Bam Aquino, Pasok na sa Top 12 ng Senatorial Election! Bong Revilla, Tanggal!

Tume-trending ngayon ang ulat ng ilang media kung saan sinasabing natanggal sa top 12 senators si Bong Revilla habang si Otso Diretso candidate at opposition senator Bam Aquino naman ang nakapasok. Si Revilla ngayon ay nasa ika-14 na puwesto at si Bam ay nasa ika-12.

Gaya naman sa partial at unofficial result, nananatili pa rin si Senator JV Ejercito sa ika-13 na puwesto.

Ayon sa mga reports, galing umano ang datos mula sa 9:30 pm partial and official results ng Commission on Election (COMELEC) na tumatayo bilang National Board of Canvassers.

Ito po ang listahan.

Kung naliliitan kayo sa kopya ng partial and official result, ito po ang listahan na mas malaki ang texts.

Basahin ang komento ng ilang kababayan natin sa kaganapan na ito.

“Sana malaglag sya at di maka pasok. Si JV nalang pls. Wag na. No more Aquino pls. Pls wag Naman,” sabi ni M. Ernest.

“Impossible to happen how much they pay over million votes away I sleep for only four hours when I wake up Bam is in 12 ridiculous ,” sabi ni T. Beltran.

Pinuna naman ng isang kababayan natin ang ulat ng media at sinabing 34 clustered precints pa lang ang nabilang.

“top 12 sa 34 prescint si bam. relax lang kayo nasa 350k pa ang lamang ng top 12 na si nancy kay bam. so malabo din magtop 12 nationwide si bam,” sabi ni E. Quintano.

Source: GMA | Inq

Atty. Gadon, Nagpuyos sa Galit dahil umano sa Dayaan sa Eleksyon!

Naglabas ng sama ng loob sa kanyang social media account si Attorney Larry Gadon dahil sa naging resulta ng halalan. Ayon sa sikat na abogado, biktima daw siya ng pandaraya at naniniwala siya na ang mga boto niya ay binawasan para ilipat sa mga mahihinang kandidato ng administrasyon.

“Ang nakaraan ne eleksiyon ay naparumi at madaya. Ako ay naniniwala na nabiktima ako ng dagdag bawas. Na-shave ang aking mga boto para idagdag sa mga admin candidates… Ang boto ko ay idinagdag sa mga admin (candidates) na mahina,” banat ni Gadon.

Isa sa mga ginamit na pruweba ni Gadon ay ang mainit na pagtangkilik sa kanya ng mga tao. Mula sa online polls hanggang sa mga pag-iikot niya sa iba’t-ibang lugar.

“Mula pa noon, sa social media, at sa mga mock elections sa mga malalaking universidad, palagi akong nagta-top 1 or top 5. At sa mga social media surveys sa mga OFW palagi ako na nasa top 5, pinaka-malas ko na ang 7… Sa pag-ikot ko sa mga syudad at mga probinsiya ay pinagkakaguluhan ako. Even in those far places na hindi ako nagkaroon ng kahit isang posters,” sabi ni Gadon.

Pinagtataka rin ni Gadon na noong 2016 ay hindi siya nangampanya pero umabot ng 2 milyon ang boto. Samantalang ngayon na todo ang exposure niya sa mainstream media ay 1 milyon lang ang naidagdag sa kanyang boto.

“Noong tumakbo ako ng 2016 ay nakakuha ako ng 2 milyon na boto, kahit hindi ako nangampanya at kahit hindi pa ako sikat noon. Itong 2019 elections, grabe ang naging exposure ko sa TV, sa news, sa mga interviews, sa radyo, dahil sa Sereno impeachment, at dahil sa effective social media campaign, kaya imposible na 1 million lang ang nadagdag sa akin,” pahayag ni Gadon.

Naniniwala ba kayo sa mga paratang ni Attorney Gadon. Sino kayang administration candidate ang tinutukoy niya?

Source: Atty Larry Gadon

‘Mga Tao na nag-UNITE, Magka-isa!’ – Leni

“Sa puso ko, parang hino-hope ko pa rin na mayroong ganoon na miracle,”

Nangangarap si Vice President Leni Robredo na sana ay may mangyaring milagro at may manalo sa mga kandidato ng oposisyon na kilala sa tawag na Otso Diretso. Magugunitang si ex-senator Bongbong Marcos ang nangunguna noong 2016 elections sa mga surveys pero naungusan ito ni Leni para sa pagka bise presidente.

Sa walong pambato ng oposisyon, si Senator Bam Aquino lang ang malapit-lapit sa magic 12.

Matapos man daw ang eleksyon ay dapat tuloy pa din daw ang laban. Kailangan din daw nag magkaisa ang mga tao.

