Grupong Magdalo, Nabanggit sa Na-recover na Chat Messages tungkol sa Bikoy Videos!

Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakabanggit sa grupong Magdalo sa nakuhang chat conversations sa pagitan ni Rodel Jayme at ni Alyas “Maru Nguyen”.

“Now, in so far as inciting to sedition is concerned, we based it on the content of the conversation. There are very sensitive matters sa pinag-usapan ni Mr. Rodel at Ms. Maru Nguyen. We forwarded this already to Department of Justice (DOJ), ‘yung contents ng kanilang conversation ,” sabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin.

Isa sa lider ng Grupong Magdalo ay si Senador Antonio Trillanes. Si Trillanes ay maingay na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahina ng NBI report na inilathala ng CNN Philippines, isang nagngangalang “Filmore” na miyembro umano ng Magdalo ang nabanggit ni Nguyen kay Rodel.

Sa isang pahayag, sinabi ni Trillanes na dapat pagtuunan ng pansin ng DOJ ang mga bintang ni Bikoy at pabulaanan ang mga ito, imbes na imbestigahan ang mga whistle blower.

Si Rodel ang itinuturong web developer ng Metrobalita website, ang unang website na nagbahagi ng malisyosong video series kung saan pinaratangan ni alyas “Bikoy” ang kapamilya ng Pangulong Duterte na sangkot umano sa droga. Pati ang anak ng Presidente na si Kitty, menor de edad, ay siniraan at iniugnay sa bentahan ng iligal na gamot.

Source: News5 | CNN Phil

Rodel Jayme, Nag-Sorry kay Pangulong Duterte at kay Kitty!

Lubos na humihingi ngayon ng paumanhin sa pamilya ni Pangulong Duterte ang naarestong si Rodel Jayme, ang itinuturong administrador ng website kung saan inilabas ang viral video na “Ang Totoong Narco List”. Sa nasabing video, idinawit ang ilan sa mga kaanak at malalapit na kaibigan ni Pangulong Duterte sa umano’y transaksyon ng ilegal na droga sa bansa.

Nauna nang itinanggi ni Jayme ang alegasyon at aniya’y wala umano siyang kinalaman sa pagpapakalat ng nasabing video dahil inupload umano ito nang hindi ipinagpaalam sa kanya, at ang tanging alam lang daw niya ay ginawa niya ang nabanggit na website nang may mabuting intensiyon.

Ayon sa ulat ng GMA News, humihingi umano ng tawad si Jayme lalung-lalo na sa dalagitang anak ng Pangulo na si Kitty.

“President Duterte at sa buong sambahayan niya, sa pamilya niya, hindi ko po pinlano, wala po ako talagang idea, wala po akong sapat na kaalaman doon po sa pagpapakalat. Humihingi pa rin po ako ng patawad, sa mga tao, lalo na po doon sa pamilya po ng Pangulo na naapektuhan, lalo na po doon sa menor-de-edad na anak,” saad ni Jayme.

Dagdag pa ni Jayme, hindi raw siya sang-ayon sa pagbanggit pa sa nasabing “Bikoy Video” sa anak ng Pangulo na si Kitty.

“Para sa akin, mali ‘yun. Masakit ‘yun. Kasi, kumbaga,kung ia-ano mo sa sarili mo ‘yun, kahit sabihin mong hindi mo kamag-anak, kung sisiraan is bata, hindi po maganda para sa akin kasi ‘yun eh, na mandadawit ka ng bata,” wika pa ni Jayme.

Ipinakita rin ni Jayme ang larawan ng tinatawag niyang si Alyas “Marie Xie”, na itinuturo niyang nagpagawa umano sa kanya ng nasabing website. Ayon kay Jayme, hindi siya maaaring magkamali at positibo niya itong kinilala.

Samantala, pinag-aaralan na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad na gawin nilang “state witness” si Jayme sa ikareresolba ng kaso laban sa mga tunay na nasa likod ng viral video.

Source:
GMA News

Rodel Jayme, Payag Maging STATE WITNESS para Mahuli ang mga Tao sa Likod ng Bikoy Videos!

Payag si Rodel Jayme na maging state witness at makipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) upang maaresto ang mga tao sa likod ng malisyosong “Ang Totoong Narco List” video series, na naninira at nag-aakusa sa ilang miyembro ng panilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa droga.

“Nakikipagtulungan ako dahil malinis ang intensyon ko. Wala akong masamang intensyon kahit kanino man lalo na sa ating presidente at sa kanyang mga mahal sa buhay,” sabi ni Jayme.

Ibinunyag din Jayme ang taong nagngangalang Maru Nguyen o Mari Xie na diumano’y taga-suporta ng Liberal Party (LP). Ayon kay Jayme, ito daw ang nagpagawa ng website sa kanya para ibida ang mga nagawa ng LP. Pero hindi niya akalain na ginamit daw ang website sa pagpapakalat ng malisyosong video laban sa pamilya ng Pangulo.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, narekober ng NBI ang ilang mahahalagang usapan sa social media account ni Jayme. Natuklasan na ang mga atake laban sa Pangulong Duterte at kaanak nito ay planado at sinusuportahan ng ilang personalidad.

Source: News5 | CNN Phil | CNN Phil | news5

Matapos maging Supporter, Kampo ni Leni Itinakwil si Rodel Jayme!

Matapos kumalat ang larawan ni Rodel Jayme na kasama si Vice President Leni Robredo, dumepensa ang kampo ng ikalawang pangulo at sinabing walang koneksyon si Jayme kay Leni.

“Malinaw na paninira na naman ito. Ayon sa kuwentong ipinipilit ibenta kasabay ng photo, si VP Leni daw ang nasa likod ng pagkilos nitong si Jayme. Para sa kalinawan ng lahat: walang “Rodel Jayme” na nagtatrabaho para sa office of the vice president o kay VP Leni,” sabi ni Gutierrez.

Si Jayme ay aminadong supporter ng nakaraang administrasyon. Sa katunayan, kalat na sa mga social media pages ang mga larawan niya kasama ang ilang kilalang personalidad ng Liberal party.

Mayroon din write-up kay Jayme ang website na volunteers4marleni. Ang volunteers4marleni ay website para sa mga campaign volunteers nila dating DILG Secretary Mar Roxas at Leni noong 2016 elections.

“Have you met someone who purely dedicated all his time to campaigning for Mar Roxas? If not, then you have to meet this guy. Never did he ask for monetary compensation and any kind of compensation for that matter. Instead, he keeps on asking what else he can do to help the campaign – be it a postering in Paranaque or a motorcade in Quezon City – he will be there to support all the way,” sabi ng volunteers4marleni.

Hinuli si Jayme ng mga kawani ng National Bureau of Investigation nitong mga nagdaang araw dahil sa koneksyon umano nito sa “Ang Totoong Narclo List” video series na nagkakalat ng kasinungalingan laban sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Source: News5 | News5 | volunteers4marleni

University Lecturer, Hinamon si Leni kaugnay sa ‘Bikoy’ Video!

Sa isang social media post, hinamon ni Maastricht University lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot si Bise Presidente Leni Robredo na magbitiw sa pwesto kung mapapatunayan na peke ang mga ipinakita ni “Bikoy” na dokumento na nag-uugnay sa mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa droga. Ayon pa kay Sasot, magbibitiw naman siya sa kanyang trabaho at isasara ang kanyang social media page kung mapapatunayan naman na totoo ang bintang ni “Bikoy” sa pamilya ng Pangulo.

“LENI ROBREDO, let’s make a deal: Kung totoo iyong Rural Bank of Guinobatan (RSBI) accounts at transactions na sinabi ni Bikoy, isasara ko itong Page ko for good at mag-reresign ako sa work. KAPAG hindi totoo, mag-reresign ka as VP. DARE?” hamon ni Sasot.

Magugunitang nagkomento ang kampo ni Leni sa “Bikoy” videos. Ayon sa tagapagsalita nito na si Atty. Barry Gutierrez, imbes daw na beripikahin kung totoo ang bank accounts na sinasabi ni Bikoy, inimbistigahan pa daw ang naglabas ng video ni Bikoy.

“Nakakapagtaka lamang na imbes na tignan muna kung may katotohanan ang mga malalim na alegasyon sa video-halimbawa, sa simpleng pag-verify ng mga binanggit na bank account- mas binigyan pa ng pansin ang pag-imbestiga sa gumawa at nalabas nito,” sabi ng spokesperson ni Leni.

Noong nakaraang buwan ay naglabas na ng RURAL BANK OF GUINOBATAN, INC. (RGBI) ng pahayag matapos lumabas sa video ni Bikoy ang logo ng kanilang bangko sa dokumentong ipinakita ni Bikoy. Ayon sa RGBI, walang katotohanan ang mga pinagsasabi ni Bikoy.

“The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous… RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos,” sabi ng RBGI.

Source: Sass | News5 | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc.

Jover Laurio, Sabit din sa NBI Report tungkol sa “Bikoy” Videos!

Nitong umpisa ng Mayo, naging laman ng balita ang pagkakahuli kay Rodel Jayme, ang itinuturong nagpapakalat umano ng “Bikoy” videos.

Si alyas “Bikoy” ay dati daw miyembro ng sindikato ng droga at bida sa video series na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”. Gumawa si Bikoy ng mga pekeng dokumento at pirma para iugnay ang kaanak at malalapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng droga. Ilan sa mga prinisinta ni Bikoy na ebidensiya ay lumabas na peke. Sa katunayan, binutata na ng RURAL BANK OF GUINOBATAN, INC ang isa sa mga dokumentong ipinakita ni Bikoy.

“The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous… RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos,” pahayag ng RBGI.

Sa pagkakahuli kay Jayme ng National Bureau of Investigation (NBI), natukalasan ng ahensiya ang ilang “mahalagang pag-uusap”. Isa na dito ay ang patuloy na pag-yurak sa imahe ng gobyerno sa pamamagitan ng mala-iskandalo at mapanirang pagbibintang.

Ilan pang impormasyon na lumabas sa ulat ng NBI ay ang pangunguna ng ilang social media pages para ikalat ang malisyosong videos laban sa pamilya ng Presidente.

Kasama sa mga social media pages na pinagalanan sa ulat ng ahensiya ay ang Pinoy Ako Blog, Change Scamming, Metro Balita, Madam Claudia at What the FACT blog.

Si Jover Laurio ay isa sa mga maingay na kritiko ng kasalukuyang gobyerno at ang nasa likod ng Pinoy Ako Blog site. Magugunitang inamin ni Kris Aquino na binigyan niya ng pera si Laurio para sa blog nito. Ang pag-amin ni Kris ay taliwas sa pinalalabas ng ilang taga-oposisyon na isang “independiyenteng” manunulat si Laurio.

Source: Atty. Darwin Cañete | CNN Phil | CNN Phil | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. | CE | CE

‘Otso Diretso is already ENDORSED by your Catholic Bishops Secretly’ – Samira Gutoc

“Huwag matakot, gobernador, mayor. Please consider that the Otso Diretso is already endorsed by your Catholic bishops secretly. So please, kung kayo ay talagang leader, representante ng inyong community, i-represent ang interes ninyo at hindi represent the interest of the President.”

Ganito ang naging pahayag ni civic leader Samira Gutoc sa kanilang pagbisita sa Cebu kasama ng iba pang kandidato ng Opposition Slate Otso Diretso at ni Vice President Leni Robredo upang mangampanya para sa darating na May 13 midterm elections, mula sa ulat ng Inquirer.

Ang Cebu ang probinsyang may pinakamaraming rehistradong botante sa bansa, na may 3,082,621, batay sa datos ng Commission on Elections (Comelec).

Bagama’t kakaunti lamang ang suportang natatanggap ng Otso Diretso mula sa lokal na pamahalaan ng Cebu ay kanya-kanyang pahayag pa rin ng pag-asa, pangungumbinsi at panghihikayat ang bawat kandidato ng oposisyon.

“Dahil nga malakas ‘yung kanilang kontrol doon sa mga pamahalaang lokal, nakukuha nila ‘yung mga hakot crowds. Sa amin naman ‘yung mga hugot crowds. Ito ‘yung mga galing sa iba’t ibang sektor na may hugot, ‘yung mga may frustrations, may disappointment, may gustong iparating sa mga mamamamayan. Cebu has a history of voting the opposition, given the province’s residents’ open-mindedness,” saad ni dating Solicitor General Pilo Hilbay.

Ayon naman kay veteran election lawyer Romy Macalintal, nasa kamay pa rin daw ng mga botante ang pinal na desisyon sa kabila ng maliit na suportang natatangggap umano ng kanilang partido mula sa mga opisyal ng gobyerno.

“Kung sinasabi nila na nasa kanila ang mga elected officials ng Cebu, ay kanila na iyon. Pero para sa akin, ang hinahanap namin dito, ‘yung mga tunay na botante ng province of Cebu,” ani Macalintal.

Samantala, iginiit naman nina Gutoc at Magdalo Rep. Gary Alejano na mayroon umanong ilang opisyal ng pamahalaan na nagpahayag na ng kanilang pagsuporta sa oposisyon slate nang palihim, subalit nangangamba umano ang mga ito na isama sila sa “narco list” ng gobyerno at tanggalan ng kani-kanilang pondo.

“Pero alam niyo naman na kahit ganoon na ang nangyayari, marami namang local officials na sumusuporta na hindi nakikita sa publiko,” saad ni Alejano.

Ayon naman kay human rights lawyer Chel Diokno, kaya umano sila bumabalik sa Cebu ay dahil mahal na mahal nila ang probinsyang ito at ang mga residente nito. Naniniwala rin umano siya na mahal din ng mga Cebuano at Cebuana ang Otso Diretso.

“Ang magpapanalo sa kahit kaninong kandidato sa Otso Dirteso ang tao mismo. Kaya ang Otso Diretso ay people’s movement for change,” wika naman ni dating House Deputy Speaker Erin Tañada.

Source: INQ

Pinakamataas na Credit Rating sa Kasaysayan ng Pinas dahil sa Masiglang Ekonomiya!

Balitang pang-ekonomiya, mga kababayan!

Umangat ang credit rating ng Pilipinas sa pinakahuling pagsusuri ng Standard and Poor’s (S&P), isang international debt watcher, kung saan nakakuha ang ating bansa ng “BBB” sa S&P Global Ratings dahil sa magandang ekonomiya at gumagandang fiscal position ng Pinas.

Sinusukat ng nasabing credit rating ang kakayahan o kapasidad ng isang gobyerno o ng isang institusyon na magbayad ng utang nito.

Sa kasalukuyan ay ito na ang pinakamataas na credit rating na naabot ng Pilipinas, na ikinatuwa naman ng pamahalaan. Malaki umano ang maitutulong nito upang makakuha ng dagdag na investments at trabaho para sa mga Pilipino.

“The stable outlook reflects our view that the Philippine economy will maintain its strong momentum over the medium term, in combination with contained fiscal deficits and stable public indebtedness,” saad ng S&P.

Ang pagtaas ng credit rating na ito ay maaaring magdulot ng higit na mababang “borrowing costs” mula sa international market para sa pampubliko at maging sa mga pribadong korporasyon, na magbubunga naman ng mas mababang “financing options” para sa domestic market. Malaking tulong umano ito para sa ekonomiya ng bansa.

Samantala, sa isang text message naman na natanggap umano ng Inquirer mula kay Finance Secretary Carlos Dominguez, pinuri nito ang Administrasyong Duterte at ang mga programang pang-ekonomiya ng Pangulo.

“Credit belongs to President Duterte’s strong leadership and his 10-point economic program,” ani Dominguez.

Ayon naman kay Governor Benjamin Diokno ng Bangko Sentra ng Pilipinas (BSP), “well-deserved” ng Pilipinas ang nasabing pag-angat ng credit rating na ito. Ipinakikita lamang daw nito na tama ang direksyon ng ginagawang pagtatrabaho ng economic team ng Administrasyon.

Target naman ngayon ng Administrasyon na maitaas pa sa A grade rating ang credit ng Pilipinas.

Binigyang-diin din ng S&P na ang ekonomiya ng Pilipinas ay isa sa pinakamabibilis na umangat sa mundo batay sa 10-year weighted average per capita, patunay umano na pinagsisikapang pagbutihin ng bansa ang ukol sa investment climate nito.

Source: Inq | News5

Pelikula tungkol sa mga Madreng Ginawang Sex Slaves ng mga Pari, Ipinahinto!

Ilang linggo matapos ang naging pag-amin ni Pope Francis noong Marso sa isyu tungkol sa mga aniya’y naging problema ng Simbahang Katolika sa nangyayaring pang-aabusong seksuwal ng ilang mga pari sa mga madre, isang dokumentaryo ang mabilis na kumalat sa telebisyon ukol dito.

Ang nasabing dokumentaryo ay may titulong “Sex Slaves in The Catholic Church”, na inilathala noong Marso at naging mabenta sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito umano ang naging “Most Watched Documentary” ng taon sa French arm ng istasyon, napanuod ng may 1.5 milyong katao nang live, at nasa 1.7 milyong katao sa replay nito.

Higit tatlong taon ang naging paglikha ng nasabing palabas, sa pangunguna ni French director Marie-Pierre Raimbult at ng investigative journalist na si Eric Quintin, na nangalap ng testimonya at salaysay ng mga madreng nagsasabing naging biktima sila ng pang-aabusong seksuwal ng mismong mga pari. Ayon sa kanila, ipinagsawalang-bahala umano ang kanilang mga hinaing at itinago sa apat na kontinente ng mundo.

Maliban dito, naglabas din ng report ukol sa mga diumano’y mga madreng sapilitang pinalalaglag ang kanilang mga ipinagbubuntis na bunga ng pang-aabuso ng mga pari ang Women Church World, isang women’s magazine sa Vatican.

Sa kasalukuyan, ipina-pull out na sa Franco-German Television channel Arte ang nabanggit na dokumentaryo, matapos umanong maghain ng reklamo ang isang pari sa German Court. Saad ng pari, bagama’t hindi umano siya ipinakita sa isang interbyu sa madre sa nabanggit na palabas ay tila ipinakikita rin daw doon ang kanyang “pagkakakilanlan”.

Ayon sa nabanggit na panayam, ipinahiwatig umano ng madre na pinuwersa siyang makipagtalik ng isang pari nang labag sa kanyang kalooban.

Source: ABS-CBN