Bayan Muna, Harapang Binuweltahan ni DU30 Official Ronald Cardema!

Bayan Muna, Harapang Binutata ni DU30 Official Ronald Cardema!

Naging mainit ang tagpo nang magkaharap sina Bayan Muna Representative Carlos Zarate at si National Youth Commission Chairman (NYC) Ronald Cardema sa programa ng ABS-CBN News Channel.

Sa kanilang diskusyon, napag-usapan ang mga kabataang nahihikayat sa armed rebellion ng mga makakaliwang grupo at ang layunin ng Duterte Youth Partylist. Ibinunyag din ni Cardema na may mga miyembro ng Kabataan patylist dahil naging miyembro ng New People’s Army (NPA).

“Isa lang naman ang youth party list sa kongreso at ito ay Kabataan party list. At sa aming datos, nakita namin na mayroong miyembro ng Kabataan partylist na napatay na as NPA,” sabi ni Cardema.

Para kay Cardema, dapat ay mayrong tumapat sa mga youth group ng mga makakaliwa sa kongreso. Hindi rin daw maaari na puro makakaliwang kabataan daw ang nagsasalita.

“Sinusuportahan namin ang Duterte Youth Partylist dahil walang ibang kabataan na gustong lumaban sa kanilang hanay. Hindi pwede na sila lang ang nagsasalita dahil dinadala niyo sa armed rebellion ang iba niyo pong miyembro. Ngayon, kung walang haharang diyan na hardliner na pro-military at pro-government, ano pang mangyayari?” banat pa ni Cardema.

Sinisiraan din daw ng mga makakaliwa ang mga dating miyembro nito na nag balik loob sa gobyerno..

“NPA fighters surrendering to the government. They are telling us that they are member of your organization. Sinungaling ba sila? Sila na nakasama ninyo sa makabayang pag-aklas, sa makabayang adbokasiya. Ngayon na ayaw na nilang lumaban at gusto na nilang bumalik sa gobyerno, gusto nila ng kapayapaan, sila pa ang sisiraan ninyo? “ buwelta ni Cardema.

Ito po ang ilang reaksyon mula sa mga kababayan natin.

“laglag salawal ni bigote hahaha upakan nio pa sir nuon pa nmn alam ng lahat NPA member yan sila. at lahat naka upong presidente tlgang kontra yan sila mga kampon ng kadiliman yan at kamag anak ni Pinocchio sa pgsisinungaling,” sabi ni Z. Centi.

“Go Duterte youth. Parang kinkakabhan c zarate!” sabi ni J. Racaza.

“At least some one tell the real score of bayan party group🤣🤣🤣🤣,” sabi ni A. Miranda.

Source: ANC 24/7