Smartmatic, Sisipain na dahil sa Iregularidad at Kapalpakan?

“It’s about time we stop using Smartmatic,”

Tila napuno na si Senador Tito Sotto sa kapalpakan at perwisyong dulot ng Smartmatic, supplier ng vote counting machines (VCMs) na ginamit sa tatlong nakaraang automated elections ng Pilipinas.

Magugunitang daan-daang VCMs ang naiulat na nasira sa araw mismo ng eleksyon. Isa sa mga nabiktima ng sirang VCMs ay si dating vice President Jejomar Binay.

Umabot din daw sa 1,000 SD cards ang nagkaproblema sa araw ng halalan.

Sa isang text message, pinahayag ni Senador Koko Pimentel ang posibilidad na magpatawag ng senate investigation dahil sa aberya nangyari sa pagpo-proseso ng mga boto sa transparency server.

“Glitches are enough to call for a congressional investigation. Why are we still having all these glitches? Cannot Comelec (Commission on Elections) anticipate them?” sabi ni Koko.

Sinisi naman ng COMELEC ang edad ng mga VCM kaya nagka-problema ito sa eleksyon ngayon taon. Ayon sa ulat ng Politiko, nagbayad pa daw ang COMELEC ng P8.1 billion sa Smartmatic noong 2018 para bilhin ang mga 97,517 na VCMs.

Source: GMA News | Politiko | Philstar

Suspindihin ang Proklamasyon ng mga Nanalong Senador, Banat ng CBCP Social Action Arm!

“There should be no proclamation until the fraud tainted results are validated,”

Gustong ipasuspindi ng social action arm ng the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang proklamasyon ng mga nanalong senador dahil sa mga bintang ng pandaraya.

Kailangan daw maimbestigahan at maresolba muna ang mga akusasyon ng dayaan bago iproklama ang mga nanalo, sabi ng CBCP National Secretariat for Social Action Justice and Peace.

“We are calling to suspend the proclamation of winning senatorial candidates until the issue of fraud is resolved… We demand for an independent and impartial investigation of the alleged fraud and manipulation of automated canvassing by Comelec and Smartmatic,” pahayag ni Father Edwin Gariguez, executive secretary of CBCP Nassa.

Iginiit ni Gariguez na ang panawagan nila ay hindi para paboran ang Otso Diretso candidates.

Kahina-hinala din daw ang naging resulta dahil sa delay ng paglalabas ng resulta sa transparency server ng COMELEC.

Sa isinagawang halalan nitong Mayo 13, lumitaw na naging dominante ang mga pambato ng Duterte Administration. Habang ang mga kandidato ng oposisyon na mas kilala sa tawag na Otso Diretso ay hindi makita sa Top 12.

Basahin ang reaksyon at komento ng mga kababayan natin sa banat ng CBCP.

“How about stopping leni from being a VP until the case has beem resolved? Uhmmmm.. Irony of life ika nga,” sabi ni M. Zeravla.

“Juice colored.Stop being salty father at saka wag maki alam.Mag misa na lang po kayo.,” sabi ni B. Abril.

“We are calling the suspension of the vice presidency for 2016 until the issue of fraud is resolved,” sabi ni D. Cuartero.

“Hoy manahimik kayo talo otsodiretso fraud agad yun kay lugaw nataulog lang lumamang na wala kayo reklamo buset,” sabi ni G. Anton.

Source: Manila Bulletin | FB

China ang Klaro na Nanalo sa Eleksyon! – Boladas ni Agot Isidro

Isa sa mga personalidad na hindi matanggap ang naging kinalabasan ng halalan ay ang aktres na si Agot Isidro. Si Isidro ay napabalitang kasintahan ni Otso Diretso candidate Florin Hilbay na kritiko din ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Isidro ay masugid na taga-suporta ng Liberal Party.

Sa isang social media post, binulalas ni Isidro ang kaniyang opinyon sa ginanap na eleksyon nitong Lunes.

“Klaro kung sino ang nanalo dito. China,”

Ilang beses na pala, ipinipilit ni Isidro ang ideya na ibenenta daw ni Pangulong Duterte ang Pilipinas sa bansang Tsina.

“Let this be known. Rodrigo Duterte is the president who sold our country to China,” sabi ni Isidro sa kanyang Twitter account noong Nobyembre 2018.

Sa pinakahuling partial at unofficial tally ng Commisson on Election (COMELEC), nakakuha lang si Hilbay ng 2,699,871 na boto.

