Local News

4 Million Youth Votes, Enough to Make or Break the Presidency – Kiko

Para kay opposition senator Francis “Kiko” Pangilinan, ang 4 na milyong boto mula sa kabaaan ay makatutulong sa magiging resulta ng halalan sa 2022. Naniniwala din siya na ang mga kabataan ang isa sa mga sektor na lalaban sa pang-aabuso at kapalpakan ng gobyerno. Importante din daw ang youth votes para may magawa daw sa mga nakakaalarmang mga batas tulad ng Anti-Terror Law.

“Four million is enough to make or break the Presidency and the majority in the Philippine Senate and it is vital, more than ever, to have more allies in the Senate so we can do something about alarming pieces of legislation such as the Anti-Terror Law and the media franchise renewals… We put our faith in the youth as they are the sector most critical and energized against incompetence and abuse of power,” boladas ni Kiko.

Magugunita na ilang beses ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gusto na niyang bumaba sa pwesto pero tatapusin daw niya ang aniyang termino hanggang 2022.

Pero sa isang pahayag, inilutang ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang ideyang tumakbo bilang bise presidente si Pangulong Duterte at ang anak naman niyang si Davao City Mayor Sara Duterte bilang presidente.

“Pag tumakbo na itong Duterte-Duterte, wala na… Di ba ninyo napapansin? Mula noon ibinigay ko ang ideyang ‘yun na baka tumakbo si Mayor Sara Duterte bilang presidente at si Presidente Duterte tumakbong bise presidente, na puwede naman, may narinig ba kayong reaksyon galing sa kaliwa o galing sa oposisyon? Wala. Wala kasi hindi nila malaman pano mag-re