Dumepensa! Walang Kinalaman ang LP sa ‘Bikoy’ Videos ayon kay Kiko!

Kung dati rati ay panay ang pang-uudyok ng ilang miyembro ng oposisyon na paimbestigahan ang mga akusasyon ni Bikoy tungkol sa pagkaka-ugnay umano ng ilang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng droga, ngayon ay tila dumedepensa si Senador Francis “Kiko” Pangilinan nang mabunyag ang pagkakakilanlan ng taong konektado sa pagpapakalat ng malisyosong video laban sa kapamilya ng Presidente.

“Hindi involved ang LP sa anumang bajay tngkol sa Bikoy video. Period,” dipensa ni Kiko.

Magugunitang gustong pabuksan muli ni Senador Franklin Drilon ang senate investigation laban kay presidential son Paolo Duterte tungkol sa akusasyon na may koneksyon ito sa droga. Sinabi ito ni Drilon nang lumabas ang Bikoy videos noong unang bahagi ng Abril.

“It is best that the Senate Blue Ribbon Committee resume its investigation in order that those named in the video, particularly Mr. Duterte and Undersecretary Carpio can clear their names… However, the allegations made in the video are very serious. Allegedly, there are documents, there are evidences and certain names were mentioned, including that of former vice mayor Duterte and Undersecretary Waldo Carpio,” sabi ni Drilon.

Ang suhestiyon ni Drilon ay sinuportahan ni Senadora Risa Hontiveros.

“I fully support the move to reopen the hearing on illegal drugs, especially in light of these videos. The videos presented disturbing documents and data trail that cannot be ignored,” boladas ni Risa.

Para sa mga hindi nakakaalam, si Bikoy ay ang taong ipinakilala sa video series na may titulong “Ang Totoong Narco List”. Ayon kay Bikoy, isa daw siyang dating miyembro ng drug syndicate. Nagpakita si Bikoy ng ilang dokumento para patunayan ang kanyang akusasyon na konektado umano ang ilang kaanak ni Pangulong Duterte sa droga.

Kamakailan lang ay naglabas ang Rural Bank of Guinobatan ng pahayag laban sa mga dokumentong ipinakita ni Bikoy. Ayon sa bangko, walang katotohanan ang mga dokumento ni Bikoy. Isang alkalde din mula sa Maguindanao ang umalma at sinabing ninakaw umano ang kanyang pirma para gamitin sa mapanirang video.

Source: Manila Bulletin | Manila Bulletin | GMA

LP Supporter Rodel Jayme, Ikakanta kung sino ang Sangkot sa ‘Bikoy’ Video!

“Inilaglag ako sa bagay na wala akong alam, na parang tinraydor ako.”

Ganito ang ilan sa mga binitawang pahayag ni Rodel Jayme, ang itinuturong administrador ng metrobalita.com, ang website kung saan unang lumabas ang naging viral video ni alyas “Bikoy”, kung saan tinalakay ang mga diumano’y pagkakasangkot ng mga kaibigan at kaanak ni Pangulong Duterte sa ilegal na droga. Inaresto si Jayme ng pulisya sa kasong “cyber libel”.

Sa eksklusibong panayam ng GMA News kay Jayme, masama ang loob at mariing itinanggi nitong may kinalaman siya sa paggawa, pag-upload at pagpapakalat ng nasabing video.

“Hindi po ako si Bikoy at wala po akong kinalaman doon. Wala rin po akong kinalaman doon po sa pag-upload,” saad ni Jayme.

Isinalaysay din ni Jayme kung paano umano siyang kinontak ng isang kakilala upang gumawa ng website kapalit ng kaukulang halaga noong March 31, 2019. Dagdag pa ni Jayme, matagal na umano niyang kakilala ang nasabing kumumbinsi sa kanya, taong 2015 Presidential campaign pa.

