Opisyal ng Facebook at Youtube, Ipinatatawag na ng Government Prosecutors!

Kinumpirma ng National Prosecution Service ng the Department of Justice (DOJ) na ipinatatawag nila sina Facebook Philippines country director John Rubio at Google Philippines (administrator of YouTube Philippines) country manager Kenneth Lingan para sagutin ang inihaing P1-billion damage suit ng may-ari ng Misibis Bay Resort. Magugunitang isinangkot sa malisyosong anti-Duterte videos na may pamagat na “Ang Totoong Narco List” ang naturang resort. Ayon ulat ng Philstar, hiniling ng may-ari ng Misibis bay na tanggalin ang nasabing videos noong April 26 pero hindi daw ito pinansin ng Facebook at Youtube.

Ayon sa reklamo ng Bicolano businessman na si Elizaldy Co, may-ari ng Misibis Bay, na-apektohan ang magandang reputasyon niya, pati ang operasyon ng kanyang resort.

Sa ika-5 bahagi ng mapanirang video series, sinabi na si Co daw ang lider ng drug syndicate sa Bicol at sa Misibis Bay umano ginagawa ang operasyon ng sindikato.

Nitong Mayo 23, lumantad muli sa publiko si Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang si alyas “Bikoy”. Sa paglutang niya muli, sinabi nito na hindi totoo ang mga sinabi niya sa mga anti-Duterte videos at ang may pakana daw nito ay si Senador Antonio Trillanes at ilang miyembro ng mga taga-oposisyon.

Panoorin ang reaksyon ng university lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot sa sinapit ng Facebook.

Source: Philstar | For the Motherland – Sass Rogando Sasot

Education Secretary ni Noynoy, Sabit din sa Bikoy Videos?

Sa salaysay na isinumite ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula sa otoridad, isa sa mga inginuso nito na sangkot sa mapanirang video na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa droga ay si former Education Secretary Armin Luistro. Ayon sa sa affidavit, nakipag-pulong umano si Advincula sa ilang pari at kay Luistro para paingayin ang istorya tungkol sa pagkakasangkot ng kaalyado at kaanak ni Presidente Duterte sa kalakalan ng iligal na gamot at masigurado ang pagkatalo ng mga senatorial candidates na suportado ng administrasyon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, bubusisiin nila ang mga alegasyon ni Advincula at dapat ay suportado ito ng ebidensiya.

“These will all be part of the investigation… Kami naman kung may sinabi siya, we have to evaluate and also gather pieces of evidence. Kung talagang meron kaming makuha, then we can file cases. Hindi naman base lang doon sa salita niya,”

Si Luistro ay naging kalihim ng edukasyon noong panahon ni dating presidente Noynoy Aquino.

Sa isang larawan na ibinahagi ng blogger na si Krizette Laureta Chu, makikitang naging panauhin pa si Luistro sa kasal ng anti-Duterte propagandist na si Jover Laurio (Pinoy Ako Blog).

Source: Inq | Philstar | Krizette Chu

Baril na Pang Self-Defense ni Erwin Tulfo, Ipinasu-Surrender ng PNP!

Wala pang isang linggo matapos i-pull out ng Philippine National Police (PNP) ang security escorts ng mga magkakapatid na Tulfo, ipinasu-surrender naman ng PNP ngayon ang armas ni Erwin Tulfo na gamit nito pang self-defense.

Magugunita na sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na isa sa mga rason kung bakit inalis ang security escorts ng magkakapatid ay dahil sa labis na pagbatikos ni Erwin kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

“Sino bang maniniwala sa amin kung sasabihin namin na walang kinalaman iyon (pag batikos ni Tulfo kay Baustista)?” sabi ni Albayalde.

Humingi na ng paumanhin si Erwin sa sobrang pagbatikos nito sa kalihim ng DSWD.

Ayon sa kapulisan, paso na raw ang lisensiya ng baril ng mamamahayag kaya ito ipinasu-surrender.

“The Philippine National Police has ordered for the recall or temporary safekeeping of the firearms of Erwin Tulfo in as much as the License To Own and Possess Firearms of Mr. Erwin Tulfo has already expired… If the LTOPF is already expired, then there is no more reason for an individual to keep firearms even if these firearms are still valid, if the licenses are valid. They need to be surrendered for temporary safekeeping,” sabi ni PNP spokesman Police Colonel Bernard Banac

Nilinaw naman ng PNP na kay Erwin lamang ang ipinasa-sauli, ang mga armas ng mga kapatid nito ay balido pa rin.

Ilang araw bago ilabas ng PNP ang pahayag sa pagpapa-surrender sa baril ni Erwin, nagsalita na ang kapatid nito na si Raffy. Ayon kay Raffy, sobra at labis na ang ginagawa sa kanyang kapatid. Sabi pa ni Raffy, may banta sa buhay ng kapatid niya dahil sa pagbanat sa mga kalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Source: ABS-CBN | GMA | INQ | ANC

Tatanggapin ni DSWD Sec. Bautista ang Sorry ni Erwin Tulfo pero may Kondisyon?

Ilang araw matapos humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Erwin Tulfo kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista dahil sa labis na pagbitoks dito, naglabas na ng pahayag ang kalihim nng DSWD.

Ayon sa pahayag ni Secretary Baustista, tinatanggap niya ang paghingi ng paumnahin ni Tulfo pero may kondisyon. Kailangan daw mailathala daw ang public apology ni Tulfo sa mga malalaking pahayagan, himpilan ng radyo at mga social media platform. Kailangan din daw na magbigay 300,000 pisong donasyon sa hindi bababang 19 na organisasyon.

Ayon sa pahayag ni Secretary Baustista, tinatanggap niya ang paghingi ng paumnahin ni Tulfo pero may kondisyon. Kailangan daw mailathala daw ang public apology ni Tulfo sa mga malalaking pahayagan, himpilan ng radyo at mga social media platform. Kailangan din daw na magbigay 300,000 pisong donasyon sa hindi bababang 19 na organisasyon.

Magugunita na tinanggal ng otoridad ang security details ng mga magkakapatid na Tulfo matapos ang labis na pagbatikos ni Erwin kay Baustista. Ngayong araw din ay ipinasu-surrender din ng Philippine National Police (PNP) ang armas ni Erwin. Sa programa ni Raffy, kapatid ni Erwin, inalmahan niya ang hakbang ng PNP na alisan ng Permit to Carry Firearm si Erwin.

Source: Rappler | ANC 24/7 | PTV | Raffy Tulfo in Action