Irresponsible Journalism, Isang Uri ng Terorismo ayon kay Pope Francis

Sa isang pahayag, sinabi ni Pope Francis na ang pag-uulat na nakabase sa tsismis ay isang uri daw ng terorismo. Ayon sa lider ng Simbahang Katolika, puwede daw ikamatay ng isang tao ang maling paraan ng pamamahayag.

“terrorism, of how you can kill a person with your tongue,” sabi ni Pope.

Mas malaki din daw ang responsibilidad ng mga nagta-trabaho sa inudstriya ng pamamahayag dahil mas nakakarating ang mga boses ng mga ito sa mas maraming tao. Hindi din daw dapat gamitin ang pamamahayag para sirain ang sinuman.

“This is even more true for journalists because their voice can reach everyone and this is a very powerful weapon,” dagdag ni Pope.

Dapat din daw pag-igihin ng mga mamamahayag ang pagkalap ng katotohanan lalo na sa pan ahon na ang mga news coverage ay round-the-clock.

Ang mga komento na ito ni Pope Francis ay sinabi niya para sa mga lider ng Italy’s national journalists’ guild.

Pero kung tatanungin kayo, naa-ayon din ba ito sa bansa natin? Anong news organization ang una niyong nai-isip pag sinasabi ang mga salitang “irresponsible journalism”?

Source: Huffpost

‘Mas Pumo-POGI ako Pag Sinisiraan’, Mensahe ni Bong Revilla sa mga Bashers!

Sa kabila ng pamba-bash na natatanggap ni former senator Bong Revilla mula sa mga kritiko niya, ramdam pa rin daw niya ang pagmamahal ng mga taga-suporta niya.

Muling pinanindiganan ni Revilla na hindi siya nagnakaw sa kaban ng bayan. Sabi pa ni Revilla, hindi daw niya kailangan ng pera dahil nagkapera daw siya sa pagiging artista niya noon. Ibinunyag din ng dating senador na nangalap pa raw ng P50 million na pondo ang mga kontra sa kanya para lang siraan siya.

Ayon sa ulat ng Abante, nagbigay pa daw ng mensahe si Revilla sa mga kritiko at bashers nito.

“Si Bong Revilla, mandirigma, habang nasasaktan, lalong tumatapang, habang sinisiraan, lalo ako popogi,” boladas ni Revilla.

Magugunitang naglabas ng warrant of arrest ang hukuman kaban kay Revilla noong 201 dahil sa pagkaka-ugnay nito sa Napoles’ pork barrel scam pero nakalaya ito matapos i-acquit ng korte noong 2018. Si Revilla ay tumatakbo muli para sa pagka-senador.

Hindi naman nagustuhan ng ilang kababayan natin ang mga binitawang salita ni Revilla.

“Habang tumatagal lalong kumakapal.. Dyusmio pag pinanalo niyo ito… Magkakaself confidence na naman itong animal na to.. Magbibilang n a kami ng bobong bobo to sayo,” sabi ni G. Wun.

“kabobohan na ng mga pinoy pag siya ang binoto..wag tatanga tanga,” sabi ni F. Kenneth.

Source: Abante | MSN

Panty na may Regla, Pinost ni Ate sa FB! May-ari ng Underwear, Nagalit!

Isang babae ang galit na galit na dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang umano’y ikinalat na larawan ng marumi niyang underwear sa social media.

Ang nagreklamo ay nakilalang si Joan Roa, 26 anyos at isang lady guard na taga- Caloocan City. Inireklamo niya si Emelita Caalim, 34 anyos, isang online seller sa Makati City, dahil umano sa pagpo-post nito ng litrato ng may mantsa niyang panty sa Facebook.

“Paninira, bilang isang babae, na hindi kaaya-aya. ‘Yung pambababoy niya sa akin, hindi makatarungan. Hindi respectful,” ayon sa complainant na si Roa.

Ayon pa kay Roa, ipinagkalat umano ni Caalim sa social media na burara siya at ganung klase siyang babae.

Hinimok ni Raffy Tulfo na pag-usapan na lamang ng dalawang panig ang nasabing isyu at pinayuhan ang inirereklamong si Caalim na burahin na ang nasabing malaswang larawang ipinost nito. Pumayag naman si Caalim na magtungo sa himpilan ni Tulfo upang personal na kausapin si Roa at i-delete ang nasabing post.

