Matanda, Nag Beastmode sa Bus! Hinampas ang Babaeng may Kandong na Bata!

Kumakalat ngayon sa social media ang inasta ng isang matandang babae sa loob ng bus. Sa video na in-upload ni Anne Gaddi, mapapanood kung paano pagsalitaan at sigaw-sigawan ng matanda si Gaddi. Ayon sa pahayag ni Gaddi, pinagbintangan daw siya ng matanda na nasagi niya ito. Ang paliwanag ni Gaddi, may dala siyang bata at hindi niya alam kung nasagi nga ba niya ang matandang nagwawala.

Hindi pa nakuntento ang matanda at nilait pa ang mga taga-Bulacan. Kaya hindi nakapagtimpi ang ilang pasahero at pinagsabihan ang matanda. Dito na inaway ng matanda ang iba pang pasahero.

Sa isang video ni Gaddi, makikita pa na sinugod siya ng matanda at hinampas nito.

Pumalo na sa lagpas 31,000 ang nag-shares ng mga video ni Gaddi at umani na rin ng libo-libong komento mula sa mga netizens.

Source: Anne Gaddi

Trillanes, Binanatan si DU30 ‘Hindi ka Binayaran para Manood ng Pelikula!’

Hindi ikinatuwa ni Sneador Antonio Trillanes ang inilabas ng Malacañang na litrato ng panonood ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Netflix ng isang pelikula.

“Bakit hindi siya nagtatrabaho? Hindi ka ibinoto ng tao para manuod ka ng Netflix nang isang linggo. Hindi pwede ‘yan, hindi ka ordinaryong tao,” boladas ni Trillanes.

Para kay Trillanes, tamad daw ang Presidente at kawawa ang publiko dahil namumuhay na parang hari ang Presidente.

“Lumalabas dito, since wala naman siya sa ospital, ibig sabihin wala siyang sakit, ibig sabihin lang nito tamad siya, kawawa naman yung taumbayan na naso-short change siya dahil parang hari ‘yung kanilang ibinoto kasi pawardi-wardi lang,” angal ni Trillanes.

Rumesbak naman si Presidential Spokesperson Salvador Panelo at sinabing kabalbalan at hindi pinag-iisipan ang ang banat ni Trillanes.

“Alam mo ‘yang si Trillanes ay hindi ko na pinapatulan ang kabalbalan nyan… Parang hindi na nag-iisip kung magsalita ‘yan. As if hindi siya nagpapahinga, as if hindi siya natutulog, as if hindi siya nanonood ng TV,” buwelta ni Panelo.

Ipinaliwanag din ni panelo na kailangang magpahinga ni Pangulong Duterte dahil sa dami ng trabaho nito mula nang dumating galing sa Belt and Road forum sa Beijing.

Magugunitang inilabas ng kampo ng Pangulong Duterte ang litrato para maalis ang pagdududa sa lagay ng kalusugan ng Presidente.

Source: GMA News | INQ

Ilang Selyo ng mga Balota, SIRA nang dumating sa Maynila!

Ilang selyo ng mga opisyal na balota para sa gaganaping May 13, 2019 elections ang kapansin-pansing may mga sira, nang dumating ang mga ito sa Manila City Hall ngayong araw, Linggo, batay sa ulat ng GMA News.

May mga punit umano ang ilan sa mga Commission on Elections (Comelec) sticker seals na ginagamit para sa seguridad ng mga balota nang dumating ang mga ito sa Manila City Hall. Nasira din daw ang isa sa labindalawang plastic seals na may bar code, na nakatali sa mga locks ng truck na naghatid sa mga ito.

Ayon kay Manila City Treasurer’s Office officer-in-charge Josephine Daza, 1502 kahon ng mga balota ang kanilang natanggap sa kabuuan para sa 1502 presinto. Ang opisina ni Daza ang naatasan ng Comelec na tumanggap at magtago ng mga nasabing balota bago ipamahagi ang mga ito sa kani-kanilang presinto.

Bawat isang kahon ay may label na naglalaman ng ballot ID, cluster precinct number, probinsiya, munisipalidad at rehiyon kung saan ito gagamitin.

May mga pulis na itinalaga sa lugar habang tinatatanggap ang mga nasabing kahon para sa seguridad ng mga balota. Pinayagan ding mamalagi sa labas ng Manila City Treasurer’s Office ang mga representante ng mga kandidato ng mga Party- List groups upang matiyak ang seguridad ng mga balota sa loob ng mga kahon.

Ayon kay Daza, maaari umanong itala ng mga representante ang mga nakita nilang discrepancies at ipaalam ang nasabing bagay sa Comelec.

“We will be submitting our report to the Commission on Elections regarding the discrepancies that were noticed in the opening of the trucks,” saad ni Daza.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Comelec Education and Information Division Director Atty. Frances Arabe na bilang bahagi umano ng kanilang protocol, magsasagawa pa ng post-delivery inventory upang maseguro na walang tampering na nangyari.

“Mayroong seal ‘yung truck kaso may awang siya kaya napunit. Kaya ang gusto nating sabihin sa publiko na ang tingnan nila talaga is the ballot box-‘yung box na ang laman ay mga balota. Iba pa ‘yun. Iba pa doon sa pinto ng truck doon sa mismong ballot na nasa box,” wika ni Arabe.

“I-iinventory pa naman ‘yan pagdating ng Office of the City or the Municipal Treasurer. So meron din tayong watchers doon and meron ding inventory report. Iko- compare mo lang ‘yan eh from the point of departure, ‘yung inventory report tapos ‘yung arrival, iche-check nila isa-isa. So from there, malalaman natin kung mayroon talagang nabawas, mayroong nabuksan, kasi even the condition of the ballot box is recorded,” dagdag pa ni Arabe.

Samantala, sa Pasig City ay isa ring Comelec delivery truck ang iniulat na may sirang selyo.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, maaari umanong aksidenteng nasira ito dahil sa paggalaw ng sasakyan habang umaandar.

“Sticker may have torn during movement of the truck as the lap, or the torn edge appears uneven. The torn sticker is not ideal, obviously, but it is impossible to rule out accidental tearing. And as indicated, it is important to verify the state of the contents of the entire shipment- whether there are indications of tampering or pilferage,” ani Jimenez.

Source:
GMA News

Bida sa Avengers: End Game, Ginamit ng Otso Diretso sa Pangangampanya!

Pag panahon ng eleksyon, asahan ang sari-saring pakulo mula sa mga kumakandidato. Mula sa pagkanta hanggang pagsayaw ay gagawin para makamit ang boto ng mga tao.

Iba naman ang gimik ng mga pambato ng Otso Diretso. Sa kanilang photo-ops, nagpakita sila ng banners kung saan mga mukha nila ang nakalagay sa mga sikat na superhero characters ng pelikulang Avengers: End Game. Nakalagay pa sa banner ang salitang, “Avenge Our Future”.

Umani ng iba’t-ibang uri ng reaksyon ang paggamit ng mga kandidato ng Otso Diretso sa kasikatan ng pelikula sa kanilang pangangampanya.

Ito po ang ilang kwelang komento mula sa mga kababayan natin.

“ANONG PINAGGAGAGAWA NYO????!!! 🤡🤡🤡?” sabi ni K. Rosales.

“Endgame katapusan nyo na nga hnd na kasi kayo mananalo hahaha,” sabi ni B. Pasoquen.

“Nasira nyo imahe Ng avengers mga alagad Kayo ni thanos tawag sa inyo mga hipopothanoz mananaba Kayo Kaka corrupt pagnanalo Kayo Kaya pwede please Hindi Kayo avengers ikakasira Ng MCU Ang itsura nyo,” sabi ni B. Batutista.

May isang netizen naman ang hindi nagustuhan ang ginawa ng mga kampo ng Otso Diretso.

“Disney Marvel Studios Marvel Just reporting a few officials running as Senators within the Philippines. People who doesn’t have any idea what copyrighting means. Also, using your characters and designs for their own propaganda.,” sabi ni J. Victorino.

Source: Philippine Star

Maraming Pinoy, Naalis sa Kahirapan Dahil sa Masiglang Ekonomiya!

Sa social media post ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol, ibinahagi ng kalihim ang isang artikulo mula sa Bloomberg kung saan nai-ulat na maraming Pilipino na daw ang natanggal sa kahirapan dahil sa bumubuting ekonomiya ng bansa. Sa caption ni Piñol sa kanyang post, tinawag niya itong “Duterte Governance”.

Sinabi sa artikulo ng Bloomberg na mabilis lumalago ang ekonomiya ng bansa. Base daw sa ulat ng Philippines Statistics Authority (PSA), kumpara noong unang bahagi ng 2015 (before Duterte Presidency) ay 27.6 % ang naitalang Pilipino namumuhay sa tinatawag na “below poverty line”, nitong 2018 ay bumaba na daw ito sa 21%. Isa din daw sa mga nagpahina sa kahirapan ay ang mga proyektong pang-imprastruktura na lumikha ng mga bagong trabaho.

“Thanks to sustained economic growth and critical and broad-based reforms and investments that have translated to employment-generation and social protection,” sbi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang netizens sa ibinahaging artikulo ni Secretary Piñol.

