Magdudulot ng Takot ang Kondisyones ni Sec. Bautista – Atty. Bruce Rivera!

“Pangamba sa Karapatang Pantao at Malayang Pamamahayag”

Ganito kung ilarawan ng radio host/ blogger na si Atty. Bruce Rivera ang kanyang opinyon ukol sa mainit na pinag-uusapang isyu ngayon sa pagitan nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista at journalist Erwin Tulfo. Si Bautista ay isa ring dating Army General na nanguna sa Marawi Siege.

Matatandaang ilang araw ang nakalipas mula nang magbato ng “hindi kaaya-ayang salita at rant” si Erwin Tulfo laban kay DSWD Sec. Bautista dahil sa hindi umano pagpapaunlak ni Bautista sa isang panayam. Labis na nainsulto si Bautista sa mga nasabi ni Tulfo, bagay na binatikos din ng Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated at Philippine National Police (PNP), gayundin ng ilan nating mga kababayan.

Dahil sa nasabing pangyayari, humingi ng public apology si Tulfo kay Bautista, sa pamilya nito, sa PMA at sa lahat ng umano’y nasaktan sa nabanggit na “rant” na ito ni Tulfo. Tinanggalan din si Tulfo ng security escort at ang baril nito ay ipinasusuko dahil paso na raw ang lisensiya.

Gayunman, may ilang kondisyong inilatag si Bautista upang tanggapin ang nasabing paghingi ng dispensa ni Tulfo. Nais din daw ni Bautista na humingi ng public apology si Tulfo sa iba’t ibang istasyon ng radyo, social media platform at pahayagan. Pinagdo-donate din umano si Tulfo ng P300,000 sa 19 piling foundation na kung susumahin ay aabot sa halagang P5,700,000.

Ayon kay Rivera, wala umano siyang kinikilingan sa nasabing isyu sa pagitan ng dalawa dahil nakikita niya rin daw na ang kapwa panig ay may kanya-kanyang “ego”, bagama’t isa umano ito sa maaaring magsilbing “aral” kay Tulfo na maghinay-hinay din sa pagbibitiw ng mga salita at batikos. Subalit, ipinangangamba rin umano ni Rivera na ang iba pang kondisyones ni Bautista ay lumampas na sa pagtuturo sa isang tao sa pagiging mapagkumbaba sa teritoryo ng karapatang pantao.

Dagdag pa ni Rivera, maaari umano itong magdulot ng takot sa mga komentarista sa radyo at telebisyon sa bansa na banggain ang ilang makapangyarihang institusyon gaya ng PMA. Maari rin daw itong lumikha ng kawalang-kasiguraduhan sa nakalaang parusa sa kabila ng paghingi ng “public apology” ng isang komentarista sa kanyang “reckless rant” na pwede palang magkahalaga ng P5,700,000 bilang kapalit sa kanyang pagkakamali. Ani Rivera, ang mga kondisyon na ito ni Bautista ay maituturing na malinaw na pagsupil sa malayang pamamahayag.

Source:
Bruce Rivera Facebook Page

Former Journalist Jay Sonza, Binanatan si Sec. Bautista dahil sa Kondisyones para Mapatawad si Tulfo!

Sari-sari ang naging reaksyon ng mga kababayan natin sa inilatag na kondisyon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista para tanggapin ang pagpapaumanhin ni Erwin Tulfo sa labis na pagbatikos nito sa kanya. Gusto ni Bautista na maglathala ng public apology si Tulfo sa mga peryodiko, radyo at sa mga social media platforms.

Pinagbibigay din ni DSWD Secretary Bautista si Tulfo ng donasyon sa mga napili niyang organisasyon at ang halaga daw ay hindi dapat bababa sa P300,000.

Mayroong pabor sa ginawang hakbang ng heneral at mayroon din pumalag sa naging pasya nito.

Isa sa mga tumuligsa sa mga kondisyones ni Bautista ay ang dating newscaster at pro-government personality na si Jay Sonza.

Ayon sa mga social media posts ni Sonza, arogante daw si Bautista at daig pa daw ang Diyos. Hindi daw kataka-taka na nakatikim ito ng mura kay Tulfo.

“napaka arogante pala talaga nitong bata ni digong sa social welfare. hindi nakapagtataka kung namumura siya sa asal niya. daig pa niya and Dios,” banat ni Sonza.

Isa rin daw si Bautista sa ehemplo ng hindi mabuting epekto sa pagkakaroon ng mga military sa civil service.

Source: Jay Sonza Twitter 1 | Jay Sonza Twitter 2 | Jay Sonza Twitter 3

Actual Footage ng Pagtumba ni Veteran Actor Eddie Garcia!