Nang magkaharap-harap ay napag-alamang pera pala ang naging puno’t dulo ng bangayan ng dalawa. Ayon sa kuwento ni Caalim, dati silang magkakasama sa bahay dahil kaibigan umano nila ng kanyang asawa na isa ring security guard si Roa. Sinubukan umanong manghiram ni Roa ng halagang 50 libong piso mula kay Caalim subalit wala umano siyang maipahiram dito, at iyon daw ang naging dahilan ng samaan nila ng loob.

Kuwento pa ni Caalim, hindi umano marunong magbayad nang kusa si Roa at maging ang anak daw ni Caalim na menor deedad ay nagawang utusan ni Roa upang mangutang, bagay na itinanggi naman ni Roa.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa harap ni Raffy Tulfo at nauwi pa sa hamunan ng demandahan sa korte. Matindi ang panininidigan ni Roa na ilalaban umano niya ang ginawang paninirang-puri at pagyurak sa kanyang dignidad ni Caalim subalit hindi naman nagpatinag si Caalim dahil ayon sa kanya, mayroon din umanong “messages” si Roa sa kanya na maaari niyang gamitin laban dito.

Nang tanungin ni Tulfo si Roa kung magkano ang inaasahang danyos nito sakaling ituloy sa hukuman ang kaso ay sumagot ito ng P50k, at inakyat pa sa P150k, bagay na ayon kay Tulfo ay napakalaking halaga. Mariin namang tumanggi si Caalim na humantong sa bayaran ang nasabing isyu kaya’t muling hinimok ni Tulfo na magkaayos na lamang at magpatawaran ang mga ito upang hindi na lumala pa ang gulo.

Sa huli, nagkapatawaran at nagkaayos din ang dalawa at nagyakap pa nang mahigpit.

Source:
Raffy Tulfo in Action

ABS-CBN News Anchor at Executive, Posibleng Maharap sa Kaso!

Matapos payagan ang inihaing Motion for Reconsideration ni Gretchen Fulido, binigyan na ng “go signal” ng Quezon City (QC) Prosecutor’s Office si Fulido na magsampa ng kasong “libel” laban kina broadcast journalist Cecila “Ces” Oreña Drilon, showbiz news reporter Marie Milagros Lozano at news executive Venancio Borromeo.

Sa resolusyong may petsang Abril 29 na pinirmahan ni QC Chief Prosecutor Barcellano, nakitaan umano ng sapat na basehan ang reklamo ni Fullido laban sa tatlong akusado.

Ayon sa prosecutor, “acted in bad faith” umano ang tatlo nang magbitaw ang mga ito ng mga mapanirang- puring pahayag habang nagsasagawa ng internal investigation ang kanilang network, kaugnay ng isinampang reklamong “sexual harrassment” ni Fullido laban kina dating news executive Cheryl Favila at news segment producer Maricar Asprec. Sinabi umano ng tatlong akusado na ginawa ito ni Fullido upang umangat ang kanyang employment status sa ABS-CBN.

Inirekomenda rin umano ng QC Chief Prosecutor ang paglabas ng warrant of arrest laban sa tatlong akusado.

Batay pa sa abogado ni Fullido na si Atty. Marvin Aceron, isinaad din daw ni Fullido sa kanyang Complaint Affidavit ang ginawang “victim-shaming” ni Drilon sa kanya, at ang imputasyong pahayag daw nito na kaya umano na-harass si Fulido, dahil willing naman daw itong magsuot ng bikini sa inflatable pool na may mga bula upang umangat ang rating ng TV Patrol.

Nauna nang ibinasura ng QC prosecutor’s Office noong Marso ang inihaing libel case ng kampo ni Fullido, dahilan upang mag-file sila ng Motion for Reconsideration.

Sa nasabing April resolution, tinawag na “act of malice” ng prosecutor ang claim ni Drilon na nakita niya umano si Fullido na tinawanan lamang ang mga komento ng mga kalalakihang anchors ng TV Patrol patungkol sa katawan, pananamit at pagkilos ni Fullido.

Ganito ang nakasulat sa nabanggit na resolusyon, batay sa ulat ng The Manila Times:

“Respondent acted with malice when the imputation contained in her Affidavit appears to be absolutely discreditable tending to impeach the virtue and reputation of complainant. Respondent went beyond board and what is relevant on the case when she linked the act complained of to an alleged incident where complainant have many times received inappropriate comments from other members of TV Patrol, which in her opinion also constituted acts of sexual harassment. Respondent went farther when she said that complainant was willing to wear a bikini on television for TV Patrol’s rating. It can be deduced from the words of respondent that she jumped into a conclusion or assumption that Complainant could easily ignore such unpleasant acts, as if she welcomed the same.”

