Bong Go at Bam, Nagka-INITAN at SAGUTAN si Isang Pagtitipon!

Sa paglantad ni Peter Joemel Advincula para magpakilala na siya si alyas “Bikoy”, nagbigay na pahayag si Special Assistant to the President Bong Go at muling ipinakita ang likod nito para pasinungalingan ang akusasyon ni Bikoy na mayroon siyang tattoo ng dragon na tanda umano na miyembro siya ng drug syndicate. Ayon kay Go, dapat magpa mental hospital si Bikoy. Dineponsahan din ni Go ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang pahayag, hindi niya napigilang bumanat laban sa grupo ni Senador Bam Aquino, ang Otso Diretso.

“Kung naniniwala kayo kay Bikoy, sa mga akusasyon niya sa pamilya Duterte at sa akin, iboto niyo ang Otso Diretso, sila Bam Aquino at sila Alejano. Ngayon kung nainiwala po kayo sa amin ni Pangulong Duterte, sa pinaglalaban namin, sa kampanya namin, iboto niyo po ako,” Banat ni Go.

Umangal naman si Bam sa naging banat sa kanya ni Go.

Hindi na po ako mako-comment kay Bikoy at sa paratang niya kay SAP Bong Go, kasi wala kaming kinalaman diyan. Gusto ko lang mag-komento na ang grupo niyo ay hindi totoo na walang black propaganda Bong. Tatlong taon niyo na kami bina-black propaganda,” boladas ni Bam.

Pero hindi nagpatinag si Go sa sagutan at rumesbak muli kay Bam.

Hindi kami gumagawa ng black propaganda. Not our style po,” Resbak ni Go.

Sa huli, pumagitna si Senate President Tito Sotto para palamigin ang mainit na sitwasyon sa pagitan ng dalawa senatorial candidates.

Source: News5

Nagpakilalang “Bikoy”, Hinamon ni Paolo Duterte “Haharapin kita!”

Kaninang hapon, lumantad si Peter Joemel Advincula para ihayag sa media na siya si alyas “Bikoy”, ang lalaki sa video series na naninira sa pamilya ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagsangkot sa mga ito sa droga.

Dahil sa paglabas ni Advincula, kaniya-kaniyang ng researcha ng mga taga-suporta ng Pangulong Duterte at dito nalaman na si Advincula ay dati ng kasuhan ng large scale estafa at nakulong na din.

Sa isang pahayag, kinutya ni presidential son at former Davao Vice mayor Paolo Duterte si Advincula.

“Mula sa pagiging kilalang scammer, ngayon ay certified na artista itong taong nagpakilalang Bikoy,” sabi ni Paolo.

Hinamon ni Paolo na kasuhan siya ni Advincula at magpakampi pa kay Senador Antonio Trillanes.

“Puro satsat. Panay drama. Magsampa ka ng kaso. Sasagutin kita. Haharapin kita. Isama mo rin si Antonio Trillanes,” Banat ni Paolo.

Pinaghihinalaan naman ng ilang pro-government bloggers ang paglantad ni Advincula. Ayon sa prominenteng DDS blogger at radio host na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy, tila nanggugulo lang daw si Advincula.

Base naman sa impormasyon ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, ginamit na raw ni Advincula ang kuwento at paratang nito laban kay former president Noynoy Aquino noong 2016 at nire-recycle na lang daw laban kay Pangulong Duterte.

Source: News5

Nagpakilalang ‘Bikoy’, Sinangkot din daw si Noynoy sa Droga noong 2016 ayon kay Atty. Angeles!

Ngayong araw lang ay lumitaw si Peter Joemel Advincula sa pasilidad ng Integrated Bar of the Philippines upang ipagkalat na si alyas “Bikoy”. Si Bikoy ay ang lalaking nagbibintang sa mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa droga. Sa pagharap ni Advincula sa publiko, pinanindigan niya ang malisyosong istoryang sinabi sa video series na “Ang Totoong Narco List”.

Ayon sa ilang ulat na lumutang, si Advincula ay isa umanong estapador na may kasong large scale estafa. Naungkat din ng ilang kilalang bloggers ang mga posts ng mga nabiktima ni Advincula na nagta-trabaho sa indutriya ng beauty pageants.

Sa impormasyon naman na nakarating kay Attorney Trixie Cruz-Angeles na galing umano sa isang operatiba, inakusahan din daw ni Advincula si darting Presidente Noynoy Aquino na sangkot umano sa kalakaran ng droga.

“Mr. Advincula was convicted of either of theft or large scale estafa. But has been released allegedly on good behaviour. Itong release niya ay because he convinced an operative na mayroon siyang information about a Bicol group of drug syndicate that he identified as the Bicol Quadrangle. Itong Bicol Quadrangle po na ay is a story na lumitaw sa (Bikoy) videos. However, in December of 2016, inilabas niya ang statement na ito at sinabi niya ito sa isang law enforecment operative. At sinabi niya doon sa operative na ito na ang mga sangkot sa Bicol Quadrangle ay si dating Pangulong Noynoy Aquino… In other words, itong kwento ni Bikoy na inilapit niya umano sa grupong nag-upload ng videos niya ay inilapit niya as early as December 2016 sa ibang operative. At itong operative na ito ay ni-note ‘yung kwento niya. At ‘yung kwento nyia ay tungkol sa Bicol Quadrangle drug syndicate pero ang ini-implicate ay hindi si Presidente Duterte pero si Presidente Noynoy,” sabi ni Atty. Angeles.

Sabi ni Angeles, ginamit daw ni Advincula ang kwento para makumbinsi ang operatiba na mapalaya siya sa kulungan. Para bumenta daw ang istorya, sinabi umano ni Advincula na mayroon siyang CCTV footage laban sa Noynoy Administration na magpapatunay na sangkot ang mga ito sa sindikato.

“This guy is a habitual criminal and a habitual con. So noon Noynoy, ngayon Presidente Duterte… Binitiwan siya ng operative kasi hindi niya na-produce ‘yung pinangako niyang CCTV… pero the operative kept evidence at ni-note ang alleged kwento ng taong ito,” pahayag pa ni Atty. Angeles.

“Noong lumabas ang Bikoy vidoes, the authorities who knew about his attempt to before to implicate former President Noynoy Aquino ay hinanap siya. Dahil sumisikip na naman uli ang mundo niya dahil pinaghahanap siya, he now went to Integrate Bar of the Philippines para ibenta niya uli ang kwentong ito,” dagdag pa ni Atty. Angeles.

Source: Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawang

Mga Vloggers na Nagpo-Promote sa Pilipinas, INATAKE ng Taxi Driver!

Isang hindi kaaya-ayang pangyayari ang naranasan ng mga banyagang vloggers ng “Making it happen Vlog”
na nagpo-promote sa ating bansa. Sa kanilang pagbalik sa Pilipinas mula Japan, minalas sila at nasakyan ang isang balbal na taxi driver.

Ayon sa vlogger, wala daw silang makuhang service mula sa Grab kaya nag-taxi sila. Base sa pahayag ng vlogger, pinilit sila ng taxi driver na huwag gumamit ng metro at pati ang mga bagahe nila na isinakay sa taxi ay pinababayaran. Mapapanood din sa video na inihinto ng driver ang taxi nito sa isang highway. Sa isa pang punto sa video, sinabi ng vlogger na idinadaan sila mga kalsadang hindi dapat daanan.

Naging agresibo din daw ang taxi driver nang makitang kinukunan siya ng video at pinilit kunin ang cellphone ng mga biktima.

Hindi nagustuhan ng mga kababayan natin ang ginawa ng taxi driver. Ito po ang ilan samga komento ng netizens

“This makes me mad. Especially that you guys are very nice to the country – promoting it, etc,” – H. Marcelo.

“Hey guys please report this to police immediately, never tolerate this kind of behavior. I was saddened about this news,” – S. Ser.

