Mar Roxas, Nakakuha lang ng 32 Boto sa Tacloban sa ‘First Update’ ng Election Result!

Trending ngayon ang social media post ng radio host at pro-government blogger na si RJ Nieto, o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy. Sa pamamagitan ng screenshot mula sa website ng ABS-CBN, ipinakita ng blogger kung gaano lang kakaunti ang nakuhang boto ni Mar Roxas sa unang bugso ng election results para sa Tacloban City.

Base sa 6:15 pm data ng first wave ng election results mula sa transperancy server ng Commission on Election (COMELEC), nakakuha lang si Roxas ng 32 boto sa lunsod ng Tacloban. Si Roxas ang ikalawa sa grupong Otso Diretso na may pinakakaunti na nakuhang boto sa syudad. Kumamada si Imee Marcos ng 528 na boto at sinundan siya ni dating Special Assistant to the President Bong Go na may 396. Pumangatlo naman si ex-PNP Chief Bato Dela Rosa na mayroong 353.

Naniniwala ang ilang kababayan natin na kaya naging mababa ang boto ng mga taga-Tacloban kay Roxas ay dahil sa naging aksyon nito noong 2013 Yolanda Typhoon kung saan pinamumunuan ni Roxas ang operasyon ng Department of Interior and Local Government.

Magugunita na mayroong video clip na kumalat sa social media noong 2013 kung saan tila nag mukhang pinu-politika ni Roxas ang sitwasyon sa Tacloban.

“You have to understand you are a Romualdez and the President is an Aquino. So, we just want to legalize, if not legalized, well ok you are in charge, we can’t help you, bahala na kayo sa buhay niyo,” ang mga salitang sinabi ni Roxas na nakunan sa video.

Dumipensa naman si Roxas at sinabing hindi kumpleto ang ipinakita sa naturang video footage. Naging maingat lang daw ang national government sa pakikitungo sa local government unit.

Ang post ni Thinking Pinoy ay naibahagi na ng lagpas 9,000 beses habang isinusulat ang artikulo na ito. Umabot na rin sa libo-libo ang nagkomento rito.

Magugunita na dinalaw pa ni Roxas ang mga taga-Tacloban noong huling bahagi ng Abril para mangampanya.

Sa ngayon ay nagkaka-aberya ang COMELEC kaya naantala ang pag-update sa partial at unofficial count para sa mga senatoriables.

(UPDATE: Sa pinakahuling bilang sa partial at unofficial data ng COMELEC (May 17, 2019, 4:03 PM), 6,255
na ang nakuhang boto ni Roxas at nasa ika-25 na puwesto na sa Tacloban ang dating DILG Scretary.)

Source: ABS-CBN | Thinking Pinoy | CNN Phil | ABS

Atty. Glenn Chong, Binunyag ang Nagyari sa Boto nila ni Mar Roxas!

Sa kanyang social media account, pinikita ni senatorial aspirant Attorney Glenn Chong ang pagsugod niya sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) para ireklamo ang mga natanggap niyang ulat tungkol sa hindi paglabas umano ng pangalan niya sa ilang resibo.

“PINAPAGPALIWANAG KO ANG COMELEC TUNGKOL SA MGA REPORTS NA NATANGGAP NAMIN NA HINDI LUMABAS ANG AKING PANGALAN SA RESIBO KAHIT IBINOTO AKO,” sabi ni Attorney Chong.

Binunyag din ni Chong na may nasagap siyang sumbong ng isang botante. Ayon daw sa botante, 2 sila ni former DILG Secretary Mar Roxas na binoto pero ang pangalan lang ni Roxas ang lumitaw sa resibo.

“I posted it on my Facebook acount. Ang binoto niya dalawa, si Glenn Chong at si Mar Roxas, ang lumabas sa resibo si Mar Roxas lang. Wala ang pangalan ko sa resibo,” pahayag ni Attorney Chong.

Sa isa naman daw na pagkakataon, si Magdalo Representative Gary Alejano ang lumabas kahit na siya ang ibinoto ng botante.

“SA BATANGAS: GANITO RIN ANG NANGYARI SA ISANG BOTANTE. SI GLENN CHONG ANG IBINOTO, SI ALEJANO ANG LUMABAS SA RESIBO,” pagbubunyag ni Chong.

Kasalukuyang lumalabas ang mga ulat na nagkakaroon ng aberya sa COMELEC dahilan ng pagkaantala ng pagdi-display ng mga partial at unofficial count para sa mga senador. Ayon sa COMELEC, ginagawan na raw nila ng solusyon ang problema.

Source: Attorney Glenn Chong | [2]

COMELEC Transparency Server, Nakaproblema! Media Count, Nahinto na ng 3 Oras!

Kaya pala nahinto na sa pagbibilang ng partial at unofficial count ang ilang media groups ay dahil nagkaproblema daw ang transparency server ng Commission on Election (COMELEC).

Ayon sa ulat ng GMA News, kanina pang 6:15 ng gabi ang huling update sa server at hanggang ngayon ay .38% pa lang ipinapakitang naprosesong election results (ER).

Inamin mismo ng information technology department ng COMELEC na nagka-aberya sa pagpapasa ng ERs patungo sa transparency server kung saan kinukuha ng mga media groups ang datos ngayong eleksyon.

Kinumpirma din ni Comelec director for information and communications James Jimenez na mayroon ngang technical issues na kinakaharap ang kanilang ahensiya. Inaayos na raw ng COMELEC ang aberya at sana ay maayos ito bago maghating gabi.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa kinakaharap na problema ng COMELEC.

