‘Tumulong Tapos Di Nagastos Yung Tulong, Parang Sayang’ – Leni

Nagbigay ng pahayag si Vice President Leni Robredo patungkol sa findings ng Commission on Audit (COA) sa pagdi-dispersed umano ng P10,000 ng Office of Civil Defense – Department of National Defense mula sa P38 million Marawi donations.

“Napakaraming gustong tumulong pero sa dami ng gustong tumulong, dapat yata iyong pamahalaan ang manguna dito… Lalong ma-inspire iyong mga taong tumulong kasi nakikita nila saan napupunta yung tulong. Tumulong sila tapos hindi nagagastos iyong tulong, parang nasayang,” sabi ni Robredo.

Ang pahayag ni Leni na ito ay ibinahagi ng radio host at kilalang pro-government blogger na si RJ Nieto (Thinking Pinoy) sa mga tagasubaybay niya sa kanyang blog. At ito po ang naging komento ng ilang netizens.

“Daig ko pa nag rollercoaster,” sabi ni Senyora.

“Ateng, review mo muna mga sasabihin mo before you make it public,” sabi ni J. Carpio.

“Nahilo ako… kaylangan ko pa atang ulit ulitin… redundancy to its finest,” sabi ni X. Cervantes.

“dapat na ba akong kabahan kung naiintindihan ko na ang mga mensahe ni Leni? Sa sobrang aliw ko kasi noon sa mahiwagang kakayahan nya mag speech, nakagawian kong basahin lahat. Aba ngayon parang nakukuha ko na mga sinasabi nya! KINAKABAHAN AKO!!!!” sabi ni J. Gayta.

Source: Manila Bulletin | Thinking Pinoy

Malacañang, Nagsalita na sa Isyu sa Pagitan ni Erwin Tulfo at DSWD Sec. Bautista!

Habang may ilang mga tao na sumasaw at tila pinalala ang sitwasyon sa pagitan ng radio commentator na si Erwin Tulfo at ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista, nagsalita na ang Malacañang tungkol sa isyu at sinabing dapat ay ibaon na ang usapin dahil humingi na ng paumanhin si Tulfo kay Bautista.

“Well, Mr. Tulfo has his reasons for doing what he did. He apologized for it and I think we shall accept the apology. He was gentleman enough to apologize… I think we should bury that. We should move forward. Nag-apologize na iyong mama eh,” sabi ni Presidential Spokeperson Salvador Panelo.

Nilinaw din ni Panelo na nanatili pa rin ang suporta ng Palasyo kay Secretary Bautista.

“We are supporting General Bautista; walang problema doon, talagang we are supporting him. Ang sinasabi ko, since nag-apologize na iyong mama at apparently inaamin niya na baka nagkaroon ng… na nag-over siya, eh nag-apologize na nga eh. But definitely, we are for General Bautista, as I said earlier,” ayon pa kay Panelo.

Ayon kay former Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Mocha Uson, dapat ay magkaisa dahil parehas na taga-suporta ni Pangulong Duterte ang nasasangkot sa isyu. Ibiunyag din ni Uson na may ilang tao sa PCOO na sumasawsaw sa isyu dahil ayaw umano ng mga ito na maging kalihim ng PCOO si Tulfo tulad ng mga naunang napa-ulat.

Source: ABS-CBN | Presidential Communications | Mocha Uson Blog

Raffy, Umalma sa Pagdamay sa ibang Tulfo sa Isyu kay Erwin!

Hindi nagustuhan ni TV5 host Raffy Tulfo ang ginagawa ng ilang grupo sa isyung kinakasangkutan ng kanyang kapatid na si Erwin Tulfo sa labis na pagpuna kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Inalmahan ni Raffy ang pagdamay sa kanya at ilan niyang kapatid sa nangyari kay Erwin.

“Sana next time, kapag may nangyayaring problema, it hurts, hindi ko naman kasalanan kung apilyedo ko ay Tulfo, na kapag kasalanan ng isang kapatid namin, dinadamay lahat. Bakit ganun? Kung may kasalanan ang isa sa kapatid namin, sana ‘yung walang kasalanan ay ‘wag idadamay. Hindi ata tama iyon. Each time na mayroon isang kapatid namin na nagkakasala, palaging nadadamay ang mga walang kasalanan. Marami ng beses nangyari ito,” sabi ni Raffy.

Nanahimik na noon si Raffy pero hindi na daw niya mapapalampas ang ginagawa ngayon ng ilang tao. Hindi na pinangalanan ni Raffy ang mga gusto niyang patungkulan ng mensahe.

Magugunita na pinatanggal ang mga security escorts ng mga magkakapatid na Tulfo matapos ang sobrang pagpuna ni Erwin kay Bautista.

Humihingi naman si Raffy ng kapatawaran kay Secretary Bautista at gayun din sa pamilya nito. Nagpasalamat naman siya kay Erwin dahil sa pag-amin sa kamalian at paghingi rin ng paumanhin sa kalihim ng DSWD.

Source: Raffy Tulfo in Action

Grade 10 Student, Patay Matapos Gamitin ng NPA sa Engkuwentro!

Nasawi ang Grade 10 student na si Jolina Banado sa isang engkuwentro laban sa militar. Ayon sa mga ulat, miyembro umano ng teroristang grupo na New People’s Army (NPA) ang estudyante.

Nangyari ang insidente nitong lang Hunyo sa Sitio Bagong Bario, Brgy. Pinanag-an, Borongan City.

Base sa impormasyon na galing sa militar, ang 14th Infantry Battalion ay nagsasagawa ng focus military operation sa nasabing lugar nang bigla silang inatake ng grupo ni Banado. Umabot ng lagpas isang oras ang palitan ng putok sa pagitan ng mga kasundaluhan at NPA.

Nakuha sa pinangyarihan ng inisidente ang ilang balal, telecommunication device at mga subersibong dokumento.

Tinutugis na ngayon ng kasundaluhan ang mga rebeldeng komunista.

Source: Remate | Bombo Radyo

Alyas Bikoy, Nagsumite na ng Ebidensiya sa Kapulisan!

Nasa kustodiya na ng kapulisan si Peter Joemel “Bikoy” Advincula. Ayon sa mga ulat, sumurender muli sa otoridad si Bikoy nitong Mayo 27 matapos mag piyansa at pansamantalang makalaya.

Isinumite na raw ni alyas Bikoy ang ilang ebidensiya para mapatunayan ang mga alegasyon nito laban sa oposisyon. Ilang sa mga ebidensiya na ibinigay niya sa otoridad ay cellphones at computer.

Magugunitang naging laman ng balita si Advincula nang lumantad ito sa publiko noong huling bahagi ng Abril para sabihin na siya si alyas Bikoy, ang lalaki sa viral video na nagdadawit sa pamilya ani Pangulong Rodrigo Duterte sa droga. Pero ilang araw matapos ang eleksyon ay muling lumantad si Advincula at sinabing si Senador Antonio Trillanes at ilang personalidad sa Liberal party ang may pakana ng viral video na naninira sa pamilya ni Presidente Duterte.

Sa kaugnay na balita, sinabi ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na maaring mag-apply si alyas Bikoy sa Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno pero dapat daw ay ma-meet muna nito ang mga kaukulang mga requirements.

“Nothing prevents Bikoy from applying for WPP coverage but there are, of course, requirements that he has to meet for full coverage under the program,,” sabi ni Guevarra.

Magugunita na sinabi noon ni Advincula na may hawak siyang ebidensiya laban sa mga taga-oposisyon.

“Lahat ng ginawa namin noon ay may hawak akong ebidensiya na makakapagpatunay na siya ang nasa likod,” ayon kay Advincula.

