‘May Banta sa Buhay ni Erwin’ Raffy, Nangangamba na para sa Kapatid!

“Sobra na. Tama na. Labis na po iyan,”

Matapos i-recall ng otoridad ang security details ni Erwin Tulfo at ng kanyang mga kapatid, nakarating ngayon sa kaalaman ni Raffy Tulfo na gustong i-review pa ng mga taga-Crame ang Permit to Carry Firearm ni Erwin.

Ayon kay Raffy, hindi na daw dapat siya magsasalita tungkol sa isyung kinakaharap ni Erwin at ni DSWD Secretary Rolando Baustista pero nangangamba siya sa kaligtasan ng kanyang kapatid.

“Yung Firearms and Explosive and Ordinance Division ng Camp Crame, they are set to review the PTC or Permit to Carry Firearms ni Erwin. At ang susunod na move niyan ay siya po ay didisaramahan,” sabi ni Raffy.

Nalagbas ng hinanakit si Raffy dahil isa siya sa naghikayat kay Erwin na humingi ng paumanhin kay Baustista matapos punahin ng husto ng kanyang kapatid ang kalihim programa nito.

“Isa po ako sa nag-udyok kay Erwin ng mag-apologize at sinunod niya po iyon. Nagpakumbaba na ‘yung tao. Now, kung nagpakumbaba na ‘yung tao, sumurender na, nakataas na ‘yung kamay, bakit hindi pa rin niyo matanggap kung sino man kayo diyan?” ayon pa kay Raffy.

Ipinaalala ni Raffy sa mga nagbabalak na tanggalan ng armas si Erwin na isa ang kapatid niya sa masugid na tagapagtanggol ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“Para sa kaalaman po ninyo. Kung sino man kayo na nagalit kay Erwin na nasa gobyerno din. Si Erwin is one of the most fiercest defender ni President Duterte. Namo-monitor ko po kung paano niya dinedepensahan ang Pangulo sa mga tao o grupo na naninira o nambabatikos sa Pangulo. Napapanood ko kung paano hambalusin ni Erwin. Sinasagasaan niya kahit sino pa man iyon, pag nakikita niya na may mga taong gustong gibain ang ating pangulo. Because of that, nagkaroon po siya ng maraming kagalit. Kaya nga po he really needs a license to carry para mapagtanggol niya ang kanyang sarili kung sakaling dumating ang hindi inaasahan,” paalala ni Raffy sa otoridad.

Source: Raffy Tulfo in Action

Smartmatic Chairman, Konektado kay Cory Aquino?

Ilang araw lang ang nakalilipas ay ipinahayag ni inabisuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Elections (COMELEC) na idispatsa na ang Smartmatic at pumili ng bagong teknolohiya sa mga susunod na eleksyon. Ito ay ay dahil sa daan-daang vote counting machines ng Smartmatic na nagka-aberya noong halalan, pati na rin ang mga alegasyon ng pandaraya.

Alam niyo ba na si Smartmatic Chairman Mark Malloch Brown ay konektado kay dating Presidente Cory Aquino?

Ayon sa kolumnista ng Manila Times na si Rigoberto Tiglao, si Brown daw ay media adviser at speech writer ni Cory.

“A bit of information that was not mentioned in the bio-data of Smartmatic Chairman Mark Malloch Brown, as posted on the company’s website, was that he was the close media adviser and speech writer of the late Corazon Aquino. He was then disguised as a foreign correspondent in the “snap” elections that led to the 1986 People Power Revolution in the Philippines,” sabi ni Tiglao.

Base naman sa artikulo ng Ibong Foundation, naging campaign strategist din daw ito ni Cory.

Habang sa foreign website na Huffpost ay inamin mismo ni Brown na siya ang naging politcal adviser ni Cory.

“I was present at many of these revolutions, in the early days as a political adviser to insurgent candidates like Cory Aquino in the Philippines and her counterparts in Latin America and Eastern Europe.,” ayon mismo kay Brown.

Source: Manila Times | Ibon | Huffpost | Smartmatic | CNN Philippines

Bishop David, Todo-Tanggi sa Koneksyon kay Bikoy!