Kaninag hapon ay pumutok ang balita ng pagkaka-comatose umano ng beteranong aktor na si Eddie Garcia. Nangyari ito habang nagte-taping si Garcia para sa bago nitong programa sa GMA 7. Ayon sa ilang ulat, inatake umano ang si Garcia. Dinala si Garcia sa pinakamalapit na ospital sa Tondo, Manila. Kalaunan naman ay inilipat ito sa St. Lukes sa Quezon City. Base sa mga pinakahuling ulat, nagkamalay na raw ngayong ang aktor.

Nakunan naman ng netizen na si Mhervien Maco ang aktuwal na pagkakatumba ni Garcia. Kapansin-pansin na napatid muna ito sa isang kable at tuluyang hindi na nakatayo. Agad-agad naman itong tinulungan ng mga tao sa set.

Nagpasalamat naman ang mga kaanak ni Garcia sa mga taong nagpahayag ng pag-aalala at mga nanalangin sa mabilis na pagaling ng aktor.

“Manoy Eddie Garcia is at a taping this Saturday morning when he suffered from a severe heart attack. He is under citical observation and all his doctors are dong their best to assure the he gets the best care.

Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concerns and extended prayers. Please continue praying for Tito Eddie’s fast recovery.

At 90, he still doing what he loves most, acting. He is a pillar of the industry and is very passionate about his craft. We would like to request his fans and everyone to pray with
us, so he could get better the soonest time possible. Thank you,”
pahayag ng pamilya ng beteranong aktor.

Source: Philippine Star | GMA News | Pilipino Star Ngayon

Veteran Actor Eddie Garcia, Umano’y Na-Comatose Matapos Matumba!

Nagpahayag ng pag-aalala ang mga kababayan natin at kapwa artista ng aktor na si Eddie Garcia.

Ayon sa mga ulat, bigla na lang daw tumuba ang 90-anyos na artista habang nag te-taping ng programa ng GMA 7 na Rosang Agimat. Base sa report ng Pilipino Star Ngayon, kasalukuyan umano na comatose si Garcia.

Sa larawan na ibinahagi ng netizens na si Glaysa Apoya, makikita si Garcia na binubuhat ng mga tao habang namumutla. Kasalukuyang nasa isang ospital sa Tondo ang aktor.

Si Garcia ay itinuturing na haligi sa industriya ng showbiz. As of March 2011, lumabas na po siya sa humigit-kumulang 400 na pelikula at programa sa telebisyon. Si Garcia ay naging parte din ng sikat na programang “Ang Probinsyano” ng ABS-CBN Channel 2.

Ito po ang ilan sa mga mensahe ng mga kasamahan ni Garcia sa mundo ng showbiz.

“Sincerely Praying for Tito Eddie Garcia who is in the hospital now πŸ™ May Jesus heals him!” sabi ng aktress na si Aiko Melendez.

“Prayers for Tito Eddie Garcia πŸ™πŸ»… Laban lang, Tito Eddie! We’re praying for you πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»,” sabi naman ng writer na si Noreen Capili.

Sa pinakahuling impormasyon (3:23 ng hapon), inililipat na po sa St. Lukes Hospital si Garcia. Ang naging dahilan daw ng pagkatumba ng aktor ay ang sobrang init na panahon. Ayon sa ulat ng MANILA BULLETIN, may nagka-malay na raw ang aktor.

Source: Pilipino Star Ngayon | Glaysa Apoya | Noreen Capili | Aiko Melendez | News5 | Pilipino Star Ngayon| MANILA BULLETIN

DDS Blogger Maharlika, Nagsalita laban kay DSWD Sec. Bautista!

Naging laman ng balita kahapon ang paglalatag ng kondisyones ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista para patawarin si Erwin Tulfo na lumabis sa pagbatikos sa kanya. Nag-ugat ang iringan ng dalawang personalidad nang hindi agad mapaunlakan ni Bautista si Tulfo sa isang panayam. Bago kasi magpa-interview si Bautista ay kailangan pa daw magpasa ng request letter ang kampo ni Tulfo limang araw bago gawin ang interview.

Ayon sa dating heneral, dapat daw ilathala ng broadcaster ang paghingi nito ng paumanhin sa mga peryodiko, radyo at mga social media platforms. Ayon pa sa kalihim ng DSWD, kailangan din magbigay ng donasyon si Tulfo ng hindi bababa sa P300,000 sa mga organisasyong napili niya. Nauna dito, dalawang beses nang humingi ng kapatawaran si Tulfo kay Bautista.

Ang kondisyones na ito ni Bautista ay hindi nagustuhan ng ilang kababayan natin. At ngayon ay nagsalita na rin ang kilalang pro-administration blogger na si Maharlika.

“Ang dami-dami niyang kondisyones na tinalo pa niya ang Diyos. Bautista, tinalo mo pa ang Pangulong Duterte. Tinalo mo pa ang tunay na diktador dahil sa mga kondisyones mo,” banat ni Maharlika kay Baustista.

Buwelta pa ni Maharlika, hindi daw nagkamali si Tulfo sa ginawa nito sa sa kalihim ng DSWD.

“Tama si Erwin Tulfo. Buang gyud ka. At ang sinabi ni Erwin Tulfo na ingungodngod ka sa inidoro, hindi ka lang dapat inginudngod Bautista, ang dapat sa iyo, i-flush sa inidoro kasama ng otso demonyo noong nakaraang eleksyon,” galit na pahayag ni Maharlika.

Dahil din daw sa mga kondisyones ni Bautista ay tila natubos umano ni Tulfo ang galit ng mga tao.

Source: Maharlika

Anti-DU30 Blogger Jover Laurio, Mahaharap sa Arrest Warrant?

Sa social media account ni Maastricht University lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot, inanunsyo nito na nakitaan ng presecutor ng probable cause ang 2 counts ng libel na inihain niya laban kay anti-Duterte blogger Jover Laurio (Pinoy Ako Blog) at kay Cocoy Dayao.

Ang kaso laban kay Laurio at Dayao ay nag-ugat sa alegasyon nila na prostitute si Sasot. Ang bintang ay pinabulaanan ni Sasot.

Si Laurio ay tinanghal na person of the year ng Inquirer. Ang naturang pahayagang ay kilalang sa pagiging kritikal sa Duterte Administration.

Basahin ang hiwalay pang social media post ni Sasot tungkol sa bagong kaganapan na ito.

“I will not be intimidated by the powerful godmothers and godfathers of Jover Laurio. Category is… Babangon ako’t dudurugin kita. I told you, subject me to relentlees transphobic assault, I collect your head,” sabi ni Sasot.

Maarin ilabas din daw ang warrant of arrest laban kay Laurio.

“Warrants of arrest should be issued shortly,” banat ng radio host at blogger na si RJ Nieto o mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy.

Ayon sa abogado at taga-suporta din ng gobyerno na si Trixie Cruz-Angeles, bilog daw ang mundo.

“Magpapa hashtag defend press freedom din ba siya? Ano kaya ang ihihirit ng Inquirer tungkol sa kanilang Person of the Year? (hiyanghiya ba daw ang mga bayani ng Marawi sa “galing” nya?).

Malamang ihihiling din niya na di siya arestuhin. Huwag siyang posasan. Huwag siyang tawaging pangit. Huwag siyang personalin.

Ewan ko lang sa aresto at posas. Pero dun sa iba, may pruweba akong ginagawa niya ang mga ito.

Bilog ang mundo,” pahayag ni Atty. Cruz-Angeles.

Source: Sass Rogando Sasot | Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan | Thinking Pinoy

Ben Tulfo, Nag-REACT sa Kondisyon ni Sec. Bautista para Mapatawad si Erwin!

“Hindi lang sila ang may mga bayag. Pare-pareho tayong may mga bayag, wag na tayong maglokohan pa!”

Ganito ang naging reaksyon ng broadcaster na si Ben Tulfo sa paglalatag ng kondisyones ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista para mapatawad ang kapatid niyang si Erwin Tulfo.

Magugunitang pinaulanan ni Erwin si Bautista ng labis na batikos nang hindi agad ito pumayag sa isang panayam at sabihing kailangan pa raw sumulat ng programa ni Erwin ng request for interview limang araw bago ang panayam.

Humingi na ng paumanhin si Erwin sa nagawa. Pero may mga kondisyones si Bautista kay Erwin bago umano nito tatanggapin ang paghingi ng paumanhin ng radio host.

Ilan sa mga kondisyones ni Bautista ay ang pagpapalathala ni Erwin sa mga pahayagan, himpilan ng radyo at social media platofrms ng kanyang public apology. Hindi lang natapos doon, dahil dapat din daw magbigay ng donasyon si Erwin ng hindi bababa sa P300,000 sa mga napiling organisasyon ni Bautista.

Basahin ang naging reaksyon ni Ben Tulfo sa nangyayari sa kanyang kapatid at kay Sec. Bautista.

“Sa palagay niyo kaya mananahimik lang ako’t hahayaan ko β€˜tong mga kumag, kenkoy at kolokoy na maghari-harian?

Pwes, basahin niyong maigi. Analyze what I’m saying kung sino ang target ko.

Sinasarapan eh! Patikim ko ng konting sapak nang matauhan at magisip-isip.

Hindi lang sila ang may mga bayag. Pare-pareho tayong may mga bayag, wag na tayong maglokohan pa!” pahayag ni Ben sa kanyang Facebook acount.

Ito naman po ang social media post ni Ben sa Twitter.

Source: Ben Tulfo FB | Ben Tulfo Twitter