marcos, nadaya umano siya ni Leni. Ngayon ay dinidinig ang protesta ni Marcos laban kay Robredo sa Presidential Electoral Tribunal.

Source: GMA | INQ

Malakas na Lindol (Magnitude 8), Posibleng Tumama sa Pilipinas ayon sa PHIVOLCS!

Sa isang panayam sa telebisyon, nagbabala si Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) director Renato Solidum na maaring may tumamang Magnitude 8 na lindol sa Pilipinas. Ito ay kaugnay sa earthquake swarms na naramdaman sa Surigao Del Norte. Ang earthquake swarm ay ang mga maliliit na lindol na makailang ulit nangyayari at may pare-parehas na lakas ng pagyanig.

Base sa pahayag ng opisyal ng PHIVOLCS, wala pang teknolohiya para malaman kung saan tatama ang isang lindol pero posible umano nilang makalkula at matantiya ang lakas ng pagyanig nito.

“‘Yung oras kung kailan mangyayari ang malakas na lindol, hindi masasabi. Pero puwede nating matantsa kung ano ang magnitude ng bawat fault na puwedeng ipakilos ng lindol,” ani Solidum.

Naglabas ang PHILVOLCS ng pahayag tungkol sa posibleng Magnitude 8 na lindol, hindi para manakot, kundi para paalalahanan ang mga kababayan natin ng laging maging handa. Ayon kay Solidum, maaring hindi naman matuloy ang malakas na lindol at mahihinang lindol lang ang mangyari.

Nitong nakaraang linggo ay sunod-sunod ang naramdamang pagyanig sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Mula Luzon hanggang sa Visayas. Ilang istruktura din ang napinsala dahil sa naitalang mga lindol. Isa na dito ay ang building ng Emilio Aguinaldo College sa Maynila kung saan tumagilid ito at sumandal sa katabing gusali.

Source: GMA

‘Pwedeng Next President!’ Mayor Sara, Bilib sa Pagjombag ni Bato sa mga Oposisyon sa Debate

Bumilib si Davao City Mayor at Presidential daughter Sara Duterte sa ipinakitang gilas ni former Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa katatapos lang na debate na inere sa CNN Philippines. Sa naturang debate, matikas na sinagot ni Bato ang mga batikos ng mga kandidato ng oposisyon laban sa Duterte Administration.

Ayon kay Mayor Sara, pwede umanong maging Presidente si Bato dahil sa naging performance nito sa debate.

“We are happy on General Bato’s performance during the debate and what I said to him a while ago, because of his performance on the debate, he could be the next president of the country,” sabi ni Mayor Sara.

Isa pa sa napabilib ni Bato sa debate ay si Senator Panfilo “Ping” Lacson. Ayon kay Ping, mag-isang giniba ni Bato ang ilang miyembrop ng Otso Diretso.

“Watching Ronald “Bato” Dela Rosa single handedly and gamely taking on Otso Diretso (minus two) candidates on a number of issues makes me stop wondering why he consistently ranks high in the senatorial surveys,” pahayag ni Lacson.

Panoorin ang ilang highlights ni Bato sa debate.

Source: Poltiko | Tribune