Kamakailan lang ay nagsumite na ng ebidensiya (cellphone, computer) at affidavit si Peter Joemel “Bikoy” Advincula sa otoridad.

Ilan sa nakalagay sa affidavit ni Advincula ay ang pakikipagpulong niya umano sa mga obispo na sina Socrates Villegas at Pablo Virgilio David. Base sa salaysay ni Advincula, nakipag-usap daw siya sa mga pari kaugnay ng serye ng videos na ikakalat laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga isiniwalat ni Advincula sa salaysay nito ay pinasinungalingan ni Bishop David. Ayon kay David, ni minsan ay hindi niya raw naka-usap si Advincula. Ipinagtanggol din ni David ang ilang pari na isinangkot ni Advincula sa Bikoy videos.

“Last Monday ‘Bikoy’ appeared in another press conference sponsored by the PNP [Philippine National Police] claiming that he had attended a meeting with me and Senator Trillanes and a certain Jonel at my residence in Caloocan City… First of all, I wish to make it clear that I have never had the privilege of meeting with Senator [Antonio] Trillanes in person and I do not know the Jonel he was talking about,” pagtanggi ni Bishop David.

Binanatan din ni David ang Philippine National Police (PNP). Imbes dawkasi na imbestigahan ang mga libo-libong namatay, binigyan pa raw nghalaga ang kasinungalingan ni Advincula.

“As far as I know, most of the thousands of killings called DUI [Death Under Investigation] remain ‘under investigation,’ meaning, unresolved. As bishop of Kalookan, I sincerely wish the PNP could give more time and effort at investigating the truth behind these killings than giving credence to the lies now being peddled by a certain Peter Advincula, alias ‘Bikoy,’” boladas pa ni Bishop David.

Source: CNN Philippines | Inquirer

Maraming Pagbabago ng Skyway 3 sa Loob lang ng 2 Buwan, Nakunan sa Drone Videos!

“a lot of progress can be seen,”

Ganito inilarawan ng Topgear Philippines ang konstruksyon ng ilang bahagi ng Skyway Stage 3. Sa tulong ng drone footage mula sa Youtuber na si dmitrivalencia, napagkumapara ng Topgear ang estado ng ilang bahagi ng proyekto noong Abril laban sa lagay nito ngayong buwan ng Hunyo.

Napansin ng Topgear ang pinagbago sa Osmeña Highway–San Andres intersection. Kung noon ay umabot lang sa Pablo Ocampo Sr. and Zobel Roxas intersections ang pag-aaspalto, ngayon ay umabot na ito sa San Andres intersection.

Nakita din ng Topgear na nai-ugnay at nai-konekta na rin ang ilang columns at pillars ng itinatayong kalsada.

Narito po ang aerial footage ng Skyway Stage 3 noong Abril.

Ito naman po ang drone shot ngayong Hunyo.

Source: Topgear PH | dmitrivalencia

China, Sinimulan nang ALISIN ang 100 Barko sa West Philippine Sea!

Ayon kay Philippine Special Envoy to China Ramon Tulfo, tinanggal na umano ng bansang Tsina ang hindi bababa sa 100 na fishing boats sa West Philippine Sea.

Ito daw ay resulta ng ilang buwan negosasyon ng Pilipinas at ng Tsina simula nanghirangin siya ng Pangulo.

“I was informed by an emissary who was here that the 100 ships have been withdrawn, and these are only initial,” sabi ni Tulfo.

Pero gusto pa rin daw ng bansang Tsina na iparamdam ang kanilan presensiya sa lugar pero hindi na daw ito magiging agresibo dahil gusto nila si Pangulong Duterte.

“They won’t be aggressive for as long as our president is there because Chinese officials told me that they love our president. They just want to make their presence felt,” pahayag ni Tulfo.

Balak din daw ng Tsina na ilipat sa Pilipinas ang 100 na kumpanya sa kanilang bansa. Kasalukuyang mayroong trade war ang Estados Unidos at ang Tsina.

Source: News5 | News5

Gobyerno, may Alok na Puhunan sa mga Gustong Mag Negosyo!

Sa mga hindi pa nakakaalam, may programa ang ating gobyerno para sa mga kababayan natin na gustong magsimula ng negosyo. Sa pamamagitan ng Integrated Livelihood Program o “Kabuhayan Program” ng Department of Labor and Employment (DOLE), maaring mayudahan ang mga kalipikadong indibiduwal o grupo ng tao sa negosyong gusto nilang simulan.

Sa naturang programa, aabot sa 20,000 pesos ang pwedeng mai-alok ng gobyerno sa isang indibiduwal.

Habang 250,000 pesos naman sa mga grupo na may 15 – 25 na miyembro.

Para naman sa grupong mayroong 26-50 na kasapi, aabot sa P500,000 ang pwedeng mai-alok ng pamahalaan sa kanila.

Isang milyon naman ang pwedeng makuhang puhunan ng grupong mayroong laspag 50 na miyembro.

Lagpas 80,000 na benepisyaryo na ang nagpagkakalooban ng tulong sa pamamagitan ng programa ng pamahalaan.

Gumawa rin ang DOLE ng isang website upang matulungan ang mga gustong mag negosyo na maibenta ang kanilang mga produkto.

Kung kayo ay interesado sa naturang programa, maari po kayong pumunta sa mga regional offices ng DOLE o sa mga Public Employment Service Office na malapit sa inyo.

Source: ABS-CBN

Libreng Burol para kay Trillanes?

Biniro ni Senador Ping lacson si outoging Senator Antonio Trillanes. Ayon kay Lacson, inalok umano ito ng free burial sa Makati ni Senadora Nancy Binay.

“Free admission to the ospital ng Makati ang free burial in the Makati cemetery,” banat ni Lacson.

Magugunitang si Trillanes ay isa sa matinding kritiko ng ama ni Nancy na si dating Vice President Jejomar Binay. Inakusahan ni Trillanes si Jejomar na magnanakaw.

“Kung ang layunin ng pamilya Binay sa kasong ito ay para tigilan ko sila sa aking paguusig, nagkakamali sila. Hindi ko hahayaan ang mga magnanakaw na mamuno ng ating bansa,” banat ni Trillanes kay Binay noong 2016.

Maalala na isa si Trillanes sa nanguna sa senate investigation sa umano’y maanomalyang overpriced parking building sa Makati at irregular deals ng local government sa ilang private companies.

Nauna nito, ibinunyag ni Lacson na inalok ni Nancy Binay si Trillanes ng pagkakataon na magturo sa University of Makati.

“Senate camaraderie at is best in the 17th Congress: Senator Nancy Binay offered graduating Senator Trillanes a teaching job at University of Makati with 24-hour free parking at the Makati parking lot,” sabi ni Lacson

Source: News5 | Trillanes | ABS-CBN

Ex-Smartmatic Official, Ibinunyag na Mayroong 16 Early Transmissions na Nangyari sa Elections!

Ibinunyag ng Information Technology Expert at dating technology Manager ng Smartmatic na si Jeff Dy na mayroon ngang nangyaring early transmission attempts noong 2016 elections.

Ayon kay Dy, napansin umano ng technical working group (TWG) na nagkaroon ng pagtatangka bago masarado ang mga presinto. Ang mga pagbubunyag ay sinabi ni Dy sa joint congressional oversight committee hearing on the automated elections system sa Senado.

“We are unanimous in stating that there really is, as confirmed by the logs submitted to us, at least 16 early transmission attempts from VCM logs submitted by Comelec, on Twitter | inquirerdotnet on Facebook,” sabi ni Dy.

Magugunitang inilutang din ni Senador Tito Sotto ang posibilidad ng pandaraya noong 2016 elections. Isiniwalat ng senador ang tungkol sa “queue servers” at foeign access sa mga poll servers.

Kinumpirma ni Dy ang tungkol sa “queue server” pero hindi pa alam kung mayroon ba itong naging epekto sa halalan.

“There is an existence of store and forward server as found out in the logs submitted to us. For lack of a name, we will call it a queue messaging server with IP address 10.101.1.198 which is found to be transmitting to 92 percent of the VCM logs submitted,” dagdag pa ni Dy.

Source: Inquirer | Abante | Manila Standard