Lalaking Nag-DRIVE Habang nasa Passenger Seat, Sinampolan ng DU30 Govt!

Naalala niyo ba si Luis Miguel Lopez a.k.a. Miko Lopez, yung lalaki sa viral video kung saan nagda-drive habang nasa passenger seat ng sasakayan? Ipinawalang bisa na po ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya niya at habang buhay na po siyang hindi papayagang makakuha pa muli ng lisensiya at makapag drive. Inilabas ng LTO ang memorandum ngayong araw lamang. Magugunitang sinabi pa ni Lopez na ang lahat ng bawal ay kanyang ginagawa at habang nagmamaneho sa passenger seat ay nakuha pang manigarilyo.

Ilan pa sa naging paglabag ni Lopez ay speeding, reckless driving, failure to wear or use a seatbelt at driving a motor vehicle without a steering wheel o Unauthorized Motor Vehicle Modification. Pinagmumulta din si Lopez sa mga paglabag.

Ayon kay Department of Transportation Secretary (DOTr) Arthur P. Tugade, dapat na mag silbing babala sa mga drivers ang naging desisyon laban kay Lopez.

“Driving on public roads is a privilege. Owning a license is a privilege. When we use those roads, we partake in the shared responsibility of road safety. What Mr. Lopez did was an utter disregard for the safety of motorists and pedestrians. He poses a danger to the public and, therefore, has no place on our public roads,” sabi ni Tugade.

Source: Department of Transportation

Japanese Company, Bibili ng 100 Toneladang Mangga sa Pilipinas!

Malugod ng ibinahagi ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol sa kanyang social media acount ang pagbili ng Diamond Star, isang Japanese company, ng isang daang toneladang mangga sa ating bansa. Ayon sa kahilim, inanunsyo raw ito ng kumpanya limang araw matapos ang pagbisita ng Presidente sa Japan.

“Five days after the visit of President Rody Duterte to Japan, a Japanese fruit importing company has announced that it is buying 100 metric tons of mango from the Philippines this season,” sabi sa social media post ni Secretary Piñol.

Ang Diamond Star ay umaangkat na ng pinya, turnips at papaya mula sa Pilipinas.

Tatrabahuin ng Department of Agriculture ang pagpupulong sa pagitan ng Japanese importers at ng mga magsasaka ng mangga sa Luzon.

Ikinatuwa ng ilang kababayan natin ang ibinalita ni Secretary Pinñol. Habang ginagawa ang artikulo na ito ay umabot na sa lagpas isnag libo na ang nag-share ng postni Secretary Piñol habang daan-daang netizens naman ang nagkomento na dito.

“the very best mango is in the philippines, wish we can send in some other countries too, walang kapantay sa sarap compared to other countries, gogoggo philippines go, and some young coconuts too, wow, good job Mr.Pinol,” A. Herbert.

“the very best mango is in the philippines, wish we can send in some other countries too, walang kapantay sa sarap compared to other countries, gogoggo philippines go, and some young coconuts too, wow, good job Mr.Pinol,” – A. Herbert.

“Congratulations Sir Manny! Looking forward too to your planned Mango Festival at BPI Compound by June 10…I missed the home grown mangoes in South Cotabato,” – E. Retirado.

” Secretary Pinol is an example of a working government official!!! He is really doing his job and this is the kind of government official we need to bring econimic growth to the Philippines. He walks his talk! Maraming salamat po Sec. Pinol. Nawa’y patnubayan kayo lagi ng Maykapal at ang iyong pamilya at mga kawani sa ahensya,” – F. Lumen.

Source: Department of Agriculture Secretary Manny Piñol

‘Di nga ako Takot kay DU30, sa mga Amuyong na ito pa!’ – Trillanes

“Sige. Game! Bring it on!”

Ganito ang naging boladas ni outgoing Senator Antonio Trillanes nang matanong patungkol sa balak ng mga kalaban niya s apolitika na ipatawag siya sa mga congressional hearings.

