IBP, “Inaruga” si alyas Bikoy at Tumatanggap ng 25 million mula sa Gobyerno ayon kay Atty. Gadon

Hindi nagustuhan ni senatorial aspirant at social media personality Attorney Larry Gadon ang ginawa ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) nang pagsalitain ng grupo ang nagpakilalang “Bikoy” na si Peter Joemel Advincula sa pasilidad ng IBP para yurakan ang pamlya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Niresbakan ni Gadon ang pamunuan ng IBP dahil sa ginawa umanong pag-aaruga kay Advincula na may criminal records.

Ayon kay Gadon. hindi tama ang ginawa ng asosasiyon at hindi lahat ng miyembro ay sang-ayon sa ginawa ng IBP kay Advincula. Si Gadon ay miyembro din ng IBP.

Para kay mas mainam daw na tanggalan na ng P25 million per year allowance ang IBP.

Magugunitang nitong umpissa ng linggo ay lumantad si Advincula sa media sa pasilidad ng IBP upang sabihin na siya si Bikoy. Ayon sa ilang ulat, hindi na background check ng IBP ang mga pahayag ni Advincula na laban sa first Family bago ito magsalita sa media. Lumabas sa mga ulat na sangkot si Advincula sa large scale estafa..

“Dapat ay putulin ang P25 million allowance ng IBP na nanggagaling sa gobyerno para matigil ang kalokohan nila. Saan ba napupunta ‘yung P25 million taon-taon ng gobyerno? Mayroon kayong allowance na nakukuha sa Supreme Court. Saan niyo dinadala iyan? Dapat ipa-audit kung saan dinadala ang pera na iyan… Galing iyan sa buwis ng bayan,” buwlta ni Gadon.

Source: DZRH | Eagle News

Ilang Kapamilya Celebrities at Supporters, Nakipagkita kay Pres. Duterte!

Nagtungo ngayong araw ang ilang artista, mang-aawit, at basketball players sa Malacañang para makipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilan sa mga celebrities na nakitang naka Duterte fist sign ay sina Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Eva Marie Poon, Ryan Bang, Ice seguerra, Jhed Madella at jayson Gainza. Naroroon din ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga. Kapansin-pansin na ang ilang mga artista ay mula sa Kapamilya network o ABS-CBN.

Alam ng lahat na galit si Pangulong Duterte sa ABS-CBN dahil ginantso daw siya noong panahon ng eleksyon. Ayon sa Presidente, hindi daw binalik ng himpilan ang binayad niya sa political ads niya kahit hindi ito inere ng istasyon. Nagbanta pa nga ang Pangulo na hindi niya pipirmahan ang license renewal ng ABS-CBN na malapit na mag-expire.

Nakita rin ang ilang dati at kasalukuyang basketball players tulad nina Sonny Thoss, Cyrus Baguio, JV Casio at Willie Miller.

Source: Manila Bulletin

Staff ni Trillanes, Sangkot sa ng Mapanirang Bikoy Videos laban sa Presidente!

Sa press conference na isinagawa sa Malacañang, ibinunyag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pagkakadawit ng isang Filmore Rull sa “Bikoy” videos na nangyuyurak sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero sino ba si Filmore Rull?

Ayon kay Panelo, si Rull ay security officer ni Senador Antonio Trillanes. Base sa impormasyon ng pahayagang The Daily Tribune, si Rull ay dating Air Force at miyembro din ng Magdalo. Nakibahagi din daw ito sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege. Ito daw ang dapat mag pa-facilitate sa pagtatago kay Rodel Jayme, ang web developer ng metrobalita.net, ang isa sa mga unang website na nagbahagi ng Bikoy videos.

Magugunitang lumitaw ang pangalang “Filmore” sa ulat ng National Bureau of Investigations (NBI).

Bago ang pagsisiwalat ni Panelo, ilang concerned citizens na rin ang nagbahagi ng mga larawan ni Rull sa social media.

Panoorin ang kabuuan ng pagbubunyag ni Secretary Panelo.

Source: Presidential Spokesperson | The Daily Tribune

Trillanes to Panelo: May Pa-Matrix Matrix Ka Pang Nalalaman, Umayos Ka!

Kasunod ng inilabas na matrix ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kanyang press briefing sa Malacañang kung saan inihayag niya ang umano’y pagkakaugnay ng ilang grupo, media at iba pang personalidad sa umano’y planong pagpapabagsak sa Administrasyong Duterte at diumano’y pagpapalakas sa kandidatura ng opposition senatorial bets, may buwelta naman sa kanya si Senator Antonio Trillanes IV.