“Hindi natatapos iyung laban sa eleksyon na ito. Kailangan iyung mga tao na nag-unite, magkaisa kami para magdesisyon kung papaano lalabanan iyung mga bagay na pakiramdam namin mali,” ani Leni.

Naniniwala si Leni na mayroong mga local government officials na hindi sinuportahan ang kandidato ng oposisyon. Pero manalo man o matalo, nagtagumapay daw ang oposisyon para pag-isahin ang mga tao na kaparehas nila ng paniniwala.

“Pero sa akin naman, whatever the outcome of the election is, tingin ko panalo na kami — panalo na in uniting a lot of people na pareho ang paniniwala about things that are happening,” dagdag pa ni Leni.

Sa kasalukuyang (May 14, 2019, 8:22 PM ), lamang pa rin ang mga manok ng administrasyon at lahat ng miyembro ng Otso Diretso ay hindi mahagilap sa top 12 ng senatorial elections.

Source: ABS-CBN

‘Di Matanggap ang Election Results, mga Leftist Students Nag-RALLY!

Hindi nagustuhan ng makakaliwang grupo ng kabataan ang naging resulta ngayong halalan kaya nagsilabasan sila sa kalye para ipagsigawan na tutol sila sa kinalabasan ng eleksyon. Nagsagawa ang mga ito ng kilos-protest sa harap ng opisina ng Commission on Election (COMELEC).

Sa mga larawan na ibinahagi ng News5 na mula sa grupong Kabataan partylist, makikita ang ilang estudyante na may hawak na banner na may nakasulat na “Labanan ang Dayaan at Atake sa Mamamayan”.

Sa ginanap na halalan, halos karamihan sa mga nakapasok sa Maic 12 ay mga kandidato ng Duterte Administration. Ang mga pabato naman ng oposisyon ay laglag base sa pinahuling tala (5:53 pm) ng partial at unofficial data ng COMELEC.

Ang Kabataan Partylist ay lumahok din sa halalan at nakakuha lang ng 191,541 na boto at nasa ika-48 na puwesto, base sa pinahuling pagbabago (5:54 pm) sa website ng ABS-CBN.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pinaggagawa ng mga kabataan ito.

“Mga g-g- …. di naman bumoto pero maraminng nalalaman…. mag linis nga kayo nang bahay nyo At nang makatulong naman kayo sa magulang nyo … mga ul-l,” sabi ni R. Nakamura.

“Wala na. Finished na! No. 48. Kabataan Partylist. Goodbye. Hahaha. Nasaan na si Congressman Elago nyo?” sabi ni A. Albacite.

“Naku ha akala niyo naman porke kabataan kayo sa inyo na ang boto ng tao? Hello nagising na po mga netizens! Kayo rin ang sumira sa kasabihang “ kabataan ang pag asa ng bayan” hindi na!! Dahil ang kabataan ngayon walang alam kundi mag rally, sarili lng nakikita walang paki alam sa bansa. Baluktot ang pangangatwiran. Ayaw sumunod sa magulang puro gadget lng alam,” sabi ni S. Omer.

Source: Kabataan Partylist | News5

Otso Diretso, Pinagpapaliwanag ang Comelec!

Eksplanasyon mula sa Commission on Elections.

Ito ngayon ang malaking panawagan ng kampo ng Otso Diretso senatorial slate, sa pangunguna ng kanilang campaign manager at Liberal Party President na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan, kaugnay pa rin ng nangyaring “glitches” sa nakaraang May Elections, gayundin sa pagbibilang ng mga boto.

“Halimbawa ‘yung pitong oras na hindi lumabas ang resulta sa transparency server, never naman nangyari ito. Pagkatapos pagdating ng madaling araw, 90 plus percent na, wala na lahat ‘yung Otso Diretso. That by itself needs an explanation. How did that happen?” saad ni Pangilinan.

Kinuwestiyon din ng senador ang aniya’y lima hanggang anim na oras na walang ibinigay na paliwanag ang Comelec habang hindi pa umano naita-transmit ang mga datos. Hindi rin daw lumabas at hindi nagsalita ang departamento na parang walang nangyaring problema, at dapat umano nila itong linawin.

Binigyang-diin din ni Pangilinan ang kahalagahan ng transparent transmission lalo na sa mahigpit at dikit na laban partikular na sa ika- 12, 13. at 14 na puwesto. Si Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV ng Otso Diretso ang kasalukuyang nasa ika-14 na slot, batay sa partial and unofficial results ng Comelec.

“Itong mga ganitong kakaibang pangyayari ay malaking katanungan na dapat magkaroon ng paliwanag,” wika ni Pangilinan.