“Kaming mga Ofw ramdam yang pag angat ng pilipinas Potek yung halaga kasi ng sahod namin nung last yr umaabot ng 48k pesos katumbas ng 1kdollars now 44kpesos nlng ulit biglang angat pera ng pinas,” sabi ni J. Tizon.

“mabuhay and here we go, si PRRD ang best president sa buong mundo ngayon lang yan nangyari sa bansang ito kung hindi naka upo si PRRD. mga pilipino lulong ng lahat sa droga ang mga ito at lahaty ng kasamaan sa bansang ito at talamak ng totoo, kaya salamat PRRD, mabuhay ang bansang pinas and God bless PRRD Filipinops love you,” sabi ni A. Herbert.

“Salamat sa May Tapang at malasakit na Pangulong Digong Duterte na Angat mo rin ang Pilipinas sana yong mga Salungat huwag magmatigas tulong nalang kayo para makamit na natin ang Tunay na Pagbabago. God bless you always Pangulong Digong Duterte as you lead our Country Philippines.,” sabi ni N. Arranguez.

Source: DA Sec. Piñol | Bloomberg

‘Leni, dapat Imbestigahan ng NBI dahil sa Bikoy Videos’ – DU30 Govt Official

Inudukan ni Department of Labor and Employment Undersecretary Jacinto “Jing” Paras ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon laban kay Vice President Leni Robredo. Ito ay kaugnay ng Bikoy video na ginagamit para siraan ang Pamilya Duterte at tanggalin ang Presidente sa posisyon nito.

“Hinihikayat ko ang NBI na pati si Robredo ay imbestigahan nila,” sabi ni Paras.

Hindi rin nakaligtas kay Paras si Senador Antonio Trillanes. Ayon sa opisyal, posibleng sangkot din ito sa mapanirang video.

“At the center of this controversy, a certain Ellen Tordesillas, itong si Ellen Tordesillas ay identified kay Trillanes. In fact, Paolo Duterte, identified Trillanes as the mastermind of this Bikoy tapes. And it is the same Trillanes na sinamapahan namin ni Attorney Luna ng kaso na ini-indict na ng korte,” dagdag pa ni Paras.

Kamakailan lang ay pumutok ang balita tungkol sa pagkakahuli kay Rodel Jayme, ang webmaster ng website na Metrobalita.net, isa sa mga unang nagpakalat ng video series na may titulong “Ang Totoong Narco List”, kung saan isang alyas “Bikoy” ang yumuyurak sa pamilya ng Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagdawit sa mga ito sa bentahan ng droga.

Ayon sa ilang ulat at pahayag ni Jayme, wala daw siyang koneksyon sa opisina ni Robredo at nagpa-picture lang daw siya kay VP noong panahon ng halalan dahil isa siyang taga-suporta.

Sa pahina ng NBI report na inilabas ng CNN Philippines, isang nagngangalang “Filmore” ang nabanggit at ito daw ay kasapi ng grupong Magdalo.

Source: Eagle New | News5 | CNN Phil

Otso Diretso Candidate, Nagsasasayaw sa Gitna ng Kalsada!

Pag dumdating talaga ang panahon ng halalan, makikita ang ilang kandidato na ginagawa ang lahat para maligawan ang mga tao at makuha ang mga boto ng mga ito. May nangangako, kumakanta at sumasayaw.

Ngayong araw, nagpakita si senatorial aspirant Samira Gutoc ng paghataw at pag-indak. Ginawa niya ito sa Welcome Rotonda sa lungsod ng Quezon. Kasama ni Gutoc sa pagsasayaw sa kalsada ang ilang dancers.

Ang ginawa na ito ni Gutoc ay umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga kababayan natin sa social media. Ayon sa ilang netizens, magaling daw sumayaw si Gutoc kaya dapat ay mag dancer na lang daw ang senatorial candidate.

Si Gutoc ay bahagi ng Otso Diretso line-up. Kasama ni Gutoc sa grupo sina Magdalo Representative Gary Alejano, Human Rights Lawyer Chel Diokno, former Solicitor General Florin Hilbay, Attorney Erin Tañada, Election Lawyer Romulo Macalintal, former DILG secretary Mar Roxas at opposition senator Bam Aquino.

Panoorin ang video mula sa Philippines Star.

Ito po ang ilang piling komento mula sa Facebook page ng Philippine Star.

“Magaling ka pala sumayaw mag dancer ka nalang dyan ka nalang hwag kanalng tumakbo wla ka naman kwenta don😂😂😂😂😂,” sabi ni M. OxMax.

“Dapat pala zumba instructor, hindi Senator hahaha,” sabi ni G. Lyons.