“Terminate all comelec officials. So incompetent!!!! 3 years to prepare for a one day event and yet may palpak pa rin. :((( or may milagro ginagawa ,” sabi ni A. Abella.

“DELAYED CANVASSING !!! This is the main issue why we, in the IT Community, say that Comelec is the most unqualified implementor of the AES & Smartmatic is the grossly incompetent contractor for the past 4 elections. But as we speak, data tampering is now on-going due to non-update on Comelec official website and the posting on mainstream media is only at 0.40%. And yet Comelec has announced for the suspension on the canvassing until 1 pm tomorrow. So, WHERE ARE ALL THESE FIGURES COMING FROM ??? THIS IS A CLEAR CASE OF ELECTION FAILURE AND YET COMELEC IS NOT DECLARING IT FOR OBVIOUS REASON,” sabi ni senatorial aspirant Toti Casiño.

“What’s new… expect the unexpected. Mamaya magugulat ka na lang sa mga results,” sabi ni M. Ungui.

Source: GMA News | archive | Toti Casiño | CNN Phil

Atty. Glenn Chong, Galit na Sumugod sa COMELEC dahil umano sa Iregularidad sa Araw ng Eleksyon!

Nagtungo nitong hapon si Attorney Glenn CHong sa command center ng Commission on Elections (COMELEC) para magreklamo sa ulat ng mga umano’y iregularidad na nakarating sa kampo niya.

“I’m here. I’m demanding from COMELEC an explanation kung bakit ‘yung pangalan ko ay hindi lumalabas sa resibo. We have call center, manned by 24 persons. We have been monitoring the results from across the country. We have problems in Cagayan De Oro, Iloilo, Batangas, Manila, Biliran and Cagayan Provinces,” sinabi ni Chong,

Isa pa sa mga pinunto ni Attorney Chong ay ang mga nasisirang makina o mga VOte Counting Machines (VCM) sa mismong araw ng halalan.

“Hindi lumalabas ang pangalan ko sa resibo and we are demanding COMELEC answers. And including ‘yung mga nasisirang makina. We believed na may magic ‘yun,” dagdag pa ni Chong.

Napaulat kani-kanina lang na may ibang pangalan na lumabas sa voter’s receipt ni Senator Cynthia Villar. Sa isang panayam, sinabi ni Villar na nagulat siya sa nangyari. Hindi naman inaalis ng senadora ang posibilidad na nagkamali siya.

Magugunitang nanggalaiti naman si former vice president Jejomar Binay kaninang umaga dahil hindi daw nabasa ng VCM ang kanyang boto. Ayon kay Binay, walong beses umano hindi tinanggap ang kanyang boto.

Nagtungo si Binay sa tanggapan ng COMELEC para ireklamo ito. Ayon sa ilang ulat, pinalitan na ng COMELEC ang VCM para makaboto si Binay.

Source: News5 | DZRH | DZRH

Mayor Sara, Nagbabala Laban sa Smartmartic sa Pangingialam sa Eleksyon!

“Huwag na nila pakialamanan yung results ng botohan,”

Binalaan ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang Information Techology service provider na Smartmatic na huwag mangingialam sa midterm election.

Sinabi ni Mayor Sara ang babala matapos niyang bumoto sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City. Para kay Sara, dapat maging tapat ang Commission on Election at Smartmatic.

“That’s why it is an election, that’s why it is a democracy. People are allowed to choose kung sa kanila yung gusto nilang botohan that’s why we remind also the COMELEC and Smartmatic to be faithful sa mga choices ng mga tao,” dagdag pa ni Mayor Sara.

Magugunitang sinabi ni mayor Sara nitong unang bahagi ng taon na natapyasan ng boto si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential elections. Hindi lang daw kasi 16 milyon ang nakuha ng kasalukuyang Pangulo, pumalo pa raw sa 17-19 milyong boto ang inani ni Presidente Duterte.

“Alam mo kung pwede lang magprotesta si President Duterte for the votes that he lost because of cheating. Ang ini-estimate namin it’s about 2-3 million votes that President Duterte lost because nilipat sa ibang kandidato… Tinitingnan natin yung boto ng mga senators, ‘yung boto ni Leni Robredo, nung ibang candidates, makikita kung nasaan ‘yung mga boto,” sabi ni Mayor Sara nito lang Marso.

Source: GMA News | Politiko | Edge Davao| Philstar

Nilabas na ang Partial & Unofficial Result ng Top 15 Senatoriables!

Isinapubliko na po ng ilang media ang partial at unofficial count ng naibatong numero mula sa Commission on Election (COMELEC) Transparency Mirror Server.

Ang makikitang niyong datos ay inilabas nito lang 6:15 ng gabi. 168,692 na boto palang ang nabibilang, Ang rehistradong botante ay 63,662,481. .03% pa lang ang napo-prosesong ER.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa partial and unofficial result na inilabas ng GMA News.

“Kawawang Pinas pumasok na naman ang mandarambong at mandedenggoy,” sabi ni H. Regalado.

“Thanos please come here in the Philippines,” sabi ni K. Constantino.

“Nakakalungkot lang na yung tulad ni JIGGY MANICAD na tunay na nakakakita ng hirap ng pinas eh di nakakapasok. Sa tagal nya sa pagiging news caster at journalist, nakita niya yung struggle ng karamihan. He deserved the slot, not Revilla,” sabi ni E. Celiz.

“Sana naman gumawa ng batas na dapat lahat ng botante , college graduate haissstt dami bobo binoto din nila mga kagaya nila di graduate at puro sayaw lang alam,” sabi ni E. Malobago.

Source: GMA News