Driver License Renewal, Puwede na kahit Sabado!

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2019-2167 ng Land Transportation Office (LTO) na kalalabas lang, pinapayagan na ngayon ang mga kababayan natin na mga motorista na makapag-renew ng kanilang mga driver’s license kahit sa araw ng Sabado.

Inaatasan ang lahat ng Driver’s License Renewal Offices (DLROs) sa mga malls sa buong bansa na magproseso ng driver’s license at mag-isyu ng mga student permits kahit Sabado.

“To fully maximize the accessibility and availability of our services to to public in malls, effective June 2019, all DLROS are hereby required to operate and process applications for renewal of driver’s license and issue student permits on Saturdays,” sabi sa memorandum

Pinapayagan din ng LTO ang mga motorista na makapag-renew 60 days in advance para maiwasan ang multa.

Maari pa ring gamitin ng mga aplikante ang online appointment sysyem o ang tinatawag na Personal Appointment and Scheduling System (PASS) ng ahensiya.

Source: Philstar via Wheels

Mga Pinoy, Nadaan sa Kwento ni DU30 – Trillanes

May bago na namang patutsada ang tila mortal na kaaway ni Pangulong Rodrigo Duterte na si outgoing senator Antonio Trillanes.

Sa pinakahuling boladas ng senador, inilarawan nito ang Presidente ng Pilipinas na isa umanong pathological liar. Ito ay reaksyon niya sa sinabi ni Presidente Duterte na magiging limang minuto na lamang ang pagbiyahe mula Cubao patungong Makati.

“Papangakuan tayo ng five minutes pagtapos nun iibahin na naman ang usapan. Itong si Juan Dela Cruz, madadaan na naman sa kuwento. Mumurahin na naman niya ang simbahan at Diyos, distracted na naman tayo,” sabi ni Trillanes.

Ayon kay pa kay Trillanes, hindi na raw natuto ang mga Pilipino at ilang beses nang nabudol-budol.

“Kung budol-budol, ilang beses na tayong nabudol-budol, hindi pa rin tayo natuto,” dagdag pa ni Trillanes.

Magugunitang inilutang ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang posibilidad na mabigyan ng pagkakataon ang batas na mag-aatang kay Pangulong Duterte ng emergency powers para maresolba ang trapik.

Isusulong din umano ng bagong halal na senador na si Francis Tolentino na maibigay sa Presidente ang emergency powers sa paparating na 18th congress.

Source: GMA News | GMA News | ABS-CBN

Former Journalist Jay Sonza, Niresbakan ang PMA Group na Nagdeklara ng Persona Non Grata kay Erwin Tulfo

Kinuwestiyon ng dating mamamahayag na si Jay Sonza ang pagdedeklara ng persona non grata ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc (PMAAI) laban kay Erwin Tulfo sa mga okasyon at aktibidades ng grupo.

Ayon kay Sonza, ang pagdedeklara ng persona non grata ay para pagbawalan ang isang tao na pumasok sa isang lugar o bansa.

“You declare a persona non grata against someone to prevent him from setting foot in a certain locality or country,” banat ni Sonza.

Buwelta ni Sonza, hindi pagmamay-ari ng grupo ang compound ng PMA sa Baguio o ang mga military camps.

“In the case of pmaai, saan nyo pagbabawalan si Tulfo na umapak? sa Baguio compound ng PMA? sa mga military camps? Hindi ninyo pagmamay-ari and mga Iyan. so, saan?” patutsada pa ni Sonza sa PMAAI.

Hindi daw alam ng PMAAI ang ibig sabihin ng persona on grata, buwelta pa ni Sonza.

“Saang utak sa talampakan hinugot ng mga mistah ni Bote ang deklarasyon ng persona non grata? O, sadyang hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng salita at nagpapa cute lang, para may masabing akala nila ay woke (class at may pinag-aralan) na sila? Hay naku. Ang hangin nga naman sa ulo ng tao. Nakatungtong lang sa likod ng kalabaw,” dagdag pa ni Sonza.

Source: Jay Sonza

Tulfo, Niresbakan ang Nagkaso sa kanya ng Bigamy!

Isang babaeng nagpapakilalang asawa umano ni TV5 host at broadcaster na si Raffy Tulfo ang lumitaw kahapon para maghain ng kasong bigamy laban sa mamamahayag sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nakilala ang nagrereklamo na si Julieta Nacpil Licup. Ayon kay Licup, nagpakasal daw sila ni Tulfo noong dekada otsenta (October 25, 1982) pero noong January 20, 1995 daw ay nagpakasal ang kanyang asawa kay Jocelyn Pua.

Sabi ng abogado ni Licup na si Attorney Lifrendo Gonzales, umiiral pa rin umano ang kasal ni Tulfo at Licup noong nagpakasal ang broadcaster kay Pua.

“The bigamy case against Raffy Tulfo has been filed at the Quezon City Department of Justice… Bigamy happens if you enter into another marriage with another person while your first marriage is still subsisting without acquiring a judicial declaration declaring the said first marriage null and void or through annulment… In this case, there was no annulment, there was no nullity of marriage. So at the time that Mr. Raffy Tulfo entered into a second marriage, his first marriage is still subsisting,” paliwanag ni Atty. Gonzales.

