Vice Ganda, Inendorso sa mga Tao si Otso Diretso Chel Diokno!

Sa kanyang social media account, inihayag ni Kapamilya celebrity, comedian at It’s Showtime host Vice Ganda ang pagsuporta niya senatorial candidate ng Otso Diretso na si Chel Diokno.

Para kay Vice Ganda o Jose Marie Viceral sa tunay na buhay, si Diokno daw ay matalino at matino. Kaya hinikayat niya ang mga tao na iboto ang pambato ng oposisyon.

“Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKNO. Iboboto ko sya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya. Sana maisama nyo rin sya sa iboboto nyong 12,” sabi ng komedyante.

Ito po ang ilan opinyon ng netizens sa pag endorso ni Vice kay Diokno mula sa CNN Philippines Facebook page.

” I love u vice I still love u but will never support Diokno,” sabi ni E. Mabasag.

“Alam mo vice kahit e indorse mo yan.. di ko iboboto.. tingnan mo naman sa debate.. ano maganda nagawa ni du30 ang sagot nya no smoking!! Ang bobo naman.. halatang di gusto sa mga magagandang pagbabago sa bansa natin. Ordirnayong tao lang ako pero may malasakit ako sa bayan ko,” sabi ni J. Mandras.

“Titulado bilang isang abogado. Disenteng tao. Pero pu— ina kung mangampanya. Paninira ang mga pinagsasabi imbes na plataporma. Mga ganyang politiko, tablado ang mga yan. Paking sheyt!!! ,” sabi ni A. Morano.

Matatandaang kinainisan ng ilang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Diokno dahil sa mga patutsada nito laban sa Pangulong Duterte.

Source: Vice Ganda | CNN Philippines

3 vs 1! DU30 Official, Magiting na Hinarap ang Obispo, Abogado at Human Rights Advocate!

“Naku! That’s 3 vs 1!”

Ganito ang naging reaksyon ng mamamahayag na si Luchi Cruz-Valdez nang makatapat ni National Youth Commission Chairman Ronald Cardema ang mga kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte sa programa ng News5.

Kahit 3 vs 3 ang format ng programa ay nangibabaw ang pakikipag tagisan ni Cardema sa mga anti-DU30 personalities.

Sa naturang talakayan, pinag-uusapan ang asta at paraan ng pagsasalita ng Presidente. Habang panay ang puna ng mga kritiko ng Presidente, magiting naman na pinagtanggol ni Cardema ang Pangulong Duterte laban sa kabilang panig.

Ikinatuwa ng ilang kababayan natin ang naging performance ni Cardema sa debate. Sa condensed version ng video na in-upload sa blog na “Kamay na Bakal PH” na mula sa News5, mapapansin na umabot na sa lagpas 5,000 ang nagbahagi at umani na rin ng sari-saring komento ang ginawang paninindigan ni Cardema.

Ito po ang ilan sa mga komento ng mga kababayan natin.

“Wow na Wow!!! Your the best of the best and brilliant guy Ronald Cardema.⭐⭐⭐⭐⭐
I am very proud of you sir R Cardema 👊❤👊❤👊
mabuhay po kayo,”
sabi ni O. Alagus.

“wasak kayong lahat kay cardema..Mabuhay ka NYC Chairman Ronald cardema.. keep up the good work,” sabi ni S. Davin.

“Sapul kayo ano…kahit ilan pa kau jan na critiko mo pangulo at isa lang ang nagtatangol nagmukha kayong tanga sa isa kasi xa lang ang nagsasabi ng totoo…ikaw bacani matanda kang walang pinag tandaan..kulang na kasi pera napasok sa simbahan kaya galit kayo,” sabi ni F. Cagampang.

Source: News5 via Kamay na Bakal PH

Pusakal na Holdaper, Bugbog Sarado sa Taumbayan! Nangatwiran pa!

Bugbog-sarado sa taumbayan at halos hindi na makilala ang mukha sa dami ng sugat at pasa.

Ganito ang inabot ng isang notoryus na holdaper sa Parañaque City, na kamakailan lamang ay nakuhanan pa ng closed circuit television (CCTV) habang nanghoholdap ng kanyang mga babaeng biktima sa Airport Road. Kitang-kita sa video na iniulat ng ABS-CBN kung paano tinutukan ng nasabing notoryus na holdaper ng baril sa mukha ang mga walang kalaban-labang biktima nito.

Batay sa imbestigasyon, kinilala ang suspek na si Fernando Concepcion.

Ayon kay Police Maj. Omar Bognot, naghahanap umano ang suspek ng panibagong mabibiktima habang nakapuwesto malapit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange nang mamukhaan ng taumbayan, kaya’t kinuyog nila ito hanggang sa maaresto na ng mga kapulisan.

