Look! Lalaking Naka-Costume ng Spider-man, Nanggulo sa PBA Game!

Isang manonood sa Philippine Basketball Association (PBA) game ang inaresto matapos pumasok sa loob ng basketball court habang naglalaro ang mga players. Ang matindi pa ay nakasuot ito ng costume ni Spider-man. Nang tanungin kung bakit niya ito ginawa, sumagot ito ng, “Gusto ko lang na magmahalan tayong lahat”.

Ang ulat ng Manila Bulletin ay umani na ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens at naibahagi ng arin ng lagpas 9,000 beses.

In-upload naman ng Facebook page na PBA / NBA Forum ang bahagi ng laro kung saan nanggulo ang taong nakasuot ng Spider-man.

Ito naman po ang video kung saan tinanggal na ang maskara ng lalaki.

Source: MANILA BULLETIN | PBA / NBA Forum

Unang Kaso ng Monkeypox Virus, Nakapasok sa Karatig Bansa ng Pilipinas!

Paalala sa mga kababayan natin sa Singapore: maging maingat at panatilihin ang kalinisan at sanitasyon sa lahat ng oras.

Naitala ngayon sa Singapore ang kauna-unahang kaso ng rare monkeypox virus na nakapasok sa kanilang bansa, mula sa ulat ng ABS-CBN News at Rappler.

Ang nasabing monkeypox ay kahalintulad umano ng human smallpox na tuluyang napawi noong 1980, kasunod ng global immunization campaign sa pangunguna ng World Health Organization.

Hindi naman umano madaling maikalat at makahawa ang nabanggit na monkeypox subalit sa mga ilang pagkakataon, maaari itong magdulot ng kamatayan sa magiging biktima nito.

Karaniwan daw na tumatagal ang monkeypox sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo. Magsisimula ito sa mataas na lagnat o trangkaso, at di kalauna’y magdudulot ng “bumps” na kung tawagin ay “pustules” at kumakalat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng pasyente.

Ayon sa US-based Centers for Disease Control and Prevention, tatlong beses pa lamang nakapagtala ng mga kaso ng monkeypox infections sa labas ng Africa, sa United States, sa United Kingdom at Israel.

Batay sa ulat ng Ministry of Health (MOH) ng Singapore nitong Huwebes, nakapasok ang nasabing monkeypoxvirus sa kanilang bansa dala ng isang 38-taong gulang na Nigerian na dumating sa Singapore noong Abril 28 ng kasalukuyang taon.

“While risk of spread is low, MOH is taking precautions,” saad ng Singapore Ministry of Health.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, bago umano dumating sa Singapore ang nasabing monkeypox virus-infected na Nigerian ay dumalo muna ito sa isang kasalan sa Nigeria. Maaari umanong nakakain ito roon ng bushmeat na siyang posibleng pinagmulan ng virus transmission. Ang “bushmeat”, o ‘yung tinatawag ding “wildmeat”, ay bahagi ng dyeta ng mga Africano na maaaring mula sa karne ng gorilla, chimpanzee, antelope, birds, o maging rodents.

Kasalukuyan na rin umanong naka-quarantine ang 23 kataong nagkaroon ng close contact sa nasabing Nigerian at oobserbahan sila sa loob ng 21 araw.

Source:
ABS-CBN News
Rappler

Manhunt Operation laban kay alyas “Bikoy”, Kinasa na ng PNP!

Inilunsad na ng Philippine National Police (PNP) ang pag hunting kay Peter Joemel Advincula dahil sa mga kasong estafa at illegal recruitment.

Si Advincula ay lumantad kamakailan sa media para sabihin na siya si alyas “Bikoy”, ang lalaking nagsasalita sa video series na nangyuyurak sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbanta naman ang Department of Justice na kakasuhan nila ang mga taong nagkakanlong kay Advincula.

Nahalungkat naman ng ilang kababayan natin ang mga lumang videos ng mga tao nagre-reklamo laban kay Advincula.

“Isang taga Donsol, Sorsogon na nagngangalang PJ DE LEON ADVINCULA, nag-organize ng isang beauty contest sa Polangui, Albay. Pinangakuan na mananalo ng limpak na salapi ang mga magwawagi sa nasabing contest gamit ang pangalan ng Ardeur Perfume and Scents Intl,” sabi ni Wow Edgar A. Tumangan
.

Source: PTV | Philstar | Wow Edgar A. Tumangan

Mayor, Arestado! Droga at ‘Di Lisensiyadong Baril, Nakuha sa Alkalde!

Kahit na napulbos na ng Duterte Administration ang kilabot na si Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog na itinuturong sangkot sa droga, may ilang kritiko pa rin ang nagsasabi na walang big-time na nahuhuli at napapatay sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero sa katotohanan, mayroon pang ilang alkalde na nadedo dahil anti-drug campaign ng Pangulo. Ito ay sina Mayor Rolando Espinosa at Mayor Samsudin Dimaukom.

Ngayon ay madadagdagan pa uli ang listahan. Hindi man natodas ang mayor na ito, napasakamay naman siya ng otoridad.

Nahuli nito lang Huwebes si Lingig town mayor Roberto Luna Jr. Nakumpiska mula sa alkalde ang mga armas (Colt caliber .45 pistol, a magazine loaded with .9 millimeter-caliber ammunition, magazines of .45-caliber pistol and KG9, rifle grenade) at marijuana.

Si Luna ay kasama sa listahan ni Presidente Duterte ng mga politikong sangkot sa kalakalan ng droga.