“Nag-chat lang sa akin na kung puwede akong makipagkita. Then, nung nagkita kami sa may Las Piñas, sa isang lugar dun, mall, dun nagsabi na ‘yun nga po, kailangang gumawa ng website, na gagamitin lang naman po for posting ng mga articles for campaign. Kandidato po ng Otso Diretso ang ipo-post po dun sa website,” ani Jayme.

“Ibinigay ko po ‘yung access doon sa nagpagawa, then, April 2, no idea po ako dahil wala po ako sa bahay, nasa isang pagkakatipon po ako sa church, bigla pong na-upload ‘yung video (ni Bikoy) so wala po akong alam,” dagdag pa ni Jayme.

Nang kumalat na ang nasabing video, muli raw nakatanggap ng instructions si Jayme mula sa nagpagawa sa kanya ng website.

“‘Yung plano na sinasabi nga po sa akin is yung magtago nga daw po, na within one month dahil kumbaga parang lumalabas is, ngayon lang mainit ‘yan hanggang eleksyon, dahil parang lalabas po yata si Bikoy bago mag-eleksiyon,” pahayag ni Jayme.

“Kung tutuusin, inupload ‘yung video na hindi man lang sinabi sa akin, na alam nilang nandiyan ‘yung pangalan ko dahil siyempre ang alam ko lang is malinis ‘yung intensiyon nung pagpapagawa,” dagdag pa ni Jayme.

Ayon din kay Jayme, isa umano sa mga bilin ng nagpagawa sa kanya ng website ay mag-delete umano ng conversation ngunit hindi umano niya ito ginawa, dahil aniya ay alam niyang maaari niya itong maging ebidensiya kung sakaling may mangyari.

Kasalukuyan nang sinisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang computer at laptop na ginamit ni Jayme para sa iba pang ebidensiya. Handa naman umano siyang makipagtulungan sa mga ito sa ikalulutas ng kaso at ituro ang nasa likod ng nasabing website.

Source: GMA

Mugshot ng Suspek sa ‘Bikoy’ Videos, Nilabas na sa Publiko!

Ipinakita na sa madla ang larawan ng mugshot ni Rodel Jayme, ang lalaking nasa likod umano ng pagpapakalat ng libelous online video laban sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang naturang online video ay may pamagat na “Ang Totoong Narco List”. Ipinakilala sa nasabing video ang umano’y dating miyembro ng drug syndicate na si alya ‘Bikoy’. Inakusahan ni Bikoy ang mga kapamilya at malalapit na tao kay Pangulong Duterte na sangkot umano sa kalakaran ng iligal na gamot. Hindi rin naawa si Bikoy sa menor de edad na anak ng Pangulo na si Kitty, at dinamay din ito sa paninirang puri.

Si Jayme ay natunton ng otoridad matapos malaman na siya ang nag mamay-ari ng website na Metrobalita, ang unang website na nag-share ng libelous video.

Ayon sa Department of Justice, kinakasa na raw ang kasong inciting to sedition laban kay Jayme. Posible din daw itong makasuhan ng child abuse.

Si Jayme ay tagasuporta ng Liberal Party. Nakalap ng ilang kababayan natin sa social media ang mga larawan ni Jayme kasama ang mga kilalang personalidad ng Partido Liberal.

Source: ABS-CBN | PTV

Suspek sa ‘Bikoy’ Videos, Bigyan dapat ng Due Process – Otso Diretso Candidate

Para kay Otso Diretso senatorial candidate Chel Diokno, dapat daw mabigyan ng due process si Rodel Jayme, ang taong itinuturong nasa likod ng pagpapakalat ng video series na “Ang Totoong Narco List”. Ang naturang video series ay paninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Inaakusahan sa naturang video ang mga kaanak ng Pangulo na tumatanggap umano ng pera mula sa kalakaran ng droga.