Hindi naman nagsayang ng panahon si Tulfo at sinagot agad ang kasong inihain laban sa kanya ni Licup.

Binunyag ni Tulfo na pinalabas umano ni Licup na patay na siya para makapagpakasal sa banyaga na si Arthur Joesph Pearson. Ito daw ay nangyari noong panahon na nahihikaso siya bilang mamamahayag.

Dahil sa ginawa umano ni Licup, nagkaroon umano ang dalawang panig ng pagkakaunawan na wala ng pakialamanan sa buhay.

Ngayong taon ay biglang nakipagkita si Licup kay Tulfo at nanghihingi umano ng P25 million. Isa pa daw sa demand ni Licup ay dapat magbigay si Tulfo ng kalahati ng suweldo nito buwan-buwan. At kung hindi daw tutupad si Tulfo ay ipapahiya niya raw ang broadcaster. Ayon kay Tulfo, tinanggihan niya ang umano’y “pangingikil” ni Licup.

Ilang araw daw ang lumipas matapos ang kanilang pagkikita ay nagpadala ang kampo ni Licup ng demand letter na ngayo’y nanghihingi naman ng P100 million kay Tulfo.

“Sa mga tao po na nakakakilala sa akin, lalo na sa aking mga followers, Hindi po ako madamot na tao. Pero hindi po ako kumukunsinti sa anumang uri ng blackmail at extortion. Ito po ay plain and simple extortion. Gusto niyang mag-extort ng pera para gumanda ang buhay nilang mag-asawa,” resbak ni Tulfo.

Source:
Raffy Tulfo in Action
| News5

Erwin Tulfo, Nagpasalamat na sa mga Taga-suporta!

Sa isang pahayag na may pamagat na “Living and working dangerously, as always”, nagpasalamat ang beteranong broadcaster na si Erwin Tulfo sa mga walang sawang sumuporta sa kanya sa kabila ng naging isyu sa pagitan nila ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista.

Muling rin humingi si Tulfo ng kapatawaran sa nagawa nito sa kalihim ng DSWD.

“I am truly sorry but whether or not I’m forgiven is beyond me,” pahayag ni TUlfo.

Magugunita na binatikos ng labis ni Tulfo si Bautista sa programa nito nang hindi agad nakapag-paunlak si Bautista ng panayam sa kanya. Maalalang nanghihingi pa si Baustista ng formal request letter sa mamamahayag limang araw bago daw ang panayam.

Ayon kay Erwin, may ilang sektor na gumagalaw at ginagamit ang isyu sa pagitan nila ni Baustista para makaganti.

“This unfortunate situation that I had caused myself, my brothers,and my whole family drags on with this issue being manipulated and fueled by unseen hands motivated by vindictiveness and political vendetta,” sabi ni Tulfo.

Base pa sa pahayag ni Tulfo, hindi daw mga bayani ang mga Tulfo brothers, kundi, tumutulong lang sa mga nangangailangan.

“I AM A NOBODY but a voice of the little man yearning and crying out for a better deal… Tulfo brothers are no bigshots by any stretch of imagination. Boses lang po kami ng mga naapi at nakaligtaan ng lipunan,” sabi ni Tulfo.

Source: Erwin Tulfo

PCOO Official na Sawsaw sa Tulfo Issue, Iimbestigahan dahil sa Korapsyon!

Kinakarma na ba? Iniimbestigahan ngayon si Philippine Information Agency (PIA) director general Harold Clavite dahil sa mga alegasyon ng korapsyon laban sa kanya.

“Given the gravity of the corruption allegations and guided by the ‘whiff of corruption principle’ of the Duterte administration, our legal office is one with the President to stomp out corruption from the bureaucracy as long as there is proof,” sabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Kinunpirma din ni PCOO undersecretary for legal affairs Marvin Gatpayat ang imbestigasyon laban kay Clavite.

Si Clavite ay pinapapaliwanag ng legal department ng PCOO dahil sa maling paglaan ng pondo para sa hotel accommodations, splitting of contract sa pagbili ng Asean Komiks, iregularidad sa pagpapagawa ng information materials para sa Employees’ Compensation Program at iregularidad sa promotional material ng pamahalaan.

Magugunita na kinabuwisitan ng ilang taga-suporta ni Presidente Rodrigo Duterte si Clavite noong binanatan nito si former PCOO Assistant Secretary Mocha Uson. Kamakailan lang ay nakisawsaw din si Clavite sa isyu sa pagitan ni Erwin Tulfo at DSWD Secretary Rolando Baustista. Tinawag ni Clavite na “Superstar Wannabe” si Tulfo.

Si Mocha at si Erwin ay mga masugid na tagapagtanggol ng Duterte Administration na pinatutsadahan ni Clavite, habang Si Clavite ay nagtrabaho para kay Bam Aquino noong 2003 at naging political officer ni Senador Kiko Pangilinan. Sina Kiko at Bam ay kilala bilang bahagi ng oposisyon.

Panoorin ang pagbubunyag ng university lecturer at pro-government blogger na si Sass Rogando Sasot laban kay Clavite nakaraang taon.

Source: Inquirer | Inquirer | Inquirer | ABS-CBN | Politiko | Sass Rogando Sasot