Mga Campaign Posters ng Partylist Bayan Muna, Natagpuan sa Kampo ng NPA!

“This could indicate the truth that some people are helping them in the New People’s Army,”

Nakumpiska ng mga sundalo ang ilang campaign materials ng partylist groups na Bayan Muna at Kabataan sa hinihinalang kuta ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Rizal sa Palawan. Ayon sa kasundaluhan, ito daw ay katunayan na ang mga naturang partylist groups ay konektado sa mga rebeldeng komunista.

Maliban sa mga campaign paraphernalia, nakumpiska din ng mga military intelligence operatives ang ilang bala, sniper rifle at silncer para sa M14 na rifl, ayon kay spokesman of the Armed Forces of the Philippines (AFP) Brig. Gen. Edgard Arevalo.

Magugunitang sinabi na dati ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang ilang partylist groups at front legal organization ng NPA. Ganito din ang opinyon ng militar.

Basahin ang ilang reaksyon mula sa mga kababayan natin tungkol sa balitang ito.

“Hmmnnn… A home-made .50 caliber flimsy rifle from BAYAN MUNA and Kabataan Partylist. They are a threat to our National Security,” sabi ni O. Gënt.

“What’s this!? Biting the hand that feeds you! Pera ng taong-bayan ang tinatanggap niyo yet ito rin ang paraan para isulong ang idelohiya na matagal ng isinusuka ng isang demokratikong bansa… ang Pilipinas. And lastly, yung pinuno niyo at founding chairman,anduuun sa malayo!!!!! Kailan kayo magigising sa realidad?” sabi ni E. Maddara.

“hay salamat lumabas din ang totoo, kaya lagi nalang sila nasa kalsada kahit sinong maupong presidente. dapat talaga inaabolish na partylist eh,” sabi ni J. Romero Jr.

Source: Manila Bulletin

Mga Susuportahang Senatoriables ng Iglesia ni Cristo, Alam na! Otso Diretso, Na Deadma!

Wala pang opisyal na pahayag ang Iglesia ni Cristo (INC) tungkol sa mga kandidato na kanilang susuportahan sa paparating na araw ng halalan pero ilang impormasyon na ang lumalabas kung sinong mga senatoriables ang makakakuha ng endorsement mula sa religious group.

Pero ayon sa social media post ng broadcaster at DZRH Station Manager na si Cesar Chavez, susuportahan umano ng INC sina ex-Special Assistant to the President Bong Go, ex-PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, ex-presidential advicser Francis Tolentino, Ilocos Governor Imee Marcos, Taguig City Congresswoman Pia Cayetano, ang mga re-electionist na sina Senator Sonny Angara, Cynthia Villar, Grace Poe at Nancy Binay, at ang mga datin senador na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Lito Lapid.

Ang mga sinabi ni Chavez sa kanyang social media account ay sinegundahan ng pahayagang The Daily Tribune.

Kapansin-pansin na walang sinumang taga-Otso Diretso ang napasama sa susuportahan ng INC.

Kilala ang religious group sa kanilang bloc voting at makikita sa Lunes kung ano ang magiging epekto nito sa resulta ng eleksyon.

Magugunitang naglabas din ang El Shaddai ng listahan ng kanilang susuportahan sa eleksyon pero isa lang mula sa Otso Diretso ang napasama, si Bam Aquino.

Source: DZRH’s Cesar Chavez| The Daily Tribune | Politiko

Nagpakilalang ‘Bikoy’ ay Alagad ng Simbahan dati!

Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, ibinunyag ng hepe ng kapulisan na dati daw seminarista itong si Peter Joemel Advincula, ang lalaking lumitaw kahapon para sabihin na siya si alyas “Bikoy”, ang lalaki sa mapanirang video na nangyuyurak sa kaanak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pagdawit sa droga.

“We found out that he was a former seminarian baka ginagamit niya iyon para maloko ang mga tao,” sabi ni Albayalde.

