Local News

33 Barangay sa Pasay, Sasailalim sa 14-Araw na Lockdown Dahil sa Muling Pagdami ng Virus!

Matapos makapagtala ng muling pagtaas ng bilang ng active COVID-19 cases sa lugar, isinasailalim ngayon sa 14-araw na strict lockdown ang may 33 Barangay sa Pasay City, ayon sa ulat ng Inquirer. Ang nasabing lockdown ay sinimulan kahapon, Pebrero 19, 2021.

“At least 33 barangays and one business establishment were also already locked down for 14 days starting yesterday (Feb. 19) due to the spike in the number of Covid cases,” saad ng Pasay Public Information Office

Ayon pa sa city government, ang mga barangay sa Pasay kung saan may 3 o higit pang aktibong kaso ng COVID-19 ang sasailalim sa naturang lockdown.

Batay sa tala ng city health records noong Pebrero 18, ang mga nasa listahan sa ibaba ang ilan sa mga Barangay sa Pasay na may COVID-19 active cases:

Barangay 28 – 3
Barangay 29 – 3
Barangay 32 – 5
Barangay 40- 5
Barangay 57 – 9
Barangay 58 – 3
Barangay 66 -7
Barangay 68 – 5
Barangay 71 – 7
Barangay 76 – 6
Barangay 81 – 5
Barangay 95 – 4
Barangay 98 – 3
Barangay 100 – 4
Barangay 107 -10
Barangay 109 – 3
Barangay 118 – 16
Barangay 122 – 3
Barangay 132 – 4
Barangay 135 – 8
Barangay 136 – 8
Barangay 143 – 4
Barangay 155 – 5
Barangay 156 – 3
Barangay 159 – 4
Barangay 162 – 3
Barangay 175 – 6
Barangay 177 -9
Barangay 178 -3
Barangay 183 – 29
Barangay 190 – 3
Barangay 192 – 3
Barangay 201 – 5

Nakapagtala umano ang Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit ng 15 panibagong kaso kada araw mula noong Oktubre 2020 hanggang Pebrero 2021, habang 14 bagong kaso naman kada araw mula Enero 2021 hanggang Pebrero 18, 2021.

Samantala, naitala naman ngayong araw, Pebrero 20, 2021 ang nasa 2,240 panibagong kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Source:
Inquirer
ABS-CBN News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén