Young Coconut ng Pinas, Makakapasok na sa American Market!

Buko- sino’ng Pilipino ang hindi nakakakilala ng sikat na bungang-halamang ito na sagana sa Pilipinas? Hindi nga ba’t napakaraming gamit nito sa pang-araw araw nating buhay, mula sa sabaw, laman at maging sa mga dahon at mismong katawan nito?

Ngayon, tila higit pang darami ang makakikilala sa ating ipinagmamalaking buko, dahil maaari na rin umanong i-export ang Philippine young coconut o ang buko sa iba’t ibang daungan ng United States.

Ayon kay Dr. Joseline Javelosa, Philippine Agriculture Attache to the United States, kumpirmado na umano ang nasabing export permission ng Philippine young coconut sa pamahalaan ng US. Nitong nakaraang Mayo 22-23 ng kasalukuyang taon ay dumalo si Javelosa sa isang bilateral meeting sa pagitan ng Plant Health Officers of the Philippines at mga opisyal ng US sa United States Department Agriculture’s Animal and Plant Health and Inspection Service (USDA-APHIS) headquarters sa Riverdale, Maryland.

Tinalakay umano sa nasabing pagpupulong ang mga proseso ng pagpasok ng mga buko mula sa Pilipinas patungo sa kanilang bansa. Kinumpirma ni Dr. Jill Wallace, Head ng Us Delegation at Deputy Director of Phytosanitary Issues Management (PIM) na maaari na umanong inspeksyunin at ipakilala sa US Market sa ilalim ng 7 CFR 319.56 ang young coconuts mula sa Pilipinas na berde at bata pa, at may 75 porsyento o higit pang outer shell surface ng husk nito na tinanggal.

Ikinatuwa naman ang pag-usad na ito sa ekonomiya ng produktong buko ng bansa ng Head of the Philippine Delegation at Director of the Department of Agriculture’s Bureau of Plant Industry (BPI) na si George Culaste. Ayon kay Culaste, hinihintay at inaasahan din ng mga produsyer ng nasabing Philippine young coconut lalo na sa Mindanao, na maipakilala ang ating buko sa export markets tulad ng China at USA.

Ang bagong ganap na ito ay ikinalugod ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol. Tinawag pa niya itong isa na namang tagumpay ng Duterte Government.

Source:
Inquirer.net | Agriculture Secretary Manny Piñol

Krimen sa NCR, Bumaba ng 57% sa Pamumuno ng Duterte Government!

Base sa ulat ng Philippine Star, pumalo sa 57% ang ibinaba ng krimen sa Metro Manila sa ilalim ng pamumuno ng Duterte Administration. Ilan sa mga krimen na bumaba ang bilang ay murder, robbery, theft at carjacking. Humina rin daw ang numero sa mga kaso ng panghahalay at physical injuries.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, bago pumasok ang Duterte Administration noong Hulyo 2016 ay nasa 21,782 ang crime volume sa Maynila. Ang dami ng krimen ay bumaba umano kada taon. Noong 2017 ay may naitala lang na 18,580. Habang noong 2018 ay lalo itong bumaba sa 14,911. Ngayong Enero hanggang Mayo ngayong taon ay nasa 5,277 pa lang ang naitatala.

Iniugnay ni Eleazar ang pagbaba ng mga krimen sa pakikipagtulungan ng publiko sa mga otoridad at ang pagtaas ng tiwala ng mga kababayan natin sa kapulisan.

“Because of our cooperation and collaboration with the public, we have improved our security measures and because of the efforts of this administration through its intensified campaign against all forms of criminality, particularly the campaign against illegal drugs,” sabi ni Eleazar.

Maituturing din daw na nagwawagi ang kampanya kontra sa iligal na droga dahil sa pagkaunti ng krimen.

“We can now say in honesty that we are winning this war against illegal drugs as can be shown by more than 50 percent reduction of crime in Metro Manila,” dagdag pa n Eleazar.

Sa pagtungo ni Pangulong Duterte sa Japan para sa isang working visit, sinabi ng Presidente sa harap ng Filipino community doon na wala siyang pakialam kung ilan ang mamatay sa kampanya niya laban sa droga.

” At ulitin ko noong Presidente ako, same. I don’t — look, I don’t give a s*** kung ilan kayo diyan namatay, just don’t fuck with me on drugs,” sabi ni Presidente Duterte.

Source: Philstar | GMA News

Di lang Isa! 21 Higanteng Panghukay para sa Subway System ang Gagamitin ng Gobyerno para Mabilis Matapos ang Proyekto!

Kinumpirma ngayong araw ng Department of Transportation (DOTr) ang social media post ng blogger na si Mark Lopez na gagamit ang gobyerno ng 21 Tunnel Boring Machines (TBM) para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway project (MMSP). Ayon sa DOTr, ang naturang proyekto ay tinagurian daw na “Project of the Century” ng bansa.

Sa pamamagitan daw nito ay magiging mas ligtas ang paggawa sa naturang subway.

“Hindi lang isa, dalawa o tatlo, kundi DALAWAMPU’T ISANG (21) TBM ang gagamitin para sa mas mabilis at mas ligtas na konstruksyon sa incredible subway na ito,” sabi sa Facebook post ng DOTr.

Ayon sa impormasyon ni Lopez, naka-order na raw ng 6 na units ang gobyerno at ang nalalabing 15 ay makukumpleto sa susunod na taon.

“Gusto kasi ng administrasyong Duterte na maging isang ganap na katuparan sa lalong madaling panahon ang dating pangarap lang natin,” sai ni Lopez.

Kamakailan lang ay ipinakita ng pamahalaan ang cutter head na gagamitin ng TBM sa paghuhukay para sa subway system.

Ito po ang halimbawa ng Tunnel Boring Machine at kung paano ito gumagana.

Source: DOTr | Mark Lopez | MinistryofTranBC

Manila Archdiocese, May Bilyon-Bilyong Halaga ng Investment sa BPI?

Kamakailan lang ay nag-anunsyo na magtataas ng transaction fees sa ilan nilang serbisyo ang Bank of the Philippine Island (BPI). Dahil dito, ilang netizens ang umalma sa naging hakbang ng BPI.

Isa sa mga nagbigay ng komento sa isyu ay ang radio host at pro-government blogger na si RJ Nieto o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy. Ayon kay Nieto, mas maganda daw na idulog ng ilang kababayan natin ang mga hinaing nila sa mga pari. Base kasi sa pagsisiyasat ni Nieto, may milyon-milyong shares daw ang Roman Catholic Archdiocese of Manila sa BPI. Makikita sa 2019 General Information Sheet ng BPI na ibinahagi ni Nieto, mayroong 327,904,251 shares ang Archdiocese of Manila sa BPI at nagkakahalaga ito ng 3,902,691,620.00. Nasa pang-lima din ang Archdiocese of Manila sa mga malaki ang porsyento ng ownership sa BPI.

Pinamumunuan ni Archibishop Luis Antonio Gokim Tagle ang kasalukuyang liderato ng Archdiocese of Manila.

Hindi tuloy napigilan ni Nieto punahin ang paghingi ng Simbahan ng donasyon sa mga dumadalo sa misa.

“This is despite the fact that it has billions of pesos worth of shareholdings in various Philippine companies as it continues to call for donations from the poor during masses,” sabi ni Nieto.

Ang simbahan ay isa sa mga kritiko ng anti-drug campaign ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Panoorin ang dating ulat ng GMA News tungkol sa investments ng Simbahan.

Source: 2019 BPI General Information Sheet | ANC | Thinking Pinoy | Thinking Pinoy

‘DU30, Parang may Malalim na Pagnanasa sa Akin!’ Hinala ni Trillanes

Hindi pa talaga natatapos ang palitan ng patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni outgoing senator Antono Trillanes. Sa pinakahuling pahayag ng senador, nag-react ito sa pasaring sa kanya ni Pangulong Duterte na siya ay isang bading. Ayon kay Trillanes, mukhang may pagnanasa daw sa kanya ang Presidente.

“Nagdududa na ako sa mga pahayag ni Duterte sa akin, parang mayroon talaga siyang malalim na pagnanasa,”boladas ni Trillanes.

Ayon kasi sa Pangulo, nakakaramdam daw ang mga kababayan nating bakla sa mga kapwanila bakla.

“Ang bakla marunong magtingin ‘yan. So kayong mga bakla tanungin ko kayo. [laughter] Totoo.
Ano si Trillanes? [Crowd: Bakla.] [laughter and applause] Totoo, kayo alam ninyo tumingin eh.
Ako nagulat nga ako may katabi ako tapos lumalabas si Trillanes nagmumura, kung anong
pinaggagawa sa — kabastosan. Tapos kinalabit ako ng, ‘Sir, anong…? Bakla ‘yan siya?’ Sabi
kong, ‘Bakla ‘yan,’ sabi niya. Sabi ko, ‘Totoo ka?’ Sabi niya, ‘magtanong ka maski sinong bakla at makita ‘yan siya gumalaw, sabihin mo bakla talaga.’ Kaya pala. Mabuti’t na lang pareho kami ni Trillanes. Pero nagamot ko
ang sarili ko,”
banat ng Pangulo.

Ayon kay Trillanes, baka pinagtatakpan lang daw ni Pangulong Duterte ang pagnanasa nito sa kanya sa pamamagitan ng pasiga-siga.

“Baka cover lang niya ang mga pagpapasiga-siga niya,” dagdag pa ni Trillanes.

Source: News5 | TNT Abante | RTVM