Dagdagan ang Bituin sa Bandila ng Pinas, Panukala ni Senator Tolentino!

Nag trending ang panukala ng bagong halal na senador na si Francis Tolentino na dagdagan ang butuin sa watawat ng ating bansa na kasalukuyan ay maroon lamang 3 butuin.

Ang pang-apat daw na butuin ay sisimbolo sa Benham Rise. Sinabi ito ng senador sa kanyang mensahe sa ika-121 anibersaryo ng araw ng kalakayan habang nasa lungsod ng Davao.

“I propose a fourth star to the Philippine flag. A fourth star to reflect the Benham Rise, the future Philippines, the future land of the next generation of Filipinos,” ayon kay Tolentino.

Ayon sa pahayag ng isang expert, masisira umano ng pagbabago ang konteksto ng kasaysayan ng bandila ng Pilipinas.

Noong 2018 ay iminungkahi sa isang panukalang batas sa mataas na kapulungan na maglagay ng karagdagang ika-9 na sinag sa araw sa watawat upang kilalanin ang mga kababayan nating muslim.

Habang isnusulat ang blog post na ito ay pumalo na sa lagpas 17,000 ang nag-share ng ulat ng news organization tungkol sa pahayag ni Tolentino at inulan na rin ito ng libo-libong komento.

Ito po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa suhestiyon ni Tolentino.

“San po ilalagay yung isa pang bituin? Tabi ng sun? E star din yan eh,” sabi ni J. Sibonga.

“Jusko Pati ba naman Yung nananahimik na watawat,” sabi ni Z. Delos Santos.

“Mr. Senator, I suggest na mas pagtuunan nyo ng pansin yung pag gawa ng mga batas na mas makakatulong ng malawakan sa mahihirap na pilipino.,” sabi ni M. Batain.

Source: ABS-CBN

Bastos na PCOO Official, May Boladas sa DU30 Govt Cabinet Member!

Nitong Lunes ay lumabas sa ilang ulat na iniimbestigahan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Philippine Information Agency (PIA) director general Harold Clavite dahil sa alegasyon ng korapsyon.

Si Clavite ay kinukunan ng paliwanag ng legal department ng PCOO dahil umano sa maling paglalaan ng pondo ng kanyang ahensiya at iregularidad sa promotional material ng pamahalaan.

Nitong Miyerkules ay nagsalita na si Clavite sa kinasasangkutan niyang isyu. Kinuwestiyon nito ang kanyang personal leave na hindi inaprubahan dahil sa ‘anonymous’ na sumbong. Si Calvite ay aalis ng bansa ngayong Hunyo.

“On Monday, 10 June, I received a letter from the (PCOO) Secretary (Martin Andanar) stating that he disapproved my leave application because of corruption allegations against me. Allegations contained in an anonymous letter. Seriously? My scheduled personal leave will be cancelled because of an anonymous letter?” sabi ni Clavite.

Inamin din niya na tinanggalan siya ni Andanar ng otoridad sa PIA.

“Yesterday, 11 June, I received a copy of a Department Order signed by Secretary Andanar stripping me of my authority in personnel action in PIA and transferring same to PCOO. Again, as stated in the Order, due to allegations of corruption. Allegations contained in an anonymous letter. boladas pa ni Clavite.

Kasabay ng kanyang reklamo ay binanatan din niya si Secretary Andanar. Handa din daw siya na ibahagi ang mga hindi angkop na hakbang na ginawa ni Andanar sa PIA.

“Give me a break. The Secretary is clearly ill-advised and is making haphazard decisions. Surrounded by the best of the best running his immediate office, he has been consistent in making inappropriate moves as far as PIA is concerned since 2017. I have a list and I’m happy to share, ani Clavite.

Sa huliang bahagi ng kanyang social media post ay nagpahapyaw siya na hindi siya papapigil sa pag-alis ng Pilipinas at bumirada pa.

“I am a New Yorker. I am rude. Get out of my way, idiots! See you at the airport, patutsada ni Clavite.

Si Clavite ay binatikos ng mga taga-suporta ni Pangulong Duterte dahil sa pagsawsaw nito sa mga kontrobersiya kinasasangkutan ng mga supporters mismo ng Presidente.

Magugunita na isa siya sa bumanat kay former PCOO Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa Pepedederalism isyu. Kamakailan lang ay sumawsaw din siya sa isyu sa pagitan ng broadcaster na si Erwin Tulfo at ni DSWD Secretary Rolando Bautista. Si Mocha at Tulfo ay ilan sa mga masugid na tagapagtanggol ni Presidente Duterte.

Si Clavite ay dating nagtrabaho para kay Senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan.

Source: Harold Clavite Archived Post | ABS-CBN | Inquirer | GMA News

Sangley Airport, Itatayo ng Gobyerno sa Loob lang ng 4 na Buwan!

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging operational na ang Sangley Airport sa Cavite bago matapos ang 2019.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito daw ang atas ng Pangulo kay Transportation Secretary Arthur Tugade. Ito ay para ma-decongest ang Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) sa Maynila. Balak ng Pangulong Duterter umano na ilagay ang lahat ng domestic flights sa bagong paliparan.

Hindi daw natutuwa ang Pangulo sa mga nangyayaring cancellation at delays sa mga flights sa NAIA.

Dagdag pa ni Panelo, mukhang babalasahin din daw umano ng Presidente ang mga opisyal sa NAIA.

Panoorin ang kasalukuyang itsura ng Sangley Airport at kung paano itatayo ito ng gobyerno ang paliparan sa loob ng 4 na buwan.

Source: ABS-CBN’s Jacque Manabat | GMA | Inquirer

Libo-Libong KAPA Members, Nagtipon para sa Prayer Rally at Nagpakita ng Suporta kay Pastor Apolinario!

Nagtipon ngayon araw ang libo-libong miyembro ng KAPA Ministry sa Quezon Memorial Circle para magsagawa ng prayer rally. Kasabay nito ay ipinakita din nila ang kanilang suporta kay Pstor Joel Apolinario, ang nagtatag ng KAPA.

Ilang miyembro ng KAPA na nagagalit ngayon kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy. Kinu-kuwestiyon nila kung ang motibo ni Quibuloy sa pagbanggit sa grupo nila sa one-on-one na panayam kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunita na sunod-sunod na sinalakay ng National Bureau of Investigation ang ilang opisina ng KAPA nitong nagdaang araw dahil umano sa mga paglabag. Katwiran naman ng ilang miyembro ng KAPA, wala daw nagrereklamo ng iregularidad laban sa KAPA para ipasara ang kanilang organisasyon.

Ito naman po ang pinakahuling ulat tungkol sa kalagayan ng prayer rally ng KAPA sa lungsod ng Quezon.

Source: Philippine Star | ABS-CBN | ABS-CBN

COA, Pinuna ang Milyon-Milyong Halaga ng mga Proyekto ni Leni!

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang mga projects sa Angat Buhay, ang anti-poverty program ni Vice President Leni Robredo dahil sa kawalan umano ng liquidation reports, official receipts (ORs), progress reports, at kakulangan ng clear-cut selection process.

Ayon sa COA, mayroong P44.664 million total allocation si Robredo para sa Angat Buhay projects na nakalaan sa 29 na munisipyo noong 2018.

Base sa ulat ng COA, 19 sa 29 local government units (LGUs) ay hindi nag-isyu ng mandatory official receipts (ORs). Tumanggap lang daw ang opisina ni Robredo ng sertipikasyon mula sa mga LGU officials.

“The OVP did not diligently follow up the submission of ORs, which is imprudent for a Source Agency (SA), whose fund is being disbursed. It could mean that the agency is not keen or interested in ensuring the legitimacy of its projects. Valid questions would be: Were the funds recorded in the books of the agency? If it was recorded, did the LGU record the correct amount under the correct account?” pahayag ng COA.

Hindi rin daw nakapaghain ng liquidation at quarterly reports ang Office of the Vice President (OVP) sa 12 na Angat Buhay projects na nakumpleto noong 2018 at unang bahagi ng 2019.

Ayon naman sa OVP, tumanggap sila ng certificates imbes na mga ORs dahil nag-a-adjust pa raw ang mga local government units (LGUs) sa proseso ng paglilipat ng pondo. Nangako rin ang OVP na magpapadala ng sulat sa mga LGUs para makuha ang mga ORs. Gumawa na rin daw ang OVP ng four-member project management unit na tututok sa progress report at magsisiyasat sa mga proyekto.

Source: Politiko

Anak ng Nahuling Durugista, Tinulungan ng Umarestong Pulis!

“Gusto ko rin maging pulis para makatulong sa mga tao,”

Ganito ang naging pahayag ng grade 7 na si Angela Perez, matapos siyang matulungan ng kapulisan. Ang mga magulang ni Perez ay hinuli ng pulis dahil sa ipinagbabawal na gamot. Hindi na dapat makakapag-enroll si Perez dahil sa sinapit ng kanyang magulang pero dahil sa kagandahang loob ng pulis na umaresto sa magulang niya, maitutuloy ni Perez ang kanyang pag-aaral.

“Yung arresting officer ni mama pinuntahan ko dun. So nakita ko po si Sir Fornis. Siya na lang po ang sumama sa akin,” sabi ni Perez.