Nakuha din ng mga otoridad kay Kuna ang P2 milyon. Pinagsusupetsahan na gagamitin daw ito ng alkalde para bumili ng boto dahil nakalagay umano ang pera sa mga envelopes na may sample ballots.

Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Mayor Luna.

Source: News5 | INQ

CORRUPTED ang Mahigit 400 na SD Cards na Gagamitin sana sa Eleksyon!

Tatlong araw bago maghalalan ay ibinunyag ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko na natukasan daw nilang corrupted ang mahigit 400 na Secure Digital (SD) Cards na gagamitin para sa eleksyon sa Mayo 13.

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimnez nasa final testing at sealing (FTS) ang mga vote counting machine (VCM) nang malaman na corrupted ang mga SD cards.

“Right now, we have a report of up to 473 cards corrupted. This is out of the 43,000 SD cards that are in play right now,” sabi ni Jimenez

Nilinaw naman ni Jimenez na papalitan agad nila ang mga SD cards para masolusyunan ang problema.

“We respond by preparing replacement cards, which are then swapped for the corrupted SD cards. We don’t issue out new SD cards unless we get the corrupted SD cards in return… It’s good that we are seeing these problems now. This is the actual purpose of the FTS,” dagdag pa ni Jimenez

Source: INQ | GMA | Manila Bulletin

‘Bastos at Basura ang Bunganga ni Duterte’ – Gabriela

“Talagang dumadapo ang ipis sa basurang bulok, at malinaw na kasama sa dinadapuan nito ay ‘yung may bastos at basurang bunganga gaya ng sa Pangulo.”

Ganito ang isa sa mga naging pahayag ng grupong Gabriela patungkol kay Pangulong Duterte, matapos ang naging komento ng Pangulo kay Bohol Mayor Baja Gallantes, kung saan pabirong pinuri ni Duterte ang aniya’y kagandahan ng alkalde.

“If it were me, why would I break up with you? I will really grab and hold on to your panty if you try to leave me, even until the garter snaps,” saad ni Duterte kay Gallantes.

Ayon sa grupong Gabriela, hindi na umano nila ikinagulat ang naging pahayag ni Pangulong Duterte dahil normal naman daw itong nagsasalita ng mga ganoong bagay, at natural lamang daw na dapuan ng ipis ang isang basurang nabubulok.

Matatandaang sa gitna ng pagtatalumpati ni Duterte sa isang campaign rally sa Bohol nitong Miyerkules nang gabi ay isang ipis ang lumipad at aksidenteng dumapo sa balikat ng Pangulo.

“No wonder the cockroach cozied itself with the President in Bohol as he yet again spewed putrid material- this time flaunting his machismo on Garcia-Hernandez Mayor Tita Baja-Gallantes during a local campaign rally on Wednesday night,” saad ng Gabriela.

Kasabay ng pagbatikos na ito ng Gabriela sa Pangulo, muli ring nanawagan ang grupo sa mga botante na huwag suportahan ang anila’y sinumang opisyal o kandidato na kinukunsinti ang kawalang respeto sa mga kababaihan sa darating na May 13, 2019 elections.

“We, in Gabriela Women’s Party strongly condemn this sick and disgusting display of machismo, infidelity and ethical bankruptcy,” wika ng Gabriela.

“We call on women to make May 13 elections a platform for the resounding rejection of misogyny and macho-fascist leadership. Duterte allies who’d never bat an eye every time the President degrades, humiliates and sexualizes women do not deserve election to public office,” dagdag pa ng Gabriela.

Source:
GMA News

‘Nanalo na kami! Ano man ang mangyari!’ – Otso Diretso Florin Hilbay

“Umulan man o bumagyo, Otso Diretso pa rin,”

Sa kabila ng pagiging kulelat sa survey at hindi pag-endorso ng Iglesia ni Cristo, naniniwala si Otso Diretso senatorial candidate Florin Hilbay na kahit anu pa raw ang maging resulta ng eleksyon ay nanalo raw na ang kanyang grupong Otso Diretso.

“Kahit anong mangyari, nanalo na tayo. Tayo ay nakapagtayo ng napakalaking pamilya, ang pamilya ng Otso Diretso. Simula ngayon hanggang Mayo 13, ang pangalan nating lahat ay Otso Diretso,” sabi ni dating Solicitor General Hilbay.

Ang mga pahayag ni Hilbay ay sinegundahan naman ni reelection senator Bam Aquino.

“Alam niyo po, mga kaibigan, napakaraming lugar na po ang napuntahan po namin. Napakarami po ang naka-usap na po namin. Noong una, iikot po kami sa palengke. Pabulong: ‘Senator, Otso Diretso po kami,’” ayon kay Bam.

Magugunita sa isang panayam, sinabi ni Senador Kiko Pangilinan na posibleng magkaroon daw ng “suprise win” para sa Otso Diretso.

“Sabi nga nila ang pinakamahalagang survey, ay ‘yung araw ng halalan. At sa aking labing-walong taon bilang senador… nakita natin, may mga pangyayari na sa huling dalawang linggo ng eleksyon, ‘yung mga nasa labas ng top 12 pagdating ng araw ng halalan ay ‘come from behind’ ika nga at naipapanalo nila,” sabi ni Pangilinan.

Matatandaang na sa kabila ng pangunguna ni former senator Bongbong Marcos sa mga surveys at pag-endorso ng Iglesia ni Cristo, biglang nanalo si VP Leni Robredo noong halalan 2016. Ngayon ay dinidinig na sa Korte Suprema ang petisyon ni Marcos para kuwestiyunin ang pagkapanalo ni Robredo.

Source: INQ | GMA | INQ