Local News

Pacquiao 2022 President Poster, Pinabaklas ni Ret. Journalist Jay Sonza!

Kamakailan lang ay lumitaw sa social media ang mga litrato kung saan makikita ang poster na may mukha ni Senador Manny Pacquiao at may nakasulat pa na “2022 president”.

Nagsilabasan ang mga ito matapos sabihin ni Pacquiao sa isang press conference na huwag daw munang pag-usapan at politika at unahin ang pagtugon sa pandemiya, habang tinututulan nito ang resolusyon ng kaniyang mga kapartido para udyukan si Pangulong Rodrigo ROa Duterte na tumakbosa pagka-abise presidente.

Sa isang social media post, kinuwento ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza na may namataan din daw siyang parehas na poster sa kanilang lugar. Agad daw niyang pinatanggal ang tarpaulins.

“Nakita ko ito kahapon sa isang bahagi ng aking property na tabi ng kalsada na itinirik ng kung sinong tarpulanong inutusan ni Manny Pacquiao.

Marahil gabi nilagay ito dahil wala pa naman iyan kahapon. Ito marahil ang sinasabi ni Pacman na busy sila sa pag-iikot sa buong bansa.

O Comelec, heto ang exhibit A ng election violation ng pambansang kamao.
Kinunan ko muna ng litrato at pinatanggal ko, witnessed by barangay officials.” sabi ni Sonza.

Sinita din ni Sonza ang akusasyon ni Manny sa Energy Secretary ni Pangulong Duterte na si Al Cusi. Magugunita na sinabi ni Pacquiao na si Cusi umano ang may pakana ng resolusyon para hikayatin tumakbo sa pagka-bise si pangulong Duterte.

“Wrong move Manny.
Boxing at billiard lang talaga ang alam mo.
Don’t make an enemy in Alfonso.
This guy is a master presidential campaign tactician.
Kung hindi mo pa alam, dalawang (2) presidente na ang isinakay sa barko ng tagumpay ng M/V AlCusi.” banat ni Sonza.

Source: Jay Sonza | Jay Sonza

Leave a Reply

Theme by Anders Norén