Kinilala ang mabuting pulis na si Police Corporal Claro Fornis. Pumayag ito na maging guardian ni Perez. Sinamahan pa niya ang bata sa eskuwelahan para makapag-enroll sa grade 7.

“Pag involve ay bata, nadudurog ang kalooban ko. ‘Yung nagtapat siya sa akin na gusto niya mag-aral, hindi ako nag alinlangan na tulungan siya,” pahayag ni Fornis.

Napag-alaman din ng kapulisan na may sakit na tyroid cancer si Perez. Dahil dito naantig si National Capital Region Police Office Chief Guillermo Eleazar at bingyan ng tulong ang estudyante.

Ginawaran naman ng medalya si Fornis dahil sa kabutihan nito.

Source: ABS-CBN

Franchise Renewal ng ABS-CBN, Na-FREEZE na sa Kongreso!

“They have to thresh out and resolve their issues with the President. That’s the key to get the bill moving,”

Ganito ang naging pahayag ng isang mambabatas tungkol sa panukalang batas na naglalayong ma-renew ang pragkisa ng media giant na ABS-CBN.

Magugunitang ilang beses binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang istasyon dahhil sa pagdispalko umano sa perang ibinayad niya para sa kanyang campaign advertisement. Ayon sa Pangulo, tinanggap daw ng ABS-CBN ang pera pero hindi ipinalabas ang kanyang campaign ads. Ikinadagdag pa sa buwisit ng Pangulo ang pagpapabalabas ng ABS-CBN ng campaign ads na kritikal sa kanya na binayaran ni Senador Antonio Trillanes noong eleksyon.

Legislative franchise ng ABS-CBN ay mapapaso na sa 9 n buwan (Marso 20, 2020).

Maari muling maghain ng panukalang batas para sa renewal ng prangkisa sa Hulyo 22, kung saan magco-convene ang 18th congress.

Panoorin ang ilang pahayag dati ni Pangulong Duterte laban sa ABS-CBN.

Source: Philippine Star | Politiko | News5

Parang RANSOM ang Pag-Demand ng PERA Kapalit ng Kapatawaran! -Tulfo

“Bautista reminds me of kidnap-for-ransom gangs,”

Hindi nagustuhan ng nakatatandang kapatid ni Erwin Tulfo na si Special Envoy to China Mon Tulfo ang mga kondisyones ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Magugunitang naglatag ng kondisyon si Secretary Baustista para tanggapin ang paghingi ng kapatawaran ni Erwin dahil sa labis na pagbatikos ng mamamahayag. Sa kondisyones ni Bautista, gusto nito na ilathala ni Erwin ang public apology sa mga pahayagan, radyo at mga social media platforms. Hindi lang nagtapos doon ang kondisyon, pinagbibigay din ni Bautista si Erwin ng donasyon sa mga organisasyon na kanyang napili. Nakasaad pa sa pahayag ni Bautista na dapat ay hindi bababa sa P300,000 ang donasyon.

Para kay Mon, sobra na ang ginagawa sa kanyang kapatid.

“Sobra na! Nagpakumbaba na yung tao, gusto mo pang apakan?” pahayag ni Mon sa kanyang column sa Manila Times.

“If he didn’t make it to the PMA… he would have ended up as a leader of a kidnap-for-ransom gang,” banat pa ni Mon.

Dahil sa inuugali ni Bautista ay hindi naiwasan ni Mon na maikumpara ang pouwersa ng pamahalaan laban sa NPA.

“When some Army Scout rangers were captured and held hostage by the New People’s Army (NPA), they were treated humanely until they were released. NPA guerrillas, it would now appear, are more humane than government soldiers given the attitude of Mr. Bautista,” buwelta ni Mon.

Matatandaang hindi nag-atubili si Mon na humingi ng kapatawaran sa nagawa ng kanyang kapatid. Kinausap din ni Mon si Erwin para humingi ng dispensa sa nagawa kay Bautista.

Source: Manila Times

Libo-libong Titulo ng Lupa, Ipapamahagi ni DU30 sa mga Pilipino!

Ipinaalam ng Palasyo nito lang Martes na tutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa General Santos CIty sa Huwebes para mamahagi ng titulo ng lupa sa 13,000 na benepisiyaryo.

Ang Pangulong Duterte ay sasamahan ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones sa nasabing okasyon.

24,000 na privately-acquired na lupain ang ipapamahagi ng Presidente, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Nito lang Pebrero ay pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive order 75 na nag-aatas sa mga ahensiya ng pamahalaan na alamin ang mga lupain ng pagmamay-ari ng gobyerno na puwedeng gamitin sa agrikultura para maipamahagi sa mga kuwalipikadong mga kababayan natin.

Source: ABS-CBN