Source: Making it happen Vlog

Pekeng “Bikoy” iyan! Gugulhin niya lang ang Imbestigasyon! – Thinking Pinoy

“Umamin na manloloko tapos paapaniwalaan niyo?,”

Diskumpiyado ang pro-government blogger at radio host na si RJ Nieto o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy sa paglantad ni Peter Joemel Advincula.

Si Advincula ay humarap sa media ngayon araw para sabihing siya si alyas “Bikoy”, ang taong nagsasalita sa video na “Ang Totoong Narco List” na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay ThinkingPinoy, lumubas lang daw itong si Advincula para guluhin ang imbestigasyon sa paghahanap sa mga taong sangkot sa mapanirang Bikoy Videos.

“Feeling ko talaga ay pautot pero pagbigayan natin. Una, si Peter Joemel Advincula admitted that he is convicted for estaffa in 2012… So, basically ang humaharap na ito ay fraudster, manloloko… Ini-stall lang nila para magkaroon tayo ng ibang pag-uusapan at ma-divert ang isyu,” sabi ni Thinking Pinoy.

Isa pa sa napansin ni Thinking Pinoy ay ang pagkakahuli kay Rodel Jayme, web developer ng Metrobalita.net, ang unang website na nag-upload ng Bikoy video. Hindi daw kasi maganda ang nangyari kay Jayme dahil naapektuhan ang imahe ng Liberal Party dahil sa mga larawang lumabas sa social media.

“Matinding hit sa Liberal Party ang pagkakabulatlat kay Rodel Jayme at bukod pa doon, kanta pa ng kanta si Rodel. Ang kanta niya pang-concert. Ang point kailangan i-divert ang atensyion from Rodel to Bikoy,” ani Thinking Pinoy.

Napuna din ni Thinking Pinoy ay ang pagkakasangkot ni Advincula sa mga kasong estafa kung saan ang mga biktima ay mga nagta-trabaho sa industriya ng beauty pageant.

“Kung ikaw ay dating miyembro ng drug syndicate, mamumublema ka sa pera para mang-estafa ka pa? Tapos beauty pageant pa ang in-estafahan mo? Sana man lang kung ang in-estafa mo ay yung mga bayad sa drug lord pero beauty pageant i-estafahan mo?,” dagdag pa ni Thinking Pinoy.

Source: ThinkingPinoy

Nagpakilalang ‘Bikoy’, Kilalang Manloloko at Manggagantso! May Kasong Large Scale Estafa!

Lumantad ngayong araw sa media si Peter Joemel Advincula para aminin sa madla na siya umano si alyas ‘Bikoy’, ang misteryosong lalaking nagsasalita sa video series na “Ang Totoong Narco List”. Ang naturang video series ay naninira sa mga kapamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at isanasangkot ang mga ito sa kalakaran ng droga.

Ayon kay Advincula, humarap daw siya sa publiko dahil may banta sa kanyang buhay at sa tawag ng konsensiya. Pinanindiganan din ni Advincula ang mga paninira sa nasabing video series.

Sa paglantad ni Advincula, naungkat ng ilang netizens ang artikulo na nagsasabing estapador si Advincula at naging most wanted din sa Naga City.

“Advincula admitted that aside from his theft case in Sorsogon, he is also facing charges of illegal recruitment and large scale estafa in Naga City and Albay,” sabi sa ulat ng ABS-CBN tungkol kay Advincula.

May mga kababayan din tayo sa social media na nagsasabi na nabiktima sila ni Advincula.

Diskumpiyado naman ang mga pro-government supporters at mga bloggers sa katauhan ni Advincula. Naungkat ng ilang supporters ang artikulo na nagsasabing estapador si Advincula at naging most wanted din sa Naga City.

Panoorin ang naging komento ni Thinking Pinoy sa paglantad ni Advincula.

Source: ThinkingPinoy | ABS | ANC

‘Otso Diretso’ Candidate, Umalma nang Hindi Inendorso ng El Shaddai!

Tila hindi matanggap ng ilang miyembro ng Otso Diretso ang line-up ng mga kandidatong susuportahan ng religious group na El Shaddai.

Magugunitang nag-deklara na ang grupo ng susuportahan nila sa papalapit na araw ng botohan pero tanging si Senator Bam Aquino lang ng Otso Diretso ang napasama. Halos lahat ay mga kandidato ng administrasyon.

Sinabi ni Otso Diretso candidate Erin Tañada na may posibilidad na mawalan ng taga-supporta ang El Shaddai kung hindi nito maipapaliwanag ang ginawa nilang pagpili.

“Ano ba ang ibig sabihin ng honesty sa kanila? Kung hindi nila maipapaliwanag yan eh baka mamaya ay mawalan rin sila ng mga supporters,” sabi ni Tañada.

Umapela naman si Samira Gutoc sa pamunuan ng El Shaddai na ikonsidera sila dahil sila daw ang boses ng konsensiya.

“Pasensya na po El Shaddai, I appeal that you consider me, consider us sa Otso Diretso dahil kami po ay voice of the conscience,” dagdag ni Gutoc.

Umaasa naman sina Attorney lawyer Romulo Macalintal at Chel Diokno na makakakuha ng supporta mula sa mga katoliko at mga millennials.

“Hindi papayag ang mga katoliko na bastusin ang ating Panginoon at bastusin ang ating pananampalataya at ating kaparian,” banat ni Macalintal.

Ang mga senatoriables na susuportahan ng El Shaddai ay sina former Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, Bong Go, Grace Poe, Cynthia Villar, Nancy Binay, Imee Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel, Bong Revilla, Sonny Anggara, JV Ejercito, Jinggoy Estrada at Willy Ong.

Source: ABS-CBN

‘Mang-aaresto’ sa mga Taong Gumagawa ng Pro-NPA Vandalism, Bibigyan ng Pabuya ayon sa National Youth Commission

“We must end their youth recruitment now and we will start by removing all the recruitment propaganda/ vandalism on our own walls, streets and barangays throughout the entire country starting this month.”

Ganito ang naging pahayag ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema kaugnay ng kanilang pangako ng pagkilos laban sa anumang uri ng bandalismo o panghihikayat sa mga kabataan upang sumapi sa New People’s Army (NPA), isang galamay ng pinakamalaking komunistang grupo sa ating bansa, ang Communist Party of the Philippines (CPP), batay sa ulat ng CNN News.

Ayon kay Cardema, nakausap na niya ang ilang mga grupong pro-government, kabilang na ang Duterte Youth Movement, na nangakong magbibigay mula P5000 hanggang P10,000 sa sinumang indibidwal na makikipagtulungang tanggalin ang mga pro-NPA graffiti.

Limang libong piso umano ang ipagkakaloob sa sinumang mag-uulat- ito ay ‘yung makakakuha ng larawan habang isinasagawa ng isang indibidwal ang bandalismo, gayundin ang pangalan at pagkakakilanlan ng gumagawa nito sa mga daan. Halimbawa ay ang mga salitang “Mabuhay ang CPP-NPA-NDF”, gayundin ang “Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan” at mga katulad pa nito, na kadalasan nating makikitang nakasulat sa iba’t ibang bahagi ng kalsada.

Samantala, sampung libo naman daw ang maaaring matanggap ng sinumang magpapakita ng “patriotic effort” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “citizen arrest” at dadalhin ang nasabing mahuhuling vandalizer sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sa lugar. Batay kasi sa batas, maaaring magsagawa ng warrant-less arrest ang isang pribadong mamamayan sa sinumang maaktuhang gumawa, gumagawa o magtatangkang gumawa ng bagay na labag sa batas.

Nakipag-ugnayan na rin umano si Cardema sa mga pinuno ng Sangguniang Kabataan at iba pang mga grupo ng kabataan upang magtulungan sa tuluyang pagtatanggal ng mga pro-NPA vandalisms sa bansa, bilang bahagi na rin ng layunin at adhikain ng Gobyerno na wakasan na ang mga di-pagkakaunawaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunistang grupo.

Source:
CNN News