“Baka sakaling sa nasabing nalalabing pitong porsyento ay maipanalo pa ng isa o dalawa nating mga kandidato ang kanilang kandidatura. Mananatili tayong mapagbantay hanggang sa dulo,” dagdag pa ni Pangilinan.

Samantala, binatikos din ni Otso Diretso spokesperson lawyer Barry Gutierrez ang aniya’y pagma-malfunction ng daan-daang vote counting machines sa mismong araw ng halalan. Ilang mga ulat din ang kanilang natanggap na kinailangan umanong iwan ng ilang mga botante ang kanilang mga balota sa mga presinto at hinayaang ang mga election personnel sa lugar ang magpasok ng mga ito sa machine dahil sa pangyayari.

Sa Tarlac, na siyang sinasabing balwarte ni Aquino ay may 14 mula sa kabuuang 18 SD cards ang umano’y iniulat na nag-malfunction din, ayon sa kampo ng Otso Diretso.

“Obviously, that’s a huge source of concern. We’re talking about 500,000 voters potentially affected. And if the gap between number 14 where Senator Aquino is right now and number 12 is something like 300,000 votes, that’s obviously going to matter,” paliwanag ni Gutierrez.

“We’re not saying na may deliberate conspiracy dito na ginagawa, but what we’re saying is merong mga tanong na kailangang sagutin ang Commission on Elections. And right now, the explanations that they have given have not fully addressed ‘yung mga concern,” dagdag pa nito.

Source:
GMA News

Mar, ‘NAPALIGIRAN ng mga DEMONYO’ ayon kay Korina!

Nagkataon na sumabay ang kaarawan ni Mar Roxas sa araw ng eleksiyon ngayong taon, kaya binati ni ABS-CBN’s Rated K host na si Korina Sanchez-Roxas sa social media ang kanyang asawa nitong Mayo 13 at hinangad na sana ay muling makapagsilbi sa bayan ang dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DIILG).

“[I] am so excited you may get this chance to serve again. I love you. Happy Birthday,” sabi ni Sanchez.

Kaya lang may problema. Dahil sa pinakahuling bilang ng partial and unofficial result (as of 4:50pm) ay hindi pa rin nalakapasok si Roxas sa Top 12. Umabot lang si Roxas sa ika-16 na puwesto. Pati ang mga kasamahan nito sa Otso Diretso ay hindi rin nakakuha ng sapat na boto. Karamihan ng mga nasa magic 12 ay tila mga pambato ng administrasyon.

Sinabi naman ni Korina na mataas pa rin daw ang paghanga niya kay Mar kahit napapaligiran ito ng mga demonyo. Hindi naman pinangalanan ni Korina kung sino ang mga demonyong tinutukoy niya.

“Honey, bilib ako sayo tiniis mo lahat ng demonyo sa paligid mo; am in awe at what you’ve accomplished and contributed to the poor and to this country,” sabi ni Sanchez.

Source: Abante | Inq

Malacañang, Binanatan ang Otso Diretso sa Kanilang Napipintong Pagkatalo!

Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Palasyo at nagbigay na agad ng pahayag patungkol sa mga numerong lumabas sa partial at unofficial count ng Commission on Election (COMELEC).

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isa raw sa dahilan kung bakit lumamang ang mga kandidato ng administrasyon ay ang “Duterte Magic”.

Itinakwil din daw ng mga botante ang mga paninira at atake ng oposisyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“The voters rejected the negative propaganda unleashed by the opposition against PRRD and his Administration, e.g. issues of extra-judicial killings, drug war, South China Sea, among others,” sabi ni Panelo.

Isang malaking senyales din daw ang pangunguna ng mga kandidato ng administrasyon na gusto ng mga tao ang ipagpatuloy ang mga repormang itinataguyod ng gobyerno ni Pangulong Duterte.

“The victory of the Administration’s candidates and the shut out of the Otso Diretso candidates send a strong message that our people yearn for stability and continuity of the genuine reforms that the Administration started. They yearn for a constructive – not obstructionist – Senate which will help in crafting the President’s legislative agenda,” ani Panelo.

Pinuri din ng palasyo ang mga botanteng Pilipino na nakipagkaisa ngayong eleksyon.

“We laud the Filipino electorate for expressing their will in the strongest and unequivocal manner. With the successful holding of the elections, we have demonstrated to the world that we have a great order for democracy that can rise above the loud political noise.,” dagdag pa ni Panelo.

Source: Presidential Communications | Presidential Spokesperson

Kiko, Hindi Bibitaw at Baka Magka-MILAGRO at may Manalo sa Otso Diretso!