“Mukhang talagang magaling siyang mang-estafa, at magaling siya most probably magsalita. You could just imagine you will be charged for large scale recruitment. Ibig sabihin ang dami niyang naloko,” dagdag pa ni Albayalde.

Nagkomento rin si Chief PNP tungkol sa natatanggap umano ni Advincula na pagbabanta sa buhay nito.

“We will assess kung talagang kailangan niya or not kasi baka imagination din niya that his life is in danger. He will undergo the process also, kahit sino naman eh,” dagdag pa ni Albayalde.

Base sa pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI), wala daw records si Advincula tungkol sa pagkakasangkot sa droga. Ang mga natuklasan umano nilang kaso laban kay Advincula ay kaugnayan sa mga panggagantso at panloloko ng mga tao.

Source: News5 | Inquirer

Malacañang, may Bombang Pasabog laban sa Nagpakilalang ‘Bikoy’!

“Parang ano lang siya dito, ‘pawn’ o ginagamit lang,”

Ganito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo laban kay Peter Joemel Advincula na lumantad kahapon para sabihin na siya si alyas “Bikoy”, ang lalaki sa video series na “Ang Totoong Narco List” na nangyuyurak sa kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pagsasangkot sa pamilya ng Presidente sa droga.

Ayon kay Panelo, sirang-sira daw ang kredibilidad ni Advincula at mukhang nagagamit lang ito.

“Ang kredibilidad niya ay bagsak. Convicted pala siya, tapos marami palang kaso,” sabi ni Panelo.

“Kasi tignan niyo, ‘yung lang kay Bong Go, nasira na siya doon. Nilabas na naman kahapon ang likod niya, ang linis. Number two, ‘yung binanggit niya na Rural Bank of Guinubatan, nagsalita na rin, walang katotohanan (ang bintang ni Bikoy). ‘Yung isa pang resort (misibis bay), ganun din,” dagdag pa ni Panelo.

Banta ni Panelo, baka sa mga susunod na araw daw ay magpasabog sila ng bomba laban sa isyung kinasasangkutan ni Advincula.

“At mayroong… Hindi ko pa puwede sabihin ngayon but mayroong nakikita ang mga nag-iimbestiga na could be a bombshell from the way I look at it… It’s very obvious na its a black propaganda,” babala ni Panelo.

Source: PolitikoTV Channel

Nagpakilalang “Bikoy”, Walang Koneksyon sa Droga ayon sa NBI!

Kahapon ay lumantad sa harap ng media si Peter Joemel Advincula para sabihin na siya si alyas “Bikoy”, ang karakter sa libelous na video series na “Ang Totoong Narco List” na naninira at nag-uugnay sa mga kaanak at malapit na kaibigan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa negosyo ng droga.

Ayon sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigations (NBI), si Advincula ay walang koneksyon sa droga. Base sa impormasyon ng NBI, halos karamihan ng kaso ni Advincula ay tungkol sa swindling o panloloko.

“‘Yung diversification from swindling to drugs, ang drug industry maingat din sila sa mga taong pinipili nila. At dapat may purpose kung bakit ka nila pinili… ,” sabi ni NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo.

Pati si Rodel Jayme na web developer ng metrobalita.net kung saan in-upload ang mga Bikoy videos ay diskumpiyado sa pag-amin ni Advincula na siya si Bikoy .

“Hindi ko sure. Pero bahala na ang batas ang mag-confirm kung siya nga talaga,” sabi ni Jayme.

Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP), sinabi ng pambansang kapulisan na mahirapan paniwalaan si Advincula dahil sa mga records nito ng panloloko ng mga tao.

Hindi rin kumbinsido ang political blogger at radio host na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy kay Advincula. Nahihirapan umano siya paniwalaan si Advincula dahil mula sa droga ay biglang nanloloko ng mga tao sa beauty pageant industries.