Source:
The Manila Times
PEP.ph

Bam Aquino, Credit Grabber ayon kay President Duterte!

Sa kanyang talumpati sa Davao City, ilang araw bago mag halalan, muling binanatan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidato ng Otso Diretso.

Isa sa binanatan ng Presidente ay si reelectionist senator Bam Aquino. Ayon sa Pangulo, panay daw pagsasalita ng Ingles at credit grabber pa ito.

“Bam Aquino are just the same. They like to speak in English. But he would take credit for works that are not his,” sabi ni Presidente Duterte sa wikang Cebuano.

Hindi rin nakaligtas si Otso Diretso candidate Gary Alejano sa mga patutsada ng Pangulo. Base sa pahayag ng Presidente, bugok daw daw ang Magdalo Representative at nagtatapang-tapang dahil nakapagtapos sa Philippine Military Academy (PMA).

“There’s this one guy. I‟ll name him. Gary Alejano. What has he done? He participated in a coup d‟etat, nag-mutiny, and threatened people. Afterwards, he retreated in the Manila Peninsula, ordered steak, occupied the bedrooms and slept there. Then they stole the expensive glasses. And then he ran for senator. He‟s still a liar. He keeps on making up issues. Bugok eh. They thought that just because they were able to finish a four-year course, just because they graduated from PMA, that they are the toughest ones here,” banat ng Pangulo kay Alejano.

Source: Presidential Communications

Pangulong Duterte, Pinuri si Ex-President Marcos!

Sa kanyang talumpati sa isang campaign rally sa Davao City, pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Presidente Ferdinand Marcos. Ayon sa kasalukuyang Pangulo, si Marcos lang daw ang nag-iwan ng mga proyektong makikita natin.

Ilan sa mga proyektong na nagawa noong panahon ni Presidente Marcos ayon kay Pangulong Duterte ay ang Cultural Center of the Philippines, Philippine International Convention Center at Manila’s light rail transit system.

“Alam ninyo sa totoo lang, sa lahat ng mga naging presidente, sinong presidente ang may mga nagawa na makikita natin? Marcos lang,” sabi ni Presdiente Duteret sa wikang Cebuano.

Matapos ibida ang mga nagawa ni Marcos ay sabay banat naman si Pangulong Duterte sa ibang politiko. Hindi na pinangalanan ni Pangulong Duterte kung sino ang mga ito.

“It was only Marcos. At least in his time, Marcos had these built: the Cultural
Center of the Philippines, PICC, and MRT. And the others? Wala. All they do is talk and
criticize,,”
banat ng Pangulo.

Source: GMA News | Presidential Communications

Anak na Durugista, Sinaksak ang Nanay dahil Hindi Binigyan ng Beinte Pesos!

Kalaboso ang inabot ng durugistang si Jake Obrero, 29-anyos, matapos nito saksakin ang kanyang mismong nanay. Nangyari ang insidente sa Talisay CIty, Cebu.

Ayon sa ulat ng GMA News, nagalit daw ang suspek nang hindi siya bigyan ng P20 ng kanyang ina. Gagamitin daw sana ng suspek ang pera pambili ng sigarilyo. Base sa ilang impormasyon, sangkot din daw si Jake sa kalakalan ng droga.

“Sabi niya, ‘Ma pahingi ng bente. Bibili ako ng sigarilyo.’ ‘Wala nga akong pera Jake’. Nagalit siya at muntik na niya akong siuntok. DUmating na ‘yung isa ko pang anak, siya ‘yung pumigil’,” sabi ni Merciditas, ina ng suspek.

Nasugatan naman ang kapatid ng suspek nang tangkain nito na awatin ang kaguluhan.

“Namalayan ko na sinaksak na. Nakaiwas sin ako, Tapos nakakita ako ng madadaanan, tumakbo talaga ako palayo. Hinahabol niya pa rin ako. Pinaktakbo ko mama ko. Sabi ko, ‘Takbo ma. Kasi aabangan ka niya’,” sabi ni

Buo na ang loob ng mga kaanak ni Jake na ipakulong ang suspek, Ayon sa nanay ni Jake, puro perwisyo daw ang dala ng suspek sa kanilang pamilya.

“Ipapakulong ko talaga kasi hindi na kaya. Nagdadala talaga siya ng gulo sa pamilya,” sabi ni

Source: GMA News