“Joint operation ng tropa, sakto mayroon na naman siyang binibiktima roon, at nakita na rin, tumulong na rin ang taumbayan at nakuha ng ating mga kapulisan,” kuwento ni Bognot, Commander ng PCP1.

Nakumpiska sa suspek ang ginamit niyang baril sa panghoholdap na napag-alamang isa palang replica.

Katwiran pa ng suspek, hindi naman daw siya nananakit kahit nanghoholdap siya.

“Gumawa po ako ng ganun pero hindi po ako nananakit ng tao. Kasi ‘yung ibang mga nanghoholdap po nananakit talaga,” saad ng suspek na si Concepcion.

Samantala, muli namang nanawagan si NCRPO Chief PMGEN Guillermo Eleazar sa ating mga kababayang nabiktima rin ng nasabing suspek.

“Tayo’y nananawagan sa ibang mga kababayan natin, na kung sila’y nabiktima nitong suspek na ito, agad po silang mag-report sa atin pong pulis para madagdagan ang kaso at hindi na makalabas pa itong naaresto nating suspek,” saad ni Eleazar.

Kasong robbery-hold up at paglabag sa Omnibus Election Code ang isinampa laban sa suspek.

Ang isa sa mga babaeng nabiktima ng suspek, nakaranas umano ng trauma dahil sa pangyayari subalit nakahinga na nang maluwag nang malaman niyang arestado na ito.

“Sana huwag niya na lang ulitin sa iba, kasi malaking perwisyo eh,” saad ng biktimang si Diana Kakilala.

Source:
ABS-CBN News

Mayor, Tinakot ang mga Hindi Boboto sa Kanya! Pagbabanta, Sapul sa Video!

Sapul sa patagong cellphone video ang pagbabanta ng alkalde ng Candelaria, Quezon, sa mga kawani ng munisipyo na hindi boboto sa kanya sa paparating na araw ng halalan. Mapapanood sa video kung paano na lang takut-takutin ng Mayor ang mga tauhan nito.

Base sa ulat ng DZRH, nakilala ang alkalde na si Mayor Macky Boongaling. Hindi pa alam kung sino ang kumuha at nag-upload ng video. Natatakot na raw ang ilang residente ng Candelaria dahil sa naging pagbabanta ni mayor.

“Alam ko na kung saan ko kayong dadalhing mga departamento. Kung kayo ay nasa malamig, dadalhin ko kayo sa mainit na lugar para ito ay maging pahirap sa inyo,” banta ni Mayor Boongaling

Ayon pa sa alkalde, titiktikan daw niya ang mga empleyado ng munisipalidad at pasensiyahan na lang daw kung malaman niya na hindi siya ang ibinoto.

“Pag hindi niyo ko binoto, alam ko kung sino sa inyo, dahil lahat kayo ay papa-ispayan ko. Lahat ng nagta-trabaho sa pamahalaang bayan, pag hindi niyo kami sinamahan, pasensiyahan tayo,” pananakot pa ni Mayor Boongaling

Ito po ang ilang reaksyon mula sa social media page ng DZRH.

“Wag iboto ang mayor na yan mayor sport ka lang xa sa ginWa mong yan e matatalo ka na malamang zure bol yan talo kan sa tkot ng mga taga munisipyo sau wala kA BOTO SA KANILA,” sabi ni R. Nidnum.

“Wag iboto ang mayor na yan mayor sport ka lang xa sa ginWa mong yan e matatalo ka na malamang zure bol yan talo kan sa tkot ng mga taga munisipyo sau wala kA BOTO SA KANILA,” sabi ni R. Nidnum.

“Kapal ng mukha mo mayor,,Kaya nga demokrasya Ang bansang Pilipinas Ng sa ganun meron tayong sariling disisyon bawat isa sa atin,, wag kang dektador mayor ikaw din baka balikan ka ng mga taong tinatakot mo…,” sabi ni F. Abarracoso.

“Ano b yan …desperado n ..ayan tuloy nakunan ng video …ang tama kc dapat bahala n kayo kung cno iboboto nyo may kalayaan kayo cno pipiliin nyo,” sabi ni A. Origenes.

Source: DZRH | archive

Laglagan na? Magdalo Supporter, Itinakwil si Rodel Jayme!

Ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang nalalapit na May 13, 2019 elections, ngunit mainit na usapin pa rin ang naging viral video na “Ang Totoong Narco List” o kilala rin sa tawag na “Bikoy” video, kung saan idinawit ang ilan sa mga kapamilya at malalapit na kaibigan ni Pangulong Duterte sa umano’y ilegal na kalakaran at transaksyon ng droga sa bansa.

Iba’t ibang tao na ang humarap at nagpaliwanag sa media upang linawin at pabulaanan ang kanilang pagkakasangkot sa nasabing isyu. Kasalukuyan na ring hawak ng National Bureau of Investigation si Rodel Jayme, ang sinasabing administrator ng website kung saan inupload ang naturang video.

Isang Myra Devilla naman ang nagpakilala sa ABS-CBN at ibinunyag na isa umano siya sa mga naka-chat ni Rodel Jayme bilang mga supporters ng Magdalo Group, gayundin ng Otso Diretso, ang senatorial slate ng oposisyon. Si Devilla ay Vice President for Operations ng Democratic Alliance Movement Incorporated (Dampi), isang grupong sumusuporta sa mga proyekto ni VP Leni Robredo para sa mahihirap, at ngayon ay sa kampanya ng Otso Diretso.

Sa salaysay ni Devilla, tatlong taon na umanong wala sa hanay nila si Jayme dahil sa isyu sa pera.

“I didn’t hear from this guy for so long because he left the Dilawan community. This was when I was already talking to the authorities na ipapa-entrap ko siya. So, nawala na siya. Totally nagtago siya,” saad ni Devilla.

“April 24 ng gabi doon, ah, 25 dito sa atin eh. I had an SOS call from Maru, at ang sinasabi niya, mayroong riding-in-tandem na umaaligid sa harapan ng bahay ni Rodel Jayme, and may mga tinted cars na paikut-ikot lang dun na sinusubaybayan siya,” dagdag pa ni Devilla.

Ganunpaman, nakaramdam umano sila ng pagdududa sa intensiyon ni Jayme nang tanggihan nitong sundin ang lahat ng kanilang suhestyon upang mailayo ito sa kapahamakan. Ilan umano sa mga ito ang pagkuha ng abogado o kaya’y paglapit sa pari. Sa halip ay humingi umano ng pera si Jayme. Hinala daw ni Devilla, nais umanong ipakita ni Jayme ang money trail o may koneksiyon ito sa grupong Dampi,

“Nung ayaw na niya sa lahat ng options, ano, ah, sabi ko, what do you want from us? Ang sabi niya, gusto kong magtago nang isang buwan, kailangan ko lang ng assistance sa money,” pahayag ni Devilla.

Pinabulaanan naman ni Jayme ang pahayag na ito ni Devilla dahil ayon sa kanya, sina Maru Nguyen at Devilla umano ang nagsabi sa kanya na magtago. Nadawit lamang umano siya matapos pakiusapan na gumawa ng website.

“Sa akin, medyo naiintindihan ko kahit papaano, kasi nga naman medyo malaking isyu kasi ito, gusto nilang dumistansya. Pero kasi, makikita naman kasi doon na sila ‘yung nag-offer,” saad ni Jayme.

Sina Devilla at Nguyen din umano ang nag-alok na tutulungan siya ng Magdalo Group.

“Hindi ako pumayag kasi nga hindi ko alam kung Magdalo ba talaga ang kukuha sa akin.Hindi ko sure kung pagkakuha nila sa akin, saan ba talaga nila ako dadalhin? Ang sinasabi ko, kung gusto niyo talaga, pera na lang, ako na ang bahala,” kuwento pa ni Jayme.

Samantala, kasama si Devilla sa kasalukuyang iniimbestigahan ng NBI kaugnay ng nasabing kaso.

Isang Bobot Consolacion naman ang nagbahagi ng larawan ni Devilla na kasama si Senador Antonio Trillanes.

Source:
ABS-CBN News | Bobot Consolacion

Kawawa at Wasak-wasak na Airport, Inayos at Pinaganda ng Gobyerno!

Isa na namang paliparan ang inayos at pinaganda ng Department of Transportation (DOTr). Sa social media page ng DOTr, ibinida ng ahensiya ang naging pagbabago sa airport ng Ormoc.

Ayon sa DOTr, nawasak ang paliparan noon pang 2013 dahil sa Supertyphoon Yolanda. Ilang beses daw nakiusap ang mga lokal na opisyal sa lugar para maipakumpuni ito, pero sa kabila ng paki-usap ay naiwan itong nakatengga.

Noong 2017 daw nang makita ni DOTr Secretary Arthur Tugade kaawa-awang kalagayan ng paliparan. Ipinangako ni Tugade kay Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng mabnilis na aksyon ang nasirang airport.

Inabot ng 4 na buwan (February 2018-Hune 2018)ang pagkukumpuni at pagpapaganda sa nasirang Passenger Terminal Building (PTB) ng paliparan.

Inaasahan ng gobyerno na mas lalong uunlad ang ekonomiya ng lalawigan dahil mas magiging madali na ang pagpunta sa lugar ng mga turista at mga negosyante.

Ikinatuwa ng ilang kababayan natin ang ulat ng DOTr. Sa katunayan, umabot na sa 1,500 mahigit ang nag-share ng post at umani na rin ng positibong mga komento mula sa netizens.

“Best administration with collaboration of DoTr Kudos to all. Mabuhay and God bless Pilipinas,” sabi ni W. Salao.

“Best performing cabinet secretary! Kudos Sec Tugade! God bless you po,” sabi ni M. Mendoza.

“Wow! Grabe ang sipag ng Duterte admin. Thank u DOTR, thank u Sec.Tugade,” sabi ni J. Tiongco.

Source: DOTr

Pagpapapatay kay Duterte Posibleng Kasama sa “Oust DU30 Plot” ayon sa Former Councilor!

Nananawagan si former Quezon City Councilor Anthony Castelo sa mga Pilipino na ipinalangin ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maaring may banta daw ng pagapapatay sa Pagnulo lalo’t lumabas na mayroong tangkang pagpapabagsak sa gobyerno.

“I strongly believe that there’s a serious ‘Oust Duterte’ plot now in full swing that may include the assassination of the President as an option… We must pray for the safety of the President and protection of our country,” sabi ni Castelo.

Sinabi ni Castelo ang kayang opinyon ilang linggo matapos ilabas ng Malacañang ang matrix kung saan ilang mamamahayag ang lumalabas na sangkot sa pagpapabagsak sa gobyerno ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng black propaganda. Ang matrix ay may kaugnayan sa Bikoy videos na naglalaman ng paninira sa pamilya at malalapit sa Pangulong Rodrigo Duterte. Sinisiraan ni alyas Bikoy ang mga ito na sangkot daw sa droga.

“We’ve seen this happen during the time of president [Ferdinand]Marcos in 1986 and president [Joseph] Estrada in 2001 — where a planned assassination of both presidents were indeed an option, it just did not materialize,” dagdag pa ni Castelo.

Hindi naman nababahala si Presidential Spokesperson Sal Panelo sa kaligtasan ng Pangulo. Ayon kay Panelo, ginagawa naman daw ng Presidential Security Group ang trabaho nito at hindi rin takot ang Pangulo na mamatay para sa mandato nito.

“The PSG knows its job. Another thing, alam mo, this President couldn’t care less whether you assassinate him. ‘Yun nga ang kagandahan sa Presidenteng ito, e, daredevil. He dares everyone, ‘e ‘di patayin niyo kung gusto niyo, basta I’ll work, that’s my mandate,” pahayg ni Panelo.

Magugunitang ilang ulit na rin sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika ang dapat sisihin kung sakaling mapatay siya. Sinabi na rin dati ng Pangulo na may ilang media organizations sa ating bansa na nakakatanggap umano ng pondo mula sa CIA.

Source: The Manila Times

Come-from-behind Win, Posible para sa Otso Diretso ayon kay Kiko!

Kahit kulelat sa survey ang mga pambato ng Otso Diretso ay malakas pa rin ang fighting spirit ni Senador Kiko Pangilinan para sa mga kandidato ng oposisyon. Ayon sa senador, posibleng may mangyari come-from-behin win sa darating na halalan. Si Pangilinan ay ang campaign manager ng Otso Diretso.

“Surveys have been wrong before. Labing walong toan akong nasa senado. Marami akong halalan na nakita. Maraming resulta na nagiging surpresa sa dulo. Naniniawala tayo na this will be an opportunity for us also for this election na magkaroon ng come from behind suprise finish. ‘Yung polls na iyan, that was conducted last week of April, first week of May at mayroon pang dalawang linggo. And in the previous eletion o mas maraming pagkakataon, mga wala sa magic 12 in the last 2 weeks ay biglang mayroong arangkada,” sabi ni Kiko.

Ramdam din daw ni Kiko na gusto ng mga kababayan natin ang Otso Diretso.

“Nararamdaman natin ang gigil sa pagsuporta sa ating kandidato. Sinasabi inila, ‘Gusto namin ang Otso DIretso, bigay niyo sa amin ang listahan kung sino-sino lahat iyan para maisama natin’,” sabi ni Kiko.

Ito naman po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Pangilinan.

“Of course surely surprising ..shaded na ang balota di ba? Kailan pa naging honest and clean ang election sa Pinas,” sabi ni J. Deveras.

“Confident na comfident cla kht alam nla na kulelat na xla mukhang may milagro ng nakahanda sa smartmatic abra kadabra…,” sabi ni R. Bathala.

“Sa pan daraya at magic..it can happen! Just like Leni Robredo! Dapat si Bongbong Marcos ang Vice President eh.. ang layo na nang lamang ni Bongbong at bigla na lang nag lead si Fake V.P.Robredo! Natulog lang ang madlang pipol den it happened!!! Edi…wow!!! W mamagic na naman nila yan! When that happens..mag pipol power tayo uli..against otso diretso! Mangugulo at pababagsakin lang ng mga yan ang Pinas! My gaad!,” sabi ni R. Bocala.

Source: ABS-CBN