“Kung ikaw ay dating miyembro ng drug syndicate, mamumublema ka sa pera para mang-estafa ka pa? Tapos beauty pageant pa ang in-estafahan mo? Sana man lang kung ang in-estafa mo ay yung mga bayad sa drug lord pero beauty pageant i-estafahan mo?” sabi ni Thinking Pinoy.

Source: ABS-CBN | News5

Mga Sugatang Biktima ng Aksidente, Ninakawan Pa!

Napakahirap maging biktima ng trahedya o aksidente. Maraming buhay ang nawawala, mahahalagang gamit ang nasisira, at mga pangarap na gumuguho, para sa mga nawawalan ng mga mahal sa buhay sa mga ganitong di-inaasahang pagkakataon. Doble pa ang sakit kapag ‘yung mga inaaasahan mong taong tutulong sa’yo ay gagawan ka pa ng masama.

Mabigat ang loob ng ilan sa mga nakaligtas sa naganap na banggaan ng isang truck at pampasehorong bus sa Atimonan, Quezon nitong nkaraang Lunes nang gabi, mula sa ulat ng GMA News. Kuwento kasi ng ilang pasahero, sa halip na tulungan umano sila sa pagkakaaksidente ay pinagnakawan pa umano sila ng mga kawatang nakapasok sa loob ng bus na kanilang sinasakyan.

“Bumalik ulit ako ng bus para kunin ang mga gamit ko. Pag-akyat ko sa bus, meron nang mga hindi pasahero. May mga nakahubad na lalaki. Hinahalungkay ‘yung.. ‘yung iba naghahalungkay ng bag. ‘Yung isa nakakuha ng dalawang pitaka. Pinasok niya sa bulsa niya. Imbes na tumulong eh ninakawan pa kami ng pera, pagkain,” kuwento ng isang survivor na si Izen Maghiran.

Tatlo ang namatay sa nasabing insidente, habang 73 naman ang iniulat na nasugatan. Kabilang sa mga nasawi ang drayber ng truck, ang kanyang assistant, at isang pasaherong nakasakay sa bus ng Elavil AMV Travel and Tours. Papunta sana sa Bicol ang nasabing bus nang makabanggan nito ang 10-wheeler cargo truck na pa-Maynila sa Diversion Road sa Barangay Sta. Catalina.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na sirang preno ng bus ang naging dahilan ng pagkakasalpok nito sa truck.

“Sa pag-iimbestiga namin, may kausap kaming mga pasahero dun ng bus. Mula pa lang sa Manila pumapalya na ‘yun. Noong siya daw ay nag-over take ay nag-lose control. Tapos ay nagkataoon naman mayroong parating na truck. Nagkasalpukan,” saad ni Police Major Michael Encio, hepe ng Atimonan Police.

Samantala, aminado naman ang drayber ng bus na si Maximo Leorigo na nauna nang nagkaroon ng problema ang bus. Ibang drayber umano ang naunang nagmaneho nito, at hindi raw siya ang on-wheel sa Laguna.

“Doon pa lang po sa taas, mababa na ang hangin ng preno ng aking bus,” pahayag ni Leorigo na kasakalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Source:
GMA News

Batas para Maging Libre ang Requirements sa First time Jobseekers, Nilagdaan ni DU30!

Bagong Graduate? Excited ka na ba sa job-hunting? Handa ka na ba sa panibagong hamon ng buhay sa labas ng eskuwelahan: ang paghahanap ng trabaho?

Pero teka, nababahala ka rin ba na malaki-laki rin ang magagastos mo sa pag-aayos ng mga dokumento, sakaling magsimula ka nang maghagilap ng mapapasukang hanapbuhay? Puwes, maiibsan na ang pag-aaalala mo!

Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11261 o ang “First Time Job Seekers Assistance Act”, isang batas na naglalayong matulungan ang mga first-time job seekers sa pamamagitan ng pagwe -waive ng mga government fees at charges sa mga dokumentong kailangan ng mga ito sa pag-aaply.

