Veteran Actor Eddie Garcia, Nabalian sa Leeg!

Kahapon ay naging laman ng balita ang nangyari sa batikang aktor na si Eddie Garcia. Ayon sa mga napaunang ulat, inatake daw sa puso at na-comatose si Garcia habang nagte-taping sa kinabibilangan niyang bagong programa sa GMA 7.

Subalit, base sa lumabas sa pagsusuri ng mga doktor, nabalian pala sa leeg ang 90-anyos na aktor.

“The doctors ruled out heart attack and stroke as proven by several validating tests done in Mary Johnston hospital. He is in critical condition due to severe cervical fracture,” pahayg ng pamilya ni Garcia.

Sa kumalat na viral video, makikitang napatid si Garcia sa isang kable at saka tumumba habang nagte-taping ng eksena. Naunang dinala ang aktor sa isang ospital sa Tondo at kalaunan ay dinala din sa St. Likes Hopsital sa Quezon City.

Humihingi naman ng panalangin at dasal ang mga kaanak ng aktor mula sa publiko.

Si Garcia ay itinuturing na haligi ng Philippine entertainment industry. Marami na siyang ginanapang karakter, mula sa lead roles hanggang sa mga kontra-bida. Naging parte din siya ng iba’t-ibang klase ng pelikula. Mapa-action, fantasy, comedy at drama ay nagamit na ng aktor ang kanyang talento sa pag-arte.

Ang pinakahuling proyekto ni Garcia sa ABS-CBN ay ang hit teleserye na “Ang Probinsyano” kung saan gumaganap siya bilang isang drug lord.

Source: ABS-CBN

Ben Tulfo, May Matinding Mensahe kay DSWD Sec. Bautista!

“Pare-pareho tayong nasa panig ng pamahalaan. Hindi tayo magkakalaban, hindi lang tayo nagkaintindihan,”

Ganito ang isa sa laman ng pahayag ni Ben Tulfo patungkol sa isyu sa pagitan ng kapatid niya na si Erwin Tullfo at ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Magugunitang labis na binatikos ni Erwin ang kalihim ng DSWD sa programa nito nang hindi agad nakapagpaunlak para sa isang panayam. Humingi na ng despensa ang mamamahayag kay Bautista pero naglatag ng kondisyones si Bautista para tanggapin ang paghingi ng paumanhin ni Erwin.

Ayon sa pahayag na inilabas ng kampo ni Bautista, kailangan daw ipalathala ni Erwin ang public apology nito sa mga dyaryo, radyo at social media platforms. Pinagbibigay din ni Bautista ng donasyon si Erwin sa mga napili nitong organisasyon. At dapat daw ay hindi bababa sa P300,000 ang magiging halaga ng donasyon ni Erwin.

Ang kondisyones ni Bautista na may kinalaman sa pera ay hindi nagustuhan ng ilang kababayan natin. Ilang taga-suporta din ni Presidente Duterte ang nagsalita laban sa hakbang ng kalihim ng DSWD.

Dahil sa mga kondisyones ni Bautista kay Erwin, hindi na nakapagpigil si Ben at nagbigay ng mensahe kay Baustista.

“Nagpaumanhin na ng dalawang beses sa media si Erwin. Sa taong nasaktan, kung ayaw mong tanggapin, huwag mong patawarin! Huwag na huwag mong lalagyan ng presyo at mga kondisyones ang iyong pagpapatawad!,” sabi ni Ben.

Source: Bitag