“Tuwing campaign talaga bumabait, nagiging ogag, at katawatawa, ginagawa lahat kahit magmukhang t.a.n.g.*.. parang tingin nila sa mga botante ogag lang na pwede utuin.,” sabi ni M. Sorreda.

“Hoy gutoc galing ah bka pag sa senado kna sasayaw sayaw ka na lng don,” sabi ni N. Postrado.

Source: Philstar

‘Si Leni ang Direktang Makikinabang sa Bikoy Videos at Ouster Plot’ – DU30 Govt Official

“The Robredo-Trillanes cabal is behind this oust-Duterte plot,”

Ganito ang naging matapang na pahayag ni Labor Undersecretary Jacinto “Jing” Paras tungkol sa mapanirang video series na “Ang Totoong Narco List” kung saan isang alyas “Bikoy” ang nagsalita at siniraan ang mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte at inuugnay pa sa kalakaran ng bawal na gamot.

Ayon kay Paras, ang video ay parte ng destabilisasyon laban sa Duterte Administration at si Vice President Leni Robredo daw ang direktang makikinabang kung magtatagumpay ang pagpapabagsak sa gobyerno. Isa pa sa inakusahan ni Paras ay ang maingay na kritiko ni pangulong Duterte na si Senador Antonio Trillanes.

“It’s Leni and Trillanes who are behind all these… The Robredo-Trillanes cabal is behind this oust-Duterte plot… The Filipino people should join hands to protect the presidency,” sabi ni Paras.

Para kay Paras, ang nahuling webdeveloper na si Rodel Jayme ay isang maliit na parte daw sa laro ng destabilisasyon.

Si Jayme ay nasakote ng mga kawani ng National Bureau of Investigation kamakailan lang. Umamin si Jaime na siya ang web developer at administrator ng Metrobalita.net, isa sa mga unang nagpakalat ng Bikoy videos. Ayon kay Jayme, hindi daw siya ang nag-upload ng video sa website kundi ang kaibigan niyang Liberal Party supporter na si Maru Nguyen. Pumayag si Jayme na kumanta at ituro ang mga sangkot sa mapanirang video.

Hindi rin nakaligtas kay Paras ang ilang media groups dahil sa paulit-ulit na pagbabalita ng paninira ni Bikoy sa pamilyani Pangulong Duterte.

“These are ‘fake news,’ but these claims were bolstered by repeated exposure in several media entities that is part of a demolition job against the President,,” buwelta ni paras sa ilang media organizations.

Magugunitang naglabas ang Malacañang ng “Oust-Duterte Matrix” kung saan ilang media groups ang konektado umano sa pagpapakalat ng mapanirang video laban sa Pangulong Duterte.

Source: Tribune

‘Mga Supporters ng Imoral na Presidente, Magdasal na Kayo!’ – Fr. Robert Reyes

May banat si Running Priest Fr. Robert Reyes sa mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang “Honesty Run” para sa pag-suporta sa mga senatoriables ng oposisyon o mas kilala sa tawag na “Otso Diretso”, tinawag ni Father Reyes na imoral si Presidente Duterte at sinabihan niya pa ang mga taga-suporta ng Pangulo na magdasal na ng maayos.

“Iyong mga Katoliko na sumusuporta sa imoral na Presidente (Rodrigo Duterte), na administrasyon, ay ‘di nagdarasal nang maayos. May panahon pa. Magdasal po kayo,” sabi ni Father Reyes.

Si Reyes ay isa sa mga alagad ng simbahan na masugid na kritiko ng Duterte Administration.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa boladas ng pari laban sa Pangulo at sa mga sumusuporta dito.

“Kayo po father pray for your fellow priest who prey on minors thank you next,” sabi ni A. Carreon.

“Akala mo nman hindi makasalanan si father, hwag na magsalita ng ganyan, do not be judgemental, sabi nga ni Lord “my ways are not your ways my thoughts are not your thoughts,” sabi ni Y. Tan.

“This is the reason why many catholics right now dont attend church because we dont want to.listen to this type of priest. You might want to check how you teach people,this is not because you want us to believe in God but to just believe in you. Mga impokritong pari na walang alam kundi ang mambatikos pero wala naman naitutulong sa mga taong mahihirap. Ang daming natutulog sa harap ng simbahan,namamalimos ng kaunting barya pero never nyo binuksan ang pinto ng simbahan para sila patuluyin at patulugin. Kung meron man kaung outreach program ay pili din ang bininigyan nyo at un ay mga taong malalapit sa inyo. I SHOULD KNOW BECAUSE I HAVE WITNESSES AND EXPERIENCE IT. PARING IMPOKRITO!!!,” sabi ni R. Timoteo.

Source: CNN Philippines’ Rex Remitio