Local News

243 na Coronavirus Patients, Gumaling na!

Kabila-kabila ang mga negatibong ulat patungkol sa 2019 coronavirus na humagupit sa China. Hindi ito maiiwsan dahil libo-libong mga tao na ang kinapitan ng sakit at pumalo na rin sa lagpas 200 ang nasasawi dahil sa nasabing karamdaman.

Pero sa gitna ng epidemiya na ito ay may munting liwanag ng pag-asa na unti-unting lumilitaw.

Umabot na kasi sa 243 na payente na nag-positibo sa oronavirus ang gumaling na. Na-disharge na ang mga ito sa opital nito lang Biyernes. Ang balitang ito ay kinumpirma ng mga Chinese Health officials.

Ayon sa National Health Commission (NHC) , maaari nang i-discharge ang mga pasyente kapag ang ang kanilang temperatura ay nasa normal range sa loob ng tatlong araw at pag nag negatibong ng dalawang beses sa nucleic acid test.

Matatandaang idineklara na ng World Health Organization (WHO) na “international health emergency” na ang pagkalat ng sakit.

“The main reason for this declaration is not because of what is happening in China but because of what is happening in other countries… Our greatest concern is the potential for this virus to spread to countries with weaker health systems which are ill-prepared to deal with it… This declaration is not a vote of non-confidence in China… On the contrary, WHO continues to have the confidence in China‚Äôs capacity to control the outbreak,” sabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Pero hindi pa rin inirerekomenda ng WHO na limitahan ang pagbiyahe at pakikipagkalakalan sa China base sa kasalukuyang impormasyon na hawak nila.

Kahapon ay lumabas ang litrato ng dalawang matandang mag-asawa na masaya at nag-pose pa sa camera. Ang 67-anyos na si Wan at ang asawa nito ay ilan lang sa mga nahawaan ng coronavirus pero naka-recover mula sa karamdaman. Ang larawan ay ibinhagi ng CHina Daily website.

Source: Philstar | Xinhunet | China.org | Pakistan Today | China Daily | Daily Mail | Inquirer | Bloomberg | WHO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén