Hina-harass nila ang nasa likod ni ‘Bikoy’ – Trillanes

Sa isang panayam sa radyo, umangal si Senador Antonio Trillanes sa pagkilos ng Natonal Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) para matunton ang mga tao sa likod ng mapanirang online video series na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”, kung saan isang alyas “Bikoy” ang nagbintang sa mga kapamilya ng Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot daw sa droga. Para kay Trillanes, sana man lang ay inimbistigahan ng otoridad ang mga alegasyon ni Bikoy.

“Ni hindi man lang nagpanggap na nag-conduct sila ng investigation, bagkus ang hina-harass ngayon ’yung mga taong nasa likod daw ni Bikoy,” boladas ni Trillanes.

Hindi din daw labag sa batas ang pagpapakalat ng katotohanan.

“Ano’ng krimen nu’ng mga tao na ’yun kung totoo ang alegasyon. Hindi krimen ang pagkalat ng katotohan pero kasalanan ’yung pagpigil ng katotohanan,” dagdag pa ni Trillanes.

Kamakailan lang ay nahuli ng NBI si Rodel Jayme na web developer ng Matrobalita.net, isa sa mga unang site na nagpakalat ng Bikoy videos.

Base sa mga Facebook conversations na narekober ng DOJ sa account ni Jayme, planado daw ang libelous attacks laban sa gobyerno.

Magugunitang ilan sa mga akusasyon ni Bikoy ay napatunayang peke. Isang rural bank ang nagsalita laban sa dokumentong ipinakita ni Bikoy.

“The Rural Bank of Guinobatan, Inc. (RBGI) is unfortunately mentioned in a video that has been circulating in different social media platforms implying that the bank is being used in facilitating transactions allegedly involving drug money. This allegation implicating RBGI is not only downright false but also preposterous… RBGI categorically denies that it has existing bank accounts with the number combinations mentioned and that any of the alleged transactions never happened involving RBGI as mentioned in the videos,” sabi sa pahayag ng RBGI.

Ang alkalde din sa Maguindanao na si Mayor Datu Zamzamin ay umalma nang isinama ang kanyang pirma sa dokumentong ipinagyayabang ni Bikoy.

Source: ABS-CBN | RURAL BANK OF GUINOBATAN Inc. | PNA | Datu Zamzamin

Pinagtakpan ng DOJ ang Rebelasyon ni Bikoy – Trillanes

Para kay Senador Antonio Trillanes, nagkakaroon raw ng cover-up sa mga ibinibintang ni alyas “Bikoy” laban sa pamilya ni pangulong Rodrigo Duterte. Si Bikoy ang pabida sa video series na “Ang Totong Narco List”, kung saan ilang kaanak ni pangulong Duterte ay iniuugnay sa kalakaran ng droga.

Kinikuwestiyon ni Trillanes ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation.

“San ka nakakita ng cyberlibel lang pero buong DOJ, NBI ang nagkukumahog? Talagang pinagtatakpan nila ito,” sabi ni Trillanes.

Boladas pa ni Trillanes, isang minor crime lang daw ang kaso para pagtuunan ng pansin ng kalihim ng DOJ.

“Kasi kahapon, DOJ secretary ang namumuno sa kaso na minor lang — Inciting to sedition at cyberlibel. Municipal Trial Court dapat yan,” dagdag ni Trillanes.

Ang mga pahayg na ito ni Trillanes ay sinabi ng senador sa isang programa sa radyo, ilang araw matapos ang pagkakahuli kay Rodel Jayme, ang web developer ng website na metrobalita.net na isa sa mga unang nagbahagi ng mapanirang video laban sa pamilya ni Pangulong Duterte.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng NBI sa Facebook account ni Jayme, isang nangngangalang Maru Nguyen ang nagpagawa ng website kay Jayme. At sa usapan nila Jayme at Nguyen ay nabanggit daw ang grupong Magdalo.

Base sa mga ulat, payag daw si Jayme na maging state witness para ikanta ang mga taong posibleng konektado sa paggawa ng mapanirang Bikoy videos. Humingi rin si Jayme ng kapatawaran sa pamilya ng Pangulo. Ayon kay Jayme, siya lang daw ang gumawa ng website pero hindi siya ang nag-upload ng mga libelous videos sa website.

Source: INQ

Matinding Nerbiyos ang Inaabot ni DU30 dahil kay Bikoy- Trillanes

Sa isang pahayag sa radio, sinabi ni Senador Antonio Trillanes na maaaring nininerbiyos na daw ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alegasyon ni Bikoy at baka daw nahihirpan ng makatulog.

“Kung totoo yung Bikoy allegations, matinding nerbyos na ang inaabot ni Duterte. Believe me, baka di na makatulog nang maayos yan,” boladas ni Trillanes.

Ito ang mga sinambitla ng mambabatas matapos mahuli ng mga kawani ng National Bureau of Investigation si Rodel Jayme, ang itnuturong web developer ng website na metrobalita.net na isa sa mga unang nagbahagi ng mapanirang video saeries na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”.

Sa mga naturang videos, idinadawit ng alyas “Bikoy” ang mga kapamilya at malapit na tao kay Pangulong Duterte sa kalakaran ng iligal na gamot.

Ang mga ipinakitang dokumento ni Bikoy sa mga videos ay natukalasang peke nang magsalita ang isang rural bank matapos gamitin ni Bikoy ang logo ng kanilang bangko sa pekeng dokumento. Umalma din si Mayor Datu Zamzamin ng Maguindanao at sinabing ninakaw umano ang kanyang pirma para gamitin sa mapanirang video.

Pero para kay Trillanes, maaaring totoo daw ang mga ibinibintang ni Bikoy dahil sa naging reaksyon ng palasyo.

“Based on what I am seeing, yung reaction nila Duterte parang kaduda-duda. Lalo akong nacu-curious baka may katotohanan ang sinasabi kasi kung nerbyosin sila,” ani Trillanes.

Sa ulat ng News5, nabanggit ang grupong Magdalo sa palitan ng mensahe nina Jayme at Maru Nguyen, ang LIberal party supporter na nagpagawa ng website kay Jayme. Ang anggulo na ito ay iimbestigahan daw ng NBI. Base naman sa NBI report na ibinahagi ng CNN Philippines, isang nagngangalang “Filmore” na miyembro umano ng Magdalo binanggit ni Nguyen kay Jayme.

Source: INQ | News5 | CNN Phil

Holdaper na Nakunan sa Dashcam na Nag-Viral, Natagpuang Patay sa Loob ng Trash Bag!

Nakasilid sa trash bag at tila basurang itinapon.

Ganito natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa may gilid ng kalsada sa Malabon, kanto ng Tuazon at Araneta Streets, sa Barangay Potrero, ayon sa ulat ng GMA News.

Batay sa paunang imbestigasyon, isang saksak sa dibdib ang ikinamatay ng biktima. Wala rin itong pagkakakilanlan maliban sa tattoo sa kaliwang kamay na may nakasulat na “metallica”, gayundin sa likuran na may nakalagay namang “commando”.

Ang mga tattoo ng nasabing lalaki ang magbibigay-daan pala upang tuluyang makilala ang pagkatao nito. Ayon kasi sa mga awtoridad, ang mga ito ay palatandaan na posibleng nakulong na noon ang biktima.

“Titingnan muna natin identity nu’ng tao, ‘yun siguro muna. And then, iche-check natin ‘yung background niya, most likely baka may involvement siya on some crimes, o baka may atraso sa ibang tao,” saad ni P/Supt. Jessie Tamayao, hepe ng Malabon City Police.

“I think it’s a group sa loob ng kulungan. Grupu-grupo ‘yun. ‘Pag nasa loob ka kailangan mong magpatatak to be a member of the group,” dagdag pa ni Tamayao.

‘Di kalaunan, natukoy na nga ng Malabon Police kung sino talaga ang nasabing bangkay. Ito umano ang suspek sa panghoholdap sa isang taxi driver noong nakaraang Pebrero na nakuhanan pa ng dash cam at naging viral video sa internet. Nakilala ito sa pangalang Emerson Gamba.

Kinumpirma ito ng mismong kaibigan ni Gamba na nakakulong din sa kasalukuyan sa Caloocan dahil sa kasong pagnanakaw.

Sa kuwento ng taxi driver na nabiktima noon ni Gamba, labindalawang pisong cash, relo, cellphone at alahas ang sapilitang kinuha nito sa kanya.

Mapapanood din sa naging viral video kung paanong tinutukan ng baril ni Gamba noon ang biktimang taxi driver habang binabantaan ang buhay nito sakaling magtangka ang driver na lumaban o lumingon man lang.

Wala namang nagawa noon ang taxi driver kundi sumunod na lamang at hindi na nanlaban pa, bagama’t agad niyang ini-report ang nasabing insidente sa pulisya.

Source:
GMA News

Bagong High Rating ni DU30, Matinding Sampal sa mga Kritiko – Presidential Spokesperson

“Isang matinding sampal sa oposisyon at mga kritiko”.

Ganito inilarawan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang muling pagkakamit ng mataas na net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, batay sa pinakahuling ulat ng Social Weather Stations survey.

Nakakuha si Pangulong Duterte ng +72 (Excellent) net satisfaction rating sa SWS First Quarter 2019 survey na inilabas nitong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Panelo, isang malaking sampal sa oposisyon at sa mga bumabatikos kay Pangulong Duterte ang nasabing mataas na rating, at sa mga nagdududa sa mga polisiyang ipinatutupad ng Presidente.

Dagdag pa ng Malacañang, ito na umano ang pinakamataas na rating na natanggap ng Administrasyon nang magsimula ang SWS namagsagawa ng survey noong Pebrero, taong 1989. Patunay lamang umano ito na nagbubunga na ang pagsisikap ng pamahalaan na maaayos na mapagsilbihan ang bayan at ang mga Pilipino.

Batay sa nabanggit na survey, ang Administrasyong Duterte ay nagkaroon ng malaking improvement sa iba’t ibang isyu tulad ng paglaban sa terorismo (+58) at muling pagbangon sa Marawi (+58).

“Our countrymen’s towering satisfaction in favor of our hardships and attainments is a hard slap on the face of the opposition and our detractors who never gave the leadership of President Duterte a chance to show them his competence in administering the nation’s affairs.

“Excellent” o +72 ang naging rating ng Pangulo sa survey sa pagtulong sa mahihirap, mula sa “very good” o +68 noong nakaraang quarter.

Kung hihimay-himayin, ilan sa mga naging resulta ng nasabing survey ang mga sumusunod:

+48 para sa pagsugpo ng krimen
+45 para sa pag-reconcile sa mga komunistang rebelde
+44 para sa pag-reconcile sa mga komunistang Muslim
+41 para sa pagsugpo sa graft and corruption
+41 para sa foreign relations, at
+40 para sa pagtatanggol sa Philippine sovereignty sa West Philippine sea

Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1440 Filipino adult respondents. Walumpu’t isang porsyento ang nagsabing satisfied sila sa general performance ng national government habang sampung porsyento naman ang undecided, at 9 na porsyento ang dissatisfied.

Samantala, nanawagan naman si Panelo sa mga kritiko ng Pangulo na “gumising” ang mga ito at “tumulong” sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas.

Source:
ABS-CBN News

Mahina ang Utak ni DU30, sabi ni FB Fact-Checker Ellen Tordesillas!

Hindi na nakapagtataka kung bakit “bias” ang tingin ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vera Files President at Facebook Fact-Checker Ellen Tordesillas. May mga pagkakataon kasi na matindi ang mga boladas ng mamamahayag na ito sa Pangulo. Magugunitang sinabi noon ni Tordesillas na ang Presidente mismo ang numero unong source ng pekeng balita.

Ngayon naman ay tinatawaran ni Tordesillas ang kapasidad ng pag-iisip ng Presidente. Sa isang pahayag, sinabi ni Tordesillas na mahina daw ang utak ng Pangulo.

“Hindi ko alam kung alin ba ang mas delikado, yung matalinong tyrant (Marcos) o yung medyo mahina yung utak na tyrant (Duterte)?” sabi ni Tordesillas.

Kamakailan lang ay pinangalanan si Tordesillas sa isyu ng pagpapabagsak sa Duterte administration, nang isiwalat ng Palasyo ang Ouster-plot Matrix kung saan nau-ugnay ang ilang mamamahayag sa pagpapakalat ng malisyosong video series na may pamagat na “Ang Totoo Narco List” .

Sa naturang video series, ipinakilala ang dating umanong drug syndicate member na si alyas “Bikoy”. Inakusahan ni Bikoy ang ilang kaanak at malalapit na kaibigan ni Pangulong Duterte na sangkot umano sa kalakaran ng droga. Ang mga pagbibintang ni Bikoy ay natuklasang peke nang magsalita ang isang rural bank laban sa dokumentong ipinakita ni Bikoy. Isa ring alkalde mula Maguindanao ang umalma nang isinama daw ng walang permiso ang kanyang pirma sa video ni Bikoy.

Nasa kamay na ng otoridad si Rodel Jayme, ang itinuturong web master ng metrobalita website kung saan unang in-upload daw ang Bikoy videos. Ayon kay Jayme, makikipagtulungan siya para maituro ang mga tao sa likod ng pamanirang video laban sa Pamilya Duterte.

Source: CNN Reporter Rex Remitio

Ifugao, Binigyan P829 Milyong Halaga ng Pangkabuhayan at Imprastraktura ng Gobyerno!

Magandang balitang pang-agrikultura at kabuhayan para sa mga kababayan nating Ifugao!

Inaprubahan ng Department of Agriculture’s Philippine Rural Development Project (DA PRDP) ang nasa labingwalong proyekto na nagkakahalaga ng P829 milyon upang mapaunlad ng probinsya ng Ifugao ang kanilang pamumuhay, lalo na iyong mga nasa bulubunduking nayon.

Ang PRDP ay isang six-year national project sa ilalim ng Department of Agriculture na sama-samang pinopondohan ng World Bank, National Government at Local Government Units. Layunin nitong makapagtayo ng moderno at climate-resilient agriculture and fisheries sector.

Ayon kay Ma. Imelda Isabel Zabala ng Information, Advocacy, Communication and Education (InfoACE) unit ng PRDP sa Cordillera Administrative Region (CAR), may mga aprubado nang imprastaraktura at sub-projects na nagkakahalaga ng P802 milyon habang may enterprise sub-projects naman na tinatayang nasa P27 milyon mahigit.

Ilan sa mga nabanggit na proyekto ang mga sumusunod, batay sa listahan ng PRDP Website:

1. P1.9 Milyong halaga ng potable water system sa Banaue na magiging kapaki-pakinabang sa may 673 households

2. Ongoing implementation ng 9 na communal irrigation systems na magpapatakbo sa may 211.59 ektarya ng sakahan na nagkakahalaga ng P44.4 milyon

3. Kasalukuyang proyektong Isang farm-to-market road (FMR) na may bridge project na tinatayang nasa 11 kilometro at nagkakahalaga ng P176 milyon

4. Ongoing din ang pagkakaroon ng apat pang potable water system project sa Banaue na nasa P9.8 milyon

5. Tatlong proyekto sa bayan ng Banaue at Mayoyao na nasa kategoryang NOL1 (No Objection Letter), kung saan ang proponent local government ay binibigyan ng notice upang ituloy ang paggawad ng kontrata sa nanalong bidder

6. Tatlong proyekto sa pipeline na nasa P454 milyon: isang 600-square meter slope protection project sa bayan ng Asipulo at dalawang FMR sa Lamut at Lagawe na nasa 37 kilometrong kabuuan

7. Restorasyon at rehabilitasyon ng livelihood projects para sa swine raising sa bayan ng Hungduan kasama ang isang organisasyon

8. Rehabilitasyon at restorasyon ng cattle fattening at marketing sa Lagawe, gayundin ang pagpapalawak at pagpapaunlad ng processing at marketing ng export quality Ifugao heirloom rice sa Banaue

Source:
Manny Piñol Facebook Page
Philippine News Agency