Tulfo, Nagsalita na sa Kasong Bigamy Laban sa Kanya!

Bumuwelta si Raffy Tulfo sa babaeng naghain ng kasong bigamy laban sa kanya.

Kaninang hapon ay lumantad sa media si Julieta Nacpil Licup at ipinakilala ang sarili na asawa ni Tulfo.

Ayon kay Licup, ikinasal daw sila ni Tulfo noong Ockubre 25, 1982 sa Tarlac. Pero noong ika-20 ng Enero 1995 ay nagpakasal daw muli si Tulfo sa ibang babae. Ang tinutukoy ni Licup ay si Jocelyn Pua na kasalukuyang asawa ng broadcaster.

Base sa pahayag ng abogado ni Licup na si Attorney Lifrendo Gonzales, umiiral pa rin daw ang kasal ni Tulfo at ni Licup noong ikinasal ang news anchor kay Pua.

Isiniwalat naman ni Tulfo na kasal na rin umano si Licup sa isang banyaga. Nangingikil lang umano ang naturang babae sa kanya. Sisirain daw ni Licup ang buhay ni Tulfo kung hindi daw magbibigay ng P100 million ang broadcaster.

“She’s already married to a foreigner and she’s asking P100 million or else gigibain daw niya ang buhay ko. I have the letter from her lawyer. It is blackmail and extortion,” sabi ni Tulfo.

Source: News5

2-Anyos, Pinatungga ng Alak ng Nanay at Pingyosi pa!

Sapul sa video ang kabalbalang pinaggagawa ng isang ginang sa mismong 2-anyos na anak nito.

Sa cellphone video ng ina na narekober ng otoridad ,makikita na pinapalaklak ng nanay ang anak nito ng beer. Hindi pa nakuntento ang lalaking kasama ng nanay at pinagyosi pa ang bata.

Ang video ay kinuhanan sa isang motel sa lungsod ng Quezonz noong Hunyo 3, 2019.

Ang video ay nakita ng ama ng biktima at agad itong dumulog sa Quezon City Police District (QCPD).

Inaresto ng mga taga-QCPD ang ina at ang kaibigan nitong lalaki ngayong Lunes.

Awang-awa naman ang tatay ng biktima sa nangyari sa anak nito.

Source: ABS-CBN | ABS-CBN

KAPA Ministry, Nakakuha umano ng higit P50 Billion! Ipinasara ni DU30!

Ayon sa datos ng Securities and Exchange Commission (SEC), pumalo daw sa lagpas P50 billion ang nakuha ng Kapa Community Ministry. Base pa sa mga dokumentong nakuha ng SEC, nakabili daw ng mga mamahaling sasakyan ang mga may-ari ng KAPA. Nakakuha na ang SEC ng freeze orders sa mga bank account ng KAPA.

Sa pagbawi ng SEC sa lisensiya ng KAPA, sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) – Rizal ang isang sangay ng grupo.

Magugunita na nitong Sabado lamang ay nagsalita na rin Presidente laban sa KAPA Community Ministry. Tinawag niya itong investment scam at inutusan ang mga otoridad na ipasara ito.

Magugunita na nitong Sabado lamang ay nagsalita na rin Presidente laban sa KAPA Community Ministry. Tinawag niya itong investment scam at inutusan ang mga otoridad na ipasara ito.

“Majority of the businesses are newly registered, sole proprietorships. There were specific mentions of companies but we noted that they do not have the financial capabilities… With 5 million members, with a minimum investment of P10,000 per member, you are looking at P50 billion,” sabi ni Eilio Aquino, chairman sa SEC.

Source: ABS-CBN

Erwin Tulfo, Idineklarang Persona Non-Grata ng PMA Alumni Group!

Kahit na ilang beses nang humingi ng kapatawaran ang broadcaster na si Erwin Tulfo kay former military general at ngayo’y Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista dahil sa labis na pagbatikos nito, hindi pa rin nasasapatan ang grupong Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. (PMAAAI) sa ginawang hakbang ni Tulfo.

Ngayon araw lang ay idineklarang persona non grata ng PMAAAI ang mamamahayag sa mga okasyon at aktibidades ng grupo.

“These libelous language of Mr. Tulfo, effectively and assiduously erodes the ‘faith and trust in government’ by the Filipino people,” sabi sa resolusyon ng PMAAAI.

Magugunita na dalawang beses humingi ng paumanhin si Tulfo kay Bautista pero hindi agad tinanggap ni Bautista. Bagkus ay naglatag pa ito ng mga kondisyones bago tanggapin ang pagpapaumanhin ni Tulfo.

Ilan sa mga kondisyones ni Bautista ay paglalathala ni Tulfo ng public apology sa mga peryodiko, radyo at mga social media platforms. Pinagbibigay din ni Bautista ng donasyon si Tulfo sa mga organisasyon na pinili ng kalihim ng DSWD. Ang donasyon ay hindi daw dapat bababa sa P300,000.

Ang kondisyones ni Bautista kay Erwin ay hindi nagustuhan ng ilang kababayan natin. Pinuna ito ng kapatid ni Erwin na si Ben. Ganun din ng dating mamamahayag na si Jay Sonza. Nagsalita din laban dito ang pro-government blogger na si Maharlika.

Nagsimula ang sigalot sa pagitan ng dalawa nang hindi agad napaunlakan ni Bautista si Tulfo para sa isang panayam. Ayon kay Tulfo, pinagsusumite sila ng formal request letter 5 araw bago ang interview sa kalihim ng DSWD dahilan kung bakit binanatan ng husto ni Tulfo si Bautista sa kanyang programa.

Source: GMA News

Tulfo, Kinasuhan ng Bigamy!

Isang babaeng nagpapakilalang asawa umano ni Radyo Singko host at broadcaster na si Raffy Tulfo ang lumantad kaninang hapon para kasuhan si Tulfo ng bigamy sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Kinilala ang complainant na si Julieta Nacpil Licup. Ayon sa reklamong inihain ni Licup, nagpakasal daw sila ng broadcaster noong Oktubre 25, 1982 sa Tarlac. Pero noong Enero 20, 1995 ay nagpakasal daw si Tulfo kay Jocelyn Pua.

Ayon sa abogado ni Licup na si Attorney Lifrendo Gonzales, umiiral pa rin daw ang pag-iisang dibdib ni Tulfo kay Licup noong nagpakasal ang news anchor kay Pua.

“The bigamy case against Raffy Tulfo has been filed at the Quezon City Department of Justice… Bigamy happens if you enter into another marriage with another person while your first marriage is still subsisting without acquiring a judicial declaration declaring the said first marriage null and void or through annulment… In this case, there was no annulment, there was no nullity of marriage. So at the time that Mr. Raffy Tulfo entered into a second marriage, his first marriage is still subsisting,” paliwanag ni Atty. Gonzales.

Source: Inquirer | GMA News

Kiko Pangilinan, Nanguna sa Pinakamaraming Absent sa Senado!

Base sa ulat ng Politiko, si Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang may pinakamaraming absences sa ikatlong regular session ng 17th congress.

Sa 61 plenary sessions mula Hulyo 23, 2018 hanggang Hunyo 4, 2019, 47 lang ang nadaluhan ni Pangilinan.

Sumunod kay Pangilinan ay si Senador Manny Pacquiao na nakadalo lang sa 49 sessions. Nasa ikatlo naman si Senador Bam Aquino na mayroong lamang 50 at sinundan ito ni Senador Richard “Dick” Gordon na may 54.

Pasok naman sa perfect attandance sina Senmador Koko Pimentel, Gregorio Honasan, Joel Villanueva, Ping Lacson, Migz Zubiri, Tito Sotto at si Frank Drilon.

Si De Lima naman ay hindi nakadalo sa mga sessions dahil naka-detained ito.

Source: Politiko

‘Pagkatalo ng Otso Diretso ay hindi Lubos na Pagkatalo’ – Leni

Naglabas na naman ng pahayag si Vice President Leni Robredo patungkol sa sinapit ng mga kakosa niya sa Otso Diretso. Inilarawan ni Robredo na hindi lubos na pagkatalo ang nangyari sa mga pambato ng oposisyon.

“Hindi ko siya nire-regard na total loss kasi if at all, we were able to unite many forces na dati hindi united… So it is worth fighting for, still; hindi lang for the elections, pero for many other issues that will face us,” boladas ni Robredo.

Hindi rin daw dapat sisihin sina Senador Kiko Pangilinan at Quezon City Representative Christopher “Kit” Belmonte sa nangyari sa Otso Diretso. Si Pangilinan ang tumayong campaign manager ng senatorial slate ng oposisyon noong panahon ng halalan.

“Hindi nila kasalanan. Hindi nila kasalanan. Puwedeng maraming pagkukulang, pero hindi siya kasalanan noong dalawa. Ano iyon, very noble way of accepting responsibility,” dagdag pa ni Leni.

Magugunitang si Bam Aquino lang ang miyembro ng Otso Diretso na nakalapit sa magic 12 pero kalaunan ay nalaglag din.

Kinontra naman ng radio host at pro-government blogger na si RJ Nieto (Thinking Pinoy) ang pahayag ni Robredo.

“VP Leni Robredo, if my party’s objective is to win 8 senate seats but it managed to snag zero, then that’s a total loss,” banat ni Nieto.

Source: Inquirer | Thinking Pinoy

Eddie Garcia, Kritikal ang Kondisyon! Nabalian sa Leeg!

“He is in critical condition due to severe cervical fracture,”

Ganito ang inilarawan ni Doctor Enrique Lagman ang kalagayan ng batikang aktor na si Eddie Garcia matapos ang insidente na pagkakatumpa nito sa set ng kinabibilangang programa sa GMA 7.

Ayon sa doctor, hindi inatake sa puso o na-stroke ang aktor kundi nagkaroon ito ng bali sa leeg. Magugunitang sa mga naunang ulat, sinabi na na-heart attack ang aktor.

“The doctors ruled out the first heart attack and stroke prognosis made at around 2PM, after those were disproven by several validating tests done in Mary Johnston Hospital late in the evening,” sabi pa ni Dr. Lagman.

Humihiling ang kapamilya ni Garcia ng panalangin para sa kanilang kaanak.

Sa kumalat na viral video kung saan nakita natumba si Garcia, mapapansin na napatid muna ito bago bumagsak sa kalsada. Nire-review na daw ng GMA 7 ang nasabing footage.

“The video of Mr. Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collapsing has reached GMA. We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took before we make any conclusions on what really transpired,” pahayag ng GMA 7.

Source: CNN Philippines