Nasa mga huling bahagi na ng pagbibilang para sa halalan 2019 at ang lahat ng kandidato ng oposisyon ay hindi mahagilap sa top 12.

Sa pinakahuling tala (1:53pm), 94.85 porsyento na ng election returns ang nabibilang. Pero ayaw pa rin bumitaw ni Otso Diretso campaign manager Senator Kiko Pangilinan at nangangarap siya na baka magkaroon pa ng milagro.

“Let’s wait for the results. Who knows baka may milagro,” pahayag ni Kiko.

Ayon kay Kiko, mayroon ilang porsyento na nalalabi sa unofficial tally at baka magamit ito para maipanalo ang isa sa mga pambato ng Otso Diretso.

“Baka sakaling sa nasabing nalalabing pitong porsyento ay maipanalo pa ng isa o dalawa nating mga kandidato ang kanilang kandidatura. Mananatili tayong mapagbantay hanggang sa dulo,” sabi ni Kiko.

Kahit na masaklap ang sinapit ng oposisyon ay itutuloy pa rin daw nila ang laban.

“Tuloy pa rin ang laban para sa katarungan, para sa kasarinlan at sa mas maunlad na bukas para sa ating mga kababayan. Tuloy ang laban!” sabi ni Kiko.

Source: ABS | GMA | Rappler

Leni, Sinabihan ang Publiko na Lumaban!

Kahit na laglag ang mga kandidato ng Otso Diretso sa Halalan 2019, inudyukan ni Vice President Leni Robredo ang publiko na bantayan ang mga natitirang mga boto na kailangan pang bilangin.

“May laban pa tayong hinaharap. Hindi pa tapos ang bilangan, at kailangan pang bantayan,” sabi ni Robredo.

Sa mga kandidato ng oposisyon, si Senator Bam Aquino lang ang pinakamalapit sa Top 12. As of 11:26 am, nasa ika-14 na puwesto si Bam. Sumunod ay si Roxas na nasa ika-16 na puwesto. Ang ibang pambato ng Otso Diretso naman ay nasa labas na ng top 20.

Para kay Robredo, panahon daw para magkapit-bisig at huwag bumitaw sa mga nalalabing oras ng bilangan.

“Ipinamalas ng ating mga kandidato at volunteers ang tapang at dedikasyon sa ating adhikain. Huwag natin ito bitawan. Paghugutan natin ng lakas ang bawat isa,” dagdag pa ni Robredo.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa mga pinagsasabi ni Robredo.

“Instead of making that your battle cry, why not chanel it towards something positive, Leni.. drop the negative word fight, and inspire the people by using positive words like – “lets HELP the government” by being good abiding citizens etc etc.. something like that sana!!! Kaya kayo lumulubog eh! The people do NOT see and feel your sincerity to truly help the country.
Hayyy aling Leni,”
sabi ni A. Gayanelo.

“Fight??? Gusto mo talaga laging kaguluhan madam😈😈. We need a happy life and peace of mind and peace country thats all we ned madam,” sabi ni M. Dizon.

“Fight for what?
Mas maganda pow yata vice Pres. eh kung help the government para sa better future.,”
sabi ni A. Luna.

Source: ABS-CBN | FB

Guwapo at Mabati kaya Iboboto si Bong Revilla!

Sa isang panayam, tatlong buwan na ang nakararaan, ibinahagi ng ilang kababayan natin sa Pampanga ang rason nila kung bakit iboboto si former senator Bong Revilla

Ayon sa kanila, iboboto daw nila si Revilla dahil sa itsura nito at sa pagiging mabait.

“Kasi guwapo siya at mabait,” sabi ng babae.

Sa kasong kinasangkutan ni Revilla na plunder ay hindi daw sila naniniwala dahil mayaman naman na daw si Revilla.

“Hindi na kami naniniwala (sa pork barrel case), kasi mayaman na ang mga Revilla,” paliwanag ni ate.

Magugunitang “not guilty” ang naging hatol ng korte kay Revilla kaugnay sa multi-million peso pork barrel scam na kinasangkutan nito.

At nang tanungin kung anong batas ang nagustuhan nila na ginawa ni Revilla, ito ang kanilang naging sagot.

“Basta guwapo lang siya,” sabi naman ng mas matandang babae.

Ang video ay umani na ng mahigit 4 million views at sari-saring komento ang natanggap mula sa mga kababayan natin.

Sa pinakahuling tala (9:46 am) mula sa partial at unofficial count ng Commission on Election (COMELEC), nasa ika-11 na puwesto si Revilla. Ang kapwa akusado ni Revilla naman na si Jinggoy Estrada ay nasa ika pang 15 na puwesto.

Source: Rappler | ABS-CBN