Kasama kasi sa nasabing matrix na ipinrisinta ni Panelo ang Liberal Party, Philippine Center for Investigative Journalism, National Union of People’s Lawyer, mga mambabatas na sina Neri Colmenares at Carlos Zarate, ilang personalidad mula sa Vera Files, at ang grupong Magdalo-kung saan ang lider ay si Trillanes.

“Si Duterte ang nagpapatay ng libu-libong Pilipino, may bilyun-bilyong pisong tagong yaman, gumigiba sa mga democratic institutions, ang nagmumura sa Diyos, at nag-iimbento ng mga akusasyon sa mga kritiko niya, tapos kami ang nagdi-discredit?,” saad ni Trillanes.

“May pa-matrix matrix ka pa nalalaman, umayos ka nga, Mr. Panelo,” dagdag pa ng senador.

Samantala, nauna na ring pinabulaanan ni Senator Kiko Pangilinan ang nasabing akusasyon at sinabing gawa-gawa lamang daw ito at diversionary tactic lamang daw ito upang ilihis ang usapin ukol sa mga isyung kinasasangkutan umano ng Administrasyong Duterte na kailangang bigyang-kasagutan.

Mariin ding itinanggi ni Vera Files President Ellen Tordesillas ang kanilang pagkakadawit sa nasabing matrix at hinamon nito si Panelo na patunayan ang mga paratang nito sa pamamagitan ng pagpiprisinta ng matibay umanong ebidensya.

“I deny allegations by Presidential Spokesperson Salvador Panelo linking me to any imagined destabilization efforts against the administration. I challenge him to present evidence, not just silly diagrams,” saad ni Tordesillas.

Source:
GMA News
Inquirer

Pag-uugnay sa LP sa Ouster Plot Laban kay DU30, ‘Diversionary Tactic’ Lamang, Ayon kay Kiko!

Pinabulaanan at tinawag na “diversionary tactic” ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang ipinrisintang matrix ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung saan iniuugnay ang Liberal Party, gayundin ang grupong Magdalo at iba pa sa umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Pangilinan, walang katotohanan at tanging imbento lamang daw ito upang mailihis ng Administrasyon ang mga isyu at usaping ipinupukol laban dito at sa mga kaalyado nito. Si Pangilinan ang kasalukuyang presidente ng LP at siya ring campaign manager ng senatorial slate ng oposisyon na “Otso Diretso”.

“This is the nth time that the administration, when confronted with controversy, falsely accuses the LP of being involved in ouster plots. Gawa-gawa lang ‘yan at nililihis ang usapin sa mga akusasyon laban sa administrasyon at mga kaalyado nito,” saad ni Pangilinan.

Ayon pa kay Pangilinan, sa halip umano na mag-imbento ng kuwento ang Administrasyon laban sa Liberal Party, dapat daw umano nitong aksyunan at ipaliwanag kung bakit walang drug lord, at walang opisyal ng Customs na naaaresto sa kabila ng paulit-ulit na kaso ng smuggling ng ilegal na droga sa bansa.

Sa isang press briefing sa Malacañang, ikinuwento ni Panelo ang umano’y natanggap nilang intelligence information na kanilang na-validate, at aniya’y nagpapakita na mayroong pagtatangka upang i-discredit ang Administrasyon, at palakasin ang mga senador at kandidatura ng oposisyon.

“And it appears that there are certain groups who are working together to achieve this goal. This group appears to be the Liberal Party. Some personalities identified as advocates or very active in social media, dishing out anti-Duterte statements, and sentiments and validated to be allied with the Liberal Party,” saad ni Panelo.

“The other group by the way is Magdalo. It appears from this diagram that Liberal Party, the Magdalo and other groups indicated in the matrix are working hand-in-hand,” dagdag pa ng Tagapagsalita ng Palasyo.

Source:
Inquirer

Libo-libong Bahay at Trabaho para sa Marawi IDPs, Ipinangako ng Japan NGO!

Magandang balita para sa tuluy-tuloy na pagbangon ng Marawi!

Kasabay ng pagsisimula ng selebrasyon ng Ramadan, isang Memorandum of Understanding (MoU) ang nilagdaan ng Satsuma Russian Exchange Council (SREC), isang Japanese non-government organization at ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), bilang bahagi ng pormal na pangangako ng mga ito ng donasyon na nasa 24,800 na units na mga pre-fabricated na mga kabahayan para sa mga residente ng Marawi na nawalan ng tirahan noon. Kasama rin sa kanilang pangako ang pag-aalok ng iba’t ibang oportunidad sa trabaho sa kanilang bansa, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Pinangunahan nina SRC President Norio Akahori at NCMF Secretary Saidamen Pangaruan ang paglagda sa nasabing MoU, kung saan nakasaad ang mga mekanika ng ipagkakaloob na donasyon, gayundin ang pag-aalok ng Japanese visa para sa mga displaced residents ng Marawi na na naniising makakuha ng trabaho sa Japan.

Ang bawat isang housing unit ay nagkakahalaga umano ng tinatayang apat hanggang anim na milyong piso. Ayon kay Pangaruan, “movable” ang mga nabanggit na housing units na nasa 150 square meters. Bawat kabahayan umano ay may dalawa hanggang tatlong kuwarto, kusina, palikuran, at sala kung saan maaaring tumanggap ng bisita.

Sisikapin daw ng NCMF na walang maging problema para sa timeline ng homecoming ng displaced persons.

Dagdag pa ni Pangaruan, napakahalaga umano ng donasyon ng nasabing pre-fabricated na mga kabahayan bilang bahagi na rin ng paghahanda ng mga residente ng Marawi na makabalik sa normal nilang buhay sa loob ng Ground Zero sa pagitan ng Hulyo at Setyembre ng kasalukuyang taon.

Source:
Manila Bulletin

Malacañang, Inilabas na ang Pasabog laban sa Bikoy Isyu!

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang sabuwatan sa pagitan ng grupong Magdalo, Liberal Party (Yellow), ilang media groups at mga naunang pinangalanan sa “Oust DU30” matrix para siraan ang Duterte Administration.

Ito po ang ilang piling yugto sa pasabog ng Palasyo.

Isang Bong Banal daw ang nagsasalita sa video series na “Ang Totoong Narco List”. Lumutang din ang mga pangalan nina Armand Pontejos at Filmore Rull, mga miyembro ng Magdalo. Si Rull ay security officer daw ni Senador Antonio Trillanes. Si Rull din daw ang mag-aayos sana para sa maitago si Rodel Jayme, ang web developer ng Metrobalita.net, isa sa mga unang websites na nag-share ng Bikoy videos.

Lumabas ang pangalan ni Jerry Mae Maghinay. Si Maghinay umano ang may-ari ng Now You Know Facebook page. Ang naturang Facebook page ay naglalathala ng mga laban sa Duterte Administration at isa rin sa nagpakalat ng Bikoy videos.

Lumitaw din ang pangalang Maru Nguyen, Maru Xie at Maria Kristina Elvira na isang taga-suporta ng Liberal party at Otso Diretso. Ito daw ang nagpagawa ng website kay Jayme.

Sangkot din daw si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Joma Sison sa paninira sa gobyerno.

Binunyag din ng Malacañang ang ginawang pamemeke sa dokumento ng Rural Bank of Guinubatan Inc. (RGBI) para gamitin sa black propaganda laban sa pamilya ni Presidente Duterte. Nagsalita na ang RGBI tungkol sa isyu at sinabing hindi totoo ang dokumento ni Bikoy.

Napuna din ni Panelo ang pagkokomento ni Vera Files President Ellen Tordesillas ng “Professionaly done” sa video na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Source: Presidential Communications

Ekta-ektaryang Yamang Dagat, Natagpuan dahil sa Paglilinis ng Manila Bay!

Nang dahil sa isinasagawang paglilinis sa Manila Bay, natuklasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 200 ektaryang mga yamang-dagat. Ayon sa ulat ng PTV, sari-saring coral reefs at high-value fishes ang nakita sa look sa kabila ng malabong tubig at makapal putik. Namataang ang mga yamang dagat sa bandang Maragondon, Coregidor at Cabalio Island.

Nang dahil sa mga nakita ng ahensiya, lalong lumakas ang paniniwala ng gobyerno na posible talagang maisalba ang Manila Bay.

Magugunitang pinagbantaan ipapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga estabilisimiyento na nagtatapon ng maruming tubig sa Manila Bay. Sinimulan ang paglilinis sa Manila Bay nitong Enero sa pangunguna ng mga ahensiya ng gobyerno.

Ang balitang ito ay ikinatuwa ng mga kababayan natin.

“Wow Kaya pala marami ang interesadong pasukin ang bansa Dahil sa yaman dagat na laman nito. Hindi nga nagkamali ang Du30 govt na linisin ang mnLa Bay. Thank you lord sa mga biyayang dagat na bigay mo🙏🏻# Protect n Preserved mnLa Bay,” sabi ni R. Mendoza.

“Slamat mhl nming pangulo..dhil syo nadiskubre ang mga yamang dagat jn sa manila bay..sna tuloy tuloy n ung paglilinis sa dagat,” sabi ni Z. Otto.

“kudos talaga sa duterte admin ke sir roy cimatu tama pagkalukluk na mga afp general dati ang ipanglalagay kasi aaksyunan talaga. mga brgy. unit di na kailangan mga tamad,” sabi ni E. Pai.

Source: PTV