“Kahit sino naman na aarestuhin ng ating pamahalaan ay talagang may karapatan at sana naman kahit sino man ‘yun ay igalang ang karapatan ng sinasabi nilang hinuli nila… Bigyan [dapat] siya ng inquest at mga normal na proseso ng nasa batas natin,” sabi ni Diokno.

Sa pamamagitang ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation, natuklasan na si Jayme ang may-ari ng website na Metrobalita na unang nag-share ng mapanirang video.

Magugunita na iniugnay ng Malacañang ang “Bikoy” videos sa planong destabilisasyon laban sa Duterte GOvernment. Ilang media organizations din daw ang konektado sa pagpapakalat sa malisyosong video.

Base sa mga larawan na kumalat sa social media, si Jayme ay masugid na sumusuporta sa Liberal Party.

Source: ABS-CBN

Suspek sa ‘Bikoy’ Videos, Kakasuhan din ng Child Abuse?

Base sa pahayag ng Department of Justice (DOJ), mahaharap sa patong-patong na kaso si Rodel Jayme, ang taong konektado sa “Ang Totoong Narco List” video series. Sa naturang videos, inakusahan ni alyas ‘Bikoy’ ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumatanggap umano ng pera mula sa kita ng droga.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, makakasuhan si Jayme ng paglabag sa cyber libel law, inciting to sedition at child abuse. Magugunitang dinamay din ni Bikoy ang menor de edad na anak ni Pangulong Duterte na si Kitty sa iligal na droga.

Si Jayme ay naaresto sa kanyang pamamahay nitong nagdaang mga araw matapos ang join investigation ng DOJ. Nakumpirma ng DOJ na si Jayme ang may-ari ng metrobalita website, ang unang website na nagbahagi ng ‘Bikoy’ videos.

Si Jayme ay naaresto sa kanyang pamamahay nitong nagdaang mga araw matapos ang joint investigation na isinagawa ng DOJ. Nakumpirma ng DOJ na si Jayme ang may-ari ng metrobalita website, ang unang website na nagbahagi ng ‘Bikoy’ video.

Si Jayme ay taga-suporta ng Liberal Party. Sa katunayan, nagkalat na sa internet ang mga larawan nito na kasama ang ilang kilalang personalidad ng Partido Liberal.

Source: ABS-CBN

Leni, Gustong Proteksyunan si ‘Bikoy’! Ilalagay sa Witness Protection Program?

Sa isang pahayag, sinabi ni Vice President Leni Robredo na baka maaaring ilagay si Bikoy sa witness protection program ng gobyerno dahil sa mga pagbibintang nito na konektado umano sa droga ang mga kapamilya at kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“‘Di ba dapat, kasi parang whistleblower din siya? Hindi ba dapat bigyan ng proteksyon para malaman kung totoo o hindi ang sinasabi? Kasi hindi naman natin, wala naman tayong way of knowing kung totoo o hindi,” sabi ni Leni.

Si Bikoy ay ang karakter sa mapanirang video series na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”. Sa mga naturang videos, inakusahan ni Bikoy na konektado daw sa droga ang anak ni Presidente Duterte. Pati ang menor de edad na anak na babae ng Pangulo ay dinamay din ni Bikoy.

Ayon kay Robredo, dapat daw tignan kung totoo ang mga akusasyon ni Bikoy laban sa mga kaanak ni Presidente Duterte.

“Mayroon siyang mga sinasabing mga — iyong first pa lang iyong napanood ko —pero may sinasabi siyang mga bank accounts. Bakit hindi tingnan kung totoo? Kasi ano lang naman eh, madali naman i-check iyon,” boladas ni Leni.

Nitong mga nakaraang araw ay naaresto na ng otoridad ang indibiduwal na nagngangalang Rodel Jayme. Ayon sa Department of Justice, si Jayme ay ang “person of interest” sa likod ng pagpapakalat ng Bikoy videos.

