Presidente Duterte, Nagbaon ng Corned Beef, Daing at Bagoong sa Japan!

Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino Community sa Japan. Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdala siya ng sariling pagkain sa pagtungo niya sa Japan.

Ilan daw sa ibinaon niya ay daing, patis at bagoong.

“Nagpunta kami ng Japan nagbaon kami ng Karne Norte pati [laughter] ah Japan, o dito meron ako. Kagabi naghanap ako ng patis. [laughter]Hindi nandiyan, maski sumama kayo sa hotel ngayon. Meron talaga akong bagoong, meron akong patis pati ginamos. [laughter],” rebelasyon ng Presidente sa mga OFWs sa Japan.

Ayon sa Presidente, hindi siya sanay sa mga mamahaling pagkain kaya nagdala ito ng baon.

“Hindi ako makabili ng pansit na mahal. Nasanay na lang ang… Hindi ako magkain sa… I don’t have to mention the places,” sabi pa ng Pangulo.

Naikuwento rin ni Pangulong Duterte sa mga kababayan natin sa Japan ang nangyaring noong bumisita siya sa India.Hinarang daw ng ilang Indian opisyal ang corned beef na dala niya dahil sa bawala kainin ang karne ng baka sa naturang bansa.

“Kasi diyan lang ako makakain. Sa ibang lugar… Lalo na pumunta kami ng India, nagbaon ako
ng maraming Karne Norte. Pagbaba sabi ng mga supervisor sa airport, ‘do not unload that.’ Sabi
ko, ‘why?’ ‘Eating beef in this country is prohibited.’ [laughter] Eh ‘yung baka pa nila kung saan-saan nagasuroy wala talagang mawala — ni tainga niyan walang makuha kasi sacred sa
kanila eh ang baka. Tapos makita mo sa sine naglalakad diyan sa downtown. Napakaswerte itong
baka na ito. [laughter] Sa totoo lang. Iyan,”
ani ng Presidente.

Source: RTVM | Remate

Ilang OFWs sa Qatar, Handang Tumulong sa Subway Project ng Pinas at Iwan ang Malaking Sweldo sa Ibayong Dagat!

Kamakailan lang ay ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) at ng blogger na si Mark Lopez ang larawan ng cutter head na gagamitin ng Tunnel Boring Machines sa paghuhukay para sa Metro Manila Subway project ng gobyerno. Umani ito ng mga positibong reaksyon mula sa ilang kababayan natin.

Ilan sa mga nagbigay ng reaksyon tungkol sa subway project ng gobyerno ay mga Overseas Filipino Workers na sina Deo Miranda, Israel Banwa Aplod, at YeYe Banaag na nagta-trabaho sa subway project sa ibayong dagat. Ayon sa mga kababayan natin na tinaguriang “bagong bayani”, gusto nilang makatulong sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalaan ng kanilang serbisyo sa proyekto ng gobyerno.

Basahin ang kanilang komento sa social media post ni Lopez.

Ito naman po ang ilang litrato nila habang nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Ang pagnanais ng mga kababayan nating OFWs na makatulong sa gobyerno ay nakarating sa kaalaman ni DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran. Isa sa hinangaan ng opisyal ng DOTr ay ang kahandaan ng mga OFWs na tumulong sa bansa kahit na iwan ang malaking kinikita nila sa abroad. Dahil dito muntik na raw siyang maluha sa kaligayahan.

“A good friend of mine, Mark Lopez, added me to a Facebook group chat with OFWs who desire to help build the Metro Manila Subway. Noong nabasa ko ang ilan sa kanilang mga mensahe, parang gusto kong maiyak. Walang mapaglagyan ang kaligayahan at paghanga sa aking puso. Doon ko napatunayang napakarami sa ating mga kababayang OFWs ang handang ialay ang kanilang mga talino, galing at kakayahan para makatulong sa inang bayan. Naramdaman kong marami sa kanila ang handang umuwi, makatulong lang sa para sa ating kaunlaran. Pagmamahal sa bansa higit sa salapi— Pilipinas bago ang ibang bayan. ‘Yan ang BAYANIHAN. Kay sarap maging Pilipino,” sabi ni DOTr Assistant Secretary Libiran.

Source: DOTr | Mark Lopez | DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran

Nanggipit ang DU30 Govt at Nilabag ang Patakaran sa Eleksyon – Kiko

Sa mga serye ng social media posts, inakusahan ni Senador Kiko Pangilinan ang Duterte Government ng paglabag sa patakaran sa 2019 elections. Ayon kay Pangilinan, pina-iral din daw ng Administrasyon ang pananakot.

“Pinakilos ang buong makinarya ng makapangyarihan para siguruhing wala ni isa sa ating mga kandidato ang magkakamit ng poder sa Senado. Nagkaroon ng pagbabanta, pananakot, massive vote-buying, electioneering at iba pang mga paglabag sa Omnibus Election Code,” boladas ni Pangilinan.

Pinagbintangan pa ni Pangilinan ang gobyerno ng panggigipit.

“Pinasok natin ang laban at kampanya nang mulat (We entered the fight and campaign consciously). Being in the opposition and facing the full brunt of the vaunted, well-oiled administration machinery, we knew we had to run the campaign on a shoestring budget; we knew that those in position would pull no stops to tighten their hold on power… Pero hindi rin natin inasahan ang antas ng panggigipit na ipinamalas sa atin, pati na ang bilyong pisong halaga na inilabas ng administrasyon,” angal pa ni Pangilinan.

Sa isa pang hiwalay na social media post, hinalintulad ni Pangilinan ang nangyari sa basketball. Ayon sa opposition senator, nagising na daw ang mga tao at nasa likod na nila.

“Kumbaga sa basketbol, nasa halftime tayo ngayon. Sunod-sunod ang mga lousy calls ng mga referee at tinambakan tayo ng kalaban. Pero may 3rd at 4th quarter pa, at nakikita natin: The crowd is awakened and behind us. Hahabol tayo at ipapanalo natin ang laban,” sabi ni Pangilinan.

Source: INQ | Kiko Pangilinan’s Twitter Post