Kahit na talunan ang kaniyang kasintahan, nagpasalamat pa rin si Isidro sa mga bumoto sa kanyang nobyo.

“Friends have been sending me messages, calling me to say they voted for Pilo, or are on their way to vote for him. On my heart, Maraming Salamat,” sabi niya.

Matatandaang binawian ni Pangulong Duterte si Isidro at Hilbay nang kutyain nito ang relasyon ng dalawa. Ayon sa Presidente, ginagamit lang daw ni Hilbay si Agot para pagtakpan ang umano’y kabadingan nito.

Source: Agot Isidro | Agot Isidro | Archived | Archived

‘Walang Kredibilidad ang Eleksyon dahil sa Duterte Magic’ – Renato Reyes

“It was the systematic cheating and rigging of the elections which gave us these results,”

Hindi matanggap ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes ang naging kinalabasan ng eleksyon. Para kay Reyes, wala daw kredibilidad ang naganap na halalan dahil sa “Duterte Magic”.

Ayon kay Reyes, ang Duterte Magic ay binubuo ng mga sumusunod:

– Martial Law sa Mindanao

– Pagkakalat mismo ng kasalukuyang gobyerno ng maling impormasyon

– Hinokus-pokus daw ang automated elections at kinontrol daw Commission on Elections (COMELEC)

– Paggamit daw ng government resources para paboran ang mga pambato ng gobyerno.

– Paggamit daw sa pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para gipitin ang mga oposisyon at mga progresibong partylist groups.

Nanghihikayat si Reyes ng mga tao sa Biyernes para mag kilos-protest para ikundena ang naging resulta ng eleksyon..

Para kay Comelec Commissioner Luie Guia, ang anumang pagbibintang ng pandaraya sahalalan ay dapat suportado ng matibay na ebidensiya.

“It is best to present specific proof that the votes credited to a particular candidates should not have been credited, or that what should not have been credited was credited. Proof of ‘systematic cheating’ is also welcome,” sabi ni Guia

Basahin ang naging komento ng ilang kababayan natin laban sa pahayag ni Reyes.

“You mean to say, my vote that i cast on may 13 is not credible?!…. HELLO.?!… di lang kayo ang tao sa pilipinas… nandito din kami… ,” sabi ni F. Onarebos.

“E ano magagawa mo e marami pa ang bilib kay Duterte ngayon. It only means that Digong is credible becoz many Filipinos are believing him and are relying to him,” sabi ni R. Cabuhat.

“Ito ang taong ipinaglihi sa inggit at sama ng loob,sana sinals-l ka na lang ng tatay mo babalu,” sabi ni J. Misahon.

Source: GMA News | FB

‘Di ako Aamin ng Pagkatalo sa Bulok na Eleksyon – Neri Colmenares

“Tuloy ang laban!”

Hindi matanggap ni senatorial candidate Neri COlmenares ang kanyang sinapit o ang kanyang pagkatalo sa ginanap na halalan nito lamang Lunes.

Ayon sa dating kongresista, namanipula daw ang mga Pilipino na bumoto ng pinakamasasamang pinuno.

Base sa ulat ng GMA News, kasalukuyan daw na nasa ika-24 na puwesto si Colmenares at nakakuha lang ng 4,581,688.

“I will never concede defeat to a rotten electoral exercise that has basically deceived, bribed, intimidated and manipulated our people into electing the worst kinds of leaders imaginable,” banat ni Colmenares

Si Colmenares ay naging representante ng makakaliwang partylist na Bayan Muna sa kongreso. Isa din siya sa mga matitinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na nabigo si Colmenares na maging senador. Una itong tumakbo para senador noong 2016 elections.

Pinangungunahan ngayon ng mga administration candidates ang top 12 sa partial at unofficial results ng COMELEC.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging pahayag ni Colmenares.

“Election is always unfair when you lose, but is always fair when you win,” sabi ni J. Castro.

” Sir ok lang yan, we never voted for u anyways,” sabi ni Y. Suba.

“why then did u run? hopeful ka rin, db? so, if d outcome didn’t favor u, be a sport n accept it rather than mock d system which u embraced wen u won…life is sucks so don’t suck it up by bitterness. help na lang in nation building for d many pinoys who still dream to see the light shines….,” sabi ni R. Ibong.

“Then why you run for candidacy if you already know na “rotten elections” meron sa Pilipinas? Or now nyo lang nalaman yan?” sabi ni G. Simplicio.

Source: GMA News | FB