Base sa mga litrato na nakalap ng ilang kababayan natin sa social media, si Jayme ay masugid na sumusuporta sa Liberal Party, ang partido ni Leni.

Source: INQ

LP Supporter, Suspek sa ‘Bikoy’ Video! DOJ, Kinumpirma ang Pangalan ng Salarin!

Sa isang press conference, isiniwalat na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pagkakakilanlan ng suspek sa libelous video series na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”, na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa kalihim, isang nangngangalang Rodel Jayme ang nasa likod ng paglalathala ng mga videos na nag-aakusa sa mga kaanak ng Presidente na tumatanggap umano ng pera mula sa kalakaran ng droga.

Base sa joint investigation na ipinag-utos ni Sec. Guevarra, si Jayme daw ang lumalabas na nag mamay-ari ng website na metrobalita.net, ang unang website na nagbahagi ng mapanirang video. Nitong Abril 29 ay naglabas ng search warrant si Makati RTC Judge Andres Soriano laban kay Jayme. At noong Abril 30 ay ni-raid ang pamamahay nito.

Magugunitang ibinunyag na ni university lecturer at pro-government blogger Sass Rogando Sasot ang pagkatao ni Jayme noong Abril 25. Sa pamamagitan ng advertising code sa website, natuklasan ng kung sino ang nasa likod ng website.

“Metrobalita.net’s AdSense ID is 9287075011637877. Some of my readers were able to trace all the websites bearing that ID, which eventually led us to the identity of the person behind metrobalita.net. Out of fear for their lives, they asked me not to disclose the identities revealed… Google AdSense ID 9287075011637877 can also be seen in another online version of Metro Balita, when it was still a dot com instead of a dot net website. The domain registrant of the old dot com version is Rodel Jayme. This information is publicly accessible via WHOXY, an online tool that reveals the domain registration records of websites,” sabi ni Sass

Base sa mga litrato na nakalap ng mga netizens sa social media. Si Jayme ay masugid na taga-suporta ng Liberal Party.

Panoorin ang press conference ni Sec. Guevarra.

Source: PTV | Manila Times | volunteers4marleni

Lagot! Suspek sa ‘Bikoy’ Videos, Kakasuhan ng Sedisyon ng NBI!

Ayon sa impormante ng pahayagang The Manila Times, ikinakasa na daw ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong sedisyon laban sa taong nasa likod ng mapanirang videos series na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”.

Na-aresto nito lamang Martes ang suspek sa kanyang pamamahay sa lungsod ng Parañaque.

Sa video series, ipinakilala ang karakter na nagngangalang “Bikoy”. Si Bikoy daw ay dati umanong miyembro ng drug syndicate. Siniraan ni Bikoy ang ilang kapamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga malalapit na tao sa Presidente sa pamamagitan ng pagsangkot sa mga ito sa droga. Hindi rin pinalampas ni Bikoy ang menor de edad na anak na babae ng Pangulo na si Kitty at idinawit din ito sa kalakaran ng bawal na gamot.

Nagpakita si Bikoy ng ilang dokumento at pirma sa video para patunayan kanyang mga akusasyon. Pero agad itong nabutata ng RURAL BANK OF GUINOBATAN, INC. nang magsalita ang bangko matapos magamit ang kanilang logo sa isa sa mga dokumentong ipinakita ni Bikoy para siraan ang pamilya Duterte.

“The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous… RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos,” sabi sa pahayag ng RBGI.

Isang alkalde din mula sa Maguindanao ang umalma at sinabing ninakaw ng mga tao sa likod ng libelous video ang kanyang pirma.

Nitong mga nagdaang mga araw ay nag-labas ang Malacañang ng “Oust-Duterte” Matrix. Sa naturang matrix, makikita na ang “Bikoy” videos ay parte ng destabilisasyon laban sa gobyerno at konektado umano ang ilang media organizations sa pagpapakalat nito.

Source: Manila Times | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. | PNA | Datu Zamzamin