“Yun ngang paninindak ni Duterte mismo, yung pinakang master nila e, hindi ako natatakot. Dito pa sa mga amuyong na ito, ‘di ba? Ay, ano na pala sila, honorable elected officials,”

Magugunitang sinabi ni ng bagong-halal na senador na si Bong Go na ipapatawag niya si Trillanes sa isng senate investigation. Inakusa naman ni incoming Davao Congressman at Presidential son Paolo Duterte si Trillanes na isa sa nasa likod ng Bikoy videos at magkakaroon daw ng imbestigasyon.

“Trillanes, hintayin mo rin. Baka ikaw rin ang ipatawag ko,” sabi ni Go sa isang panayam sa radyo.

“I believe a proper investigation is in order… From the very start, it was clear that the Bikoy videos were fabricated with a narrative taken straight from the playbook of people whose desire is to destroy our name and our reputation,” banat ni Paolo Duterte noong Mayo.

Source: News5 | Inquirer | Manila Times | ABS-CBN

‘Medyo Lupaypay na si Duterte’ – Trillanes

Aalis na lang sa senado pero hindi pa rin matigilan ang bibig ni outoging senator Antonio Trillaens sa pagbira kay Presidente Rodrigo Duterte.

“Nung kainitan niya ay hindi ko siya nilubayan, ngayon pa na medyo lupaypay na. Not physically ano. I believe he is not sick, talagang he is just lazy,” boladas ni Trillanes

Deklarasyon pa ni Trillanes, magiging aktibong miyembro pa rin daw siya sa oposisyon kahit wala na siya sa senado. Balak din daw ni Trillanes na maging guro.

“I will remain a very vocal and active member of the opposition. So hindi ako mawawala,” sabi pa ni Trillanes

Ayon kay Trillanes, napawi na raw ang political capital ng Pangulong Duterte.

“Politically, you can sense it. He is not as politically strong as before. In fact, he is very much vulnerable. Nakita niyo nangha-harass na siya ng kalaban,” patutsada pa ni Trillanes

Source: News5

‘Mga DDS na Bumabatikos kay Hidilyn Diaz, Sana Kunin na Kayo ni Lord’ – ABS-CBN Contributor

Kamakailan lang ay humingi ng opinyon si Olympic medalist Hidilyn Diaz sa kanyang followers sa social media patungkol sa aniya’y pangangailangang financial na kinakaharap niya sa kasalukuyan. Ayon sa atleta, hirap na hirap daw siya.

“Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020? Hirap na hirap na ako, I need financial support. Nahihiya kasi ako, pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa ating bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics,” sabi ni Diaz.

Magugunita na nabigyan ng gobyerno si Diaz ng milyon-milyong pera dahil sa karangalan na dinala nito sa Pilipinas. Pinagkalooban din ito ng bahay at lupa ng pamahalaan.

Hindi tuloy maiwasan ng ilang netizens at lalo na ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtaas ng kilay at batikusin si Diaz.

Naglabas naman ng opinyon ang ABS-CBN contributor na si Harvey Keh laban sa mga tagasuporta ng Presidente na bumabatikos kay Diaz.

“Sa mga DDS who are now trolling and lambasting our national pride Hidilyn Diaz, isa lang masasabi ko, sana kunin na kayo ni Lord,” boladas ni Keh.

Hindi naman pinalampas ni Attorney Topacio ang mga banat ni Keng at niresbakan ito.

“Eh yung mga Yellowlalos na nambabash sa Pambansang Kamao, okay lang? Kita nga tayo Harvey at tingnan natin kung sino sa atin ang kukunin ni Lord.,” buwelta ni Topacio.

Hindi naman pinalampas ni Attorney Ferdinand Topacio ang mga banat ni Keng at niresbakan ito.

Nilinaw naman ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga naging pahayag ni Diaz patungkol sa tulong pinansiyal. Ayon kay PSC Chairman Butch Ramirez, hindi nagkukulang ang pamahalaan sa pagsuporta sa atleta.

“The government has been very supportive… Hidilyn receives support from the PSC and the Philippine Air Force being an enlisted personnel,” ani Ramirez.

Si Diaz din daw ay isa sa mga nakakatanggap ng malaking allowance sa hanay ng mga atleta ng Pilipinas. Pinaglaanan din daw ang gobyerno ng 4.5 milyong pisong pondo ang pag-eensayo ni Diaz sa China ngayong taon.

Source: Harvey Keng | LinkedIn

| ESPN