Source: PTV | ABS-CBN | ABS-CBN

‘Wag niyo basta Tanggalin ang Smartmatic’ – Leni

Kamakailan lang ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on ELection (COMELEC) na tanggalin na ang Smartmatic at huwag na gamitin ang mga ito sa susunod na eleksyon. Ito ay kaugnay sa aberyang naranasan noong araw ng halalan at dahil na din sa reklamo ng ilang kandidato na nadaya sila.

“I would like to advise Comelec now, I won’t delay this. Dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud… Because the Liberal (Party) says they were cheated. Me, they said I was also cheated. And you know it’s creating an environment of hostile attitude against that Smarmatic. You have three years,” sabi ng Presidente.

Nagbabala naman si Vice President Leni Robredo sa ideya ni Pangulong Duterte. Ayon kay Leni, hindi daw basta dapat tanggalin ang Smartmatic, bagkus dapat daw ay bigyan ito ng pagkakataon para makapagpaliwanag.

“Huwag nating sabihin na porke’t natalo iyong mga kandidato natin, nadaya. Pa-explain-in muna natin. Kung acceptable sa atin iyong explanation, eh ‘di iyon na iyon… Kapag hindi sa atin acceptable, doon tayo magreklamo. Pero iyong dalhin sa hinahon… Kung ano iyong mga kaduda-duda para sa atin, bigyan natin ng pagkakataon iyong Comelec magbigay ng pahayag. Pero huwag padalos-dalos kasi hindi din makakatulong sa ating lahat,” boladas ni Robredo.

Sinabi ni Leni ito sa kanyang programang “BISErbisyong Leni” sa RMN DZXL 558 Manila.

Source: Manila Bulletin | News5

DU30, Babalasahin ng Matindi ang Gabinete – Tulfo

“Major Shake-up”

Ganito inilarawan ng kolumnista ng Manila Times na si Ramon Tulfo ang mangyayari sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw.

Ayon kay Tulfo, sinabi raw ito sa kanya ng Presidente nito lamang nakaraang Huwebes.

Hindi rin daw mag-aalinlangan ang Pangulo na sisantihin ang miyembro ng kanyang gabinete na mapapatunayang sangkot sa korapsyon.

Si Tulfo ay itinalaga bilang special envoy for public diplomacy to China ng Presidente ilang araw lang ang nakalilipas.

Ibinahagi rin ni Tulfo sa kanyang column ang natanggap niyang impormasyon na mayroon daw sinuntok na corrupt na opisyal si Pangulong Duterte nakaraang taon.

“Last year, I noticed the President had a bandaged right hand, which then Special Assistant Bong Go said was a sprain, but which some Palace insiders said was the result of Digong hitting a corrupt official with his fist,” kwento ni Tulfo.

Source: Manila Times

Bilis ng Internet sa Pinas, Bumilis Simula ng Maupo si Presidente Duterte, ayon sa Akamai

Ayon sa ulat ng Manila Standar at DWIZ, bumuti daw ang estado ng bilis ng internet connection sa ating bansa simula ng maupo bilang Pangulo ng Pilipinas si Presidente Rodrigo Duterte.

Kinuha ng DWIZ ang kanilang impormasyon sa Akamai, isang techonology company.

Kumakamada na daw sa 14.73 mbps ang bilis ng download speed nitong Abril. Ang broadband speed naman daw ay pumapalo sa 7.91 mbps.

Base sa impormasyon ng DWIZ, noong unang buwan ni Presidente sa Malacañang (2016) ay mayroon lamang 7.44 mbps ang average download speed habang ang fixed broadband daw ay nasa 7.91 mbps lamang.

Magugunitang inaprubahan ni Presidente Duterte ang planong pagbuo ng national broadband network. Ito ang dahilan kung bakit positibo ang pananaw ng Akamai sa lagay ng internet sa bansa.

Source: DWIZ | Manila Standard