Principal author at sponsor ng nasabing batas si Senator Joel Villanueva. Siya rin ang Chair sa senate committee on labor, employment, and human resources development.

Ayon kay Villanueva, nasa 1.3 milyong first time job seekers taun-taon ang makikinabang sa nabanggit na batas. Aniya, karaniwan nang gumagastos ng mahigit P2000 ang mga first-time job seekers sa pag-aayos pa lamang ng mga dokumento habang naghahanap ng trabaho. Hindi pa kasama rito ang iba pang gastusin tulad ng pagkain at pamasahe.

“Sa bisa po ng First-time Job-Seekers Assistance Act, mababawasan na po ang pasanin ng ating mga fresh grads sa mga bayarin na kailangan para lamang makakuha ng mga dokumento na kailangan sa kanilang job application,” saad ni Villanueva.

“Malaking tulong po ang handog nito sa pagbubukas ng panibagong yugto ng ating fresh grads mula sa kanilang matagumpay na pagtatapos sa eskuwelahan patungo sa kanilang job-hunting,” dagdag pa ng senador.

Sa ilalim ng naturang batas, ang sinumang indibidwal na maghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon ay libreng makakakuha ng kanyang identification documents at clearances.

Kabilang dito ang Barangay at Police clearance, NBI Certificate, Medical certificates mula sa mga Government clinics at Hospitals, Birth o Marriage Certificate, Transcript of Records (TOR) mula sa mga State Universities at Colleges, Tax Identification Number (TIN), at Unified Multi-Purpose ID card (UMID).

Upang makakuha ng nasabing exemption, kailangang magsumite ang aplikante ng barangay certification bilang patunay na siya ay first-time job seeker. Sakop ng nasabing batas hindi lamang ang mga bagong graduate kundi pati mga out-of-school youth.

Samantala, hindi naman kabilang dito ang anumang gastusin kaugnay ng aplikasyon para sa pagkuha ng professional licensure examination, aplikasyon para sa Pasaporte ng Pilipinas, awtentikasyon ng mga dokumento mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), aplikasyon para sa driver’s license, at aplikasyon para sa Carrer Service Examination.

Magkakaroon din ng isang inter-agency monitoring committee upang bantayan at siguruhin ang pagsunod ng mga ahensya ng pamahalaan sa nasabing batas. Sinumang mahuli at mapatunayang lalabag dito ay maaaring sampahan ng kaukulang kasong administratibo.

Source:
Inquirer

LRT-1 Cavite Extension Construction, Sinimulan Na!

The long wait is over!

Opisyal nang sinimulan ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension ngayong Martes, Mayo 7, limang taon matapos i-award ang proyekto sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), mula sa ulat ng Inquirer.

Sa ilalim ng nasabing Cavite Extension Project, itatayo ang walong mga karagdagang istasyon para sa LRT-1 at ito ay ang: Aseana, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Piñas, Zapote, at Niog sa Cavite. Nasa 11.7 kilometro ang karagdagang sakop nito sa kabuuan at inaaasahang makapagsasakay ng nasa 800,000 pasahero araw-araw.

Bahagi pa rin ang nasabing proyekto ng programang “Build, Build, Build” ng Administrasyong Duterte, sa tulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ayon sa mga opisyal, inaasahang magsisimula ang operasyon ng unang limang karagdagang istasyon ng LRT-1 sa katapusan ng taong 2021. Mula sa mahigit na isang oras ay maaari na raw nitong mapaiksi ang byahe mula Baclaran patungong Cavite sa loob lamang ng 25 minuto.

Kabilang sa mga dumalo sa commencement program sa C5 Highway sa Parañaque para sa nasabing proyekto sina Transport Secretary Arthur Tugade, Executive Secretary Salvador Medialdea, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, at re-electionist Cynthia Villar.

Naroroon din sina Undersecretary for Railways Atty. Timothy John Batan, LRMC President Juan Felipe Alfonso, Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at JICA Chief Representative Yoshio Wada.

Source:
Inquirer | DOTr