Robredo, Mahal na Mahal ang Smartmatic ayon sa Kampo ni Marcos!

Binanatan ng kampo ni former senator Bongbong Marcos si Vice President Leni Robredo dahil sa pagkontra nito sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (COMELEC) na pumili ng bagong vote counting system sa susunod na eleksyon.

Hindi nagustuhan ng abogado at tagapagsalita ni Marcos na si Attorney Vic Rodriguez ang tila pagdepensa ni Robredo at ni COMELEC Spokesperson James Jiminez sa Smartmatic.

Magugunitang nagkaroon ng aberya sa daan-daang vote counting machines (VCMs) noong mismong araw ng halalan.

“Why is the Comelec and Mrs. Robredo so in love with Smartmatic? How much do they love Smartmatic?” sabi ni Rodriguez.

Nitong Linggo sa programang “BISErbisyong Leni”, sinabi ni Robredo na hindi dapat basta-basta na lang palitan ang Smartmatic at dapat ay bigyan ng pagkakataon ang COMELEC na magpaliwanag.

“Huwag nating sabihin na porke’t natalo iyong mga kandidato natin, nadaya. Pa-explain-in muna natin. Kung acceptable sa atin iyong explanation, eh ‘di iyon na iyon… Kapag hindi sa atin acceptable, doon tayo magreklamo. Pero iyong dalhin sa hinahon… Kung ano iyong mga kaduda-duda para sa atin, bigyan natin ng pagkakataon iyong Comelec magbigay ng pahayag. Pero huwag padalos-dalos kasi hindi din makakatulong sa ating lahat,,” boladas ni Robredo sa kanyang programa.

Source: Manila Standard

Robin Padilla, Magsusundalo na para sa Inangbayan!

Sa kanyang social media account, idineklara ng aktor at tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Robin Padilla ang kanyang hangaring sumali sa Philippine Army.

Inanunsyo ito ni Padilla sa parehas na araw kung kailan sinertipikahan ni Pangulong Duterte na madaliin ang panukalang batas para gawin mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program para sa mga senior highschool students.

“Mga kabataang Pilipino, sasamahan ko kayo mula umpisa hanggang sa huli. Papasok ako sa Philippine Army Reserve para sa inyo upang masundan ko ang bawat ninyong hakbang tungo sa kabayanihan,” sabi ni Padilla.

Naniniwala din si Padilla na hindi pababayaan ng Pangulo at ng mga sundalo ang mga kabataan.

“Hindi tayo iiwan ng AFP at ni Mayor PRRD mga mahal na kabataan kaya’t tayo’y tumindig at bumangon ng nakataas ang dibdib at nakataas ang mga noo para sa Dios! Para sa Inangbayan! Para sa kapwa Pilipino,” dagdag pa ni Padilla.

Isunusulong ni Presidente Duterte ang panunumbalik ng ROTC para maturuan ang mga kabataan na mahalin ang bayan at para maihanda rin sa pagdepensa sa Pilipinas kung sakaling magkaroon ng digmaan.

Source: ABS-CBN | Robin Padilla’s Instagram

Hirap na hirap na ako – Hidilyn Diaz

Matapos magkamit ng silver medal sa ginanap na 2019 Asian Weightlifting Championships sa Ningbo, China, pursigido pa rin si Hidilyn Diaz na masungkit ang gintong medalya sa kanyang pag-usad sa darating na 2020 Tokyo Olympics.

Kasabay nito, nanghingi naman ng opinyon si Diaz sa kanyang social media followers tungkol sa aniya’y “pangangailangang pinansiyal” na kinakaharap niya sa kasalukuyan.

Sa kanyang Instagram Story noong nakaraang Lunes, Hunyo 3, 2019 ay ganito ang mababasa:

“Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020? Hirap na hirap na ako, I need financial support. Nahihiya kasi ako, pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa ating bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics.”

Matatandaang taong 2016 nang gumawa ng kasaysayan si Diaz matapos maging Olympic Silver Medalist sa Rio De Janeiro, Brazil. Kinilala at pinarangalan siya ng ating bansa, at buong galak ding inanunsiyo noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Diaz umano ang kauna-unahang Olympic Medalist mula sa Mindanao province.

Dahil sa pagkapanalong iyon ay tumanggap si Diaz ng tsekeng nagkakahalaga ng P5 milyon bilang incentive, at pinangakuan pa ng karagdagang P2 milyon ni Pangulong Duterte.

Bukod dito ay pagkakalooban din umano si Diaz ng bahay, lupa at retirement pension ng Gobyerno pagtuntong niya ng 60 taon.

Sinagot naman ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pahayag ni Diaz. Ayon kay PSC Chairman Butch Ramirez, hindi nagmimintis ang gobyerno sa pagsuporta sa atleta.

“The government has been very supportive… Hidilyn receives support from the PSC and the Philippine Air Force being an enlisted personnel,” sabi ni Ramirez.

Isa din daw si Diaz sa nakakatanggap ng malaking allowance sa national pool. Naglaan din daw ang gobyerno ng P4.5 milyong pondo para sa pag-eensayo ni Diaz sa China ngayong taon.

Source:
Inquirer.net
The Summit Express
ESPN
ABS-CBN

Bishop Socrates Villegas at David, Sabit sa Affidavit ni Alyas Bikoy!

Lumabas ang pangalan nila Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa affidavit ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula. Kamakailan lang ay muling nagtungo si Advincula sa otoridad para isumite ang cellphone at computer para gawing ebidensiya laban kay Senador Antonio Trillanes at ilang miyembro ng oposisyon.

Ayon sa affidavit ni Advincula, nakipag-pulong umano siya sa ilang obispo at ilang personalidad sa oposisyon para pagplanuhan kung paano gagamitin ang naratibong konektado sa droga ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Noong December 12, 2018 Miyerkules bandang 6:00 ng gabi kami ay nagpulong muli sa Jesuit Residences sa Ateneo De Manila University (ADMU) kasama sina Jonel, Father Alejo at Arch Bishop Soc Villegas upang pag-usapan ang lakad nina Father Alejo at Father Villanueva… Noong February 9, 2019 ng 6:00 am ay umalis kami ni Father Alejo sakay ng Grab galing sa Jesuit Residences papuntaang Bishop House ng Diocese ng Caloocan at doon ay nagkaroon ng pagpupulong kasama sina Bishop Pablo Virgilio David o Bishop Ambo, Senador Trillanes at Jonel at dito napag-usapan ang gagawing pag-iingay sa darating na halalan,” nilalaman ng affidavit ni Advincula.

Si Villegas at David ay kilalang kritiko ng kampanya kontra-droga ng Administrasyong Duterte.

Si alyas Bikoy ay ang lalaking lumabas sa serye ng anti-Duterte videos noong panahon ng halalan kung saan niyuyurakan ang pamilya ng Presidente sa pamamagitan ng pagsangkot sa mga ito sa droga.

Magugunitang lumutang si Advincula noong huling bahagi ng Abril para aminin na siya si alyas Bikoy pero bumaliktad ito at itinuro ang kampo ni Trillanes at ng oposisyon na may pakana ng videos matapos ang eleksyon.

Source: CNN Philippines

Atty. Chong, Harapang Binanatan si COMELEC’s Jimenez sa Hearing!

Nagsalpukan sa hearing sina Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimwnwz at former Biliran COngressman Atty. Glenn Chong nang sitahin ni Jimenez si Chong habang nagsasalita ito.

Kinukuwestiyon ni Chong kung bakit umabot ng 7 oras na walang nailabas an resulta ang transparency server noong araw ng eleksyon. Ayon kay Chong, maaring nagamit ang 7 oras na delay sa manipulasyon sa boto.

Sa ulat ng ABS-CBN, si Jiminez lang ang nakuhanan ng panig.

Matapos ang pagdinig ay sinundan ni Chong si Jimenez at nagbatuhan ng patutsada ang mga ito. Ito po ang raw video ng kanilang buweltahan sa isa’t-isa.

“Oh tignan niyo. Takot si James Jimenez. Walang masabi kaya gusto niya akong pigilan. Takot talaga ang mga mandaraya. Kahit hindi time niya gusto niya akong harangan,” sabi ni Chong matapos ang pagdinig.

Ayon kay Jimenez, alternatibong katotohanan daw ang sinasabi ni Chong. Kaya hindi nagpatalo si Chong at tinawag si Jimenez na mister cheater.

Source: ABS-CBN | AMP

5 Brand ng Suka na may ‘Synthetic Acetic Acid’, Ibinunyag ng Gobyerno!

Naglabas ng adivisory ang Food and Drug Administration (FDA) tungkol sa mga suka o pampaasim na mayroong sangkap na synthetic acetic acid. Ayon sa FDA, iinspeksyunin nila ang pasilidad ng mga kumpanyang gumawa ng mga nasabing suka. Sabi ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, ang mga naturang pampaasim ay may iba’t-ibang expiration dates.

Ang advisory ng FDA ay inilabas ngayong araw lamang at ito po ang mga brand ng suka:

1. Surebuy Cane Vinegar

2. Tentay pinoy Style Vinegar

3. Tentay Premium Vinegar

4. Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim

5. Chef’s Flavor Vinegar

“Any artificial matter such as synthethic acetic acid or any cloudifying agent deems the vinegar adulterated hence, it must not be sold to the public,” sabi sa advisory ng FDA.

Nilinaw naman sa advisory na walang masamang epekto sa kaligtasan ang mga suka, bagkus substandard lang ang kalidad ng mga ito at hindi dapat ibenta sa merkado.

“The presence of synthetic acid merely represents that the vinegar did not undergo fermentation, either through a slow process, quick process, or submerged culture process which is used for commercial vinegar production,” ayon pa sa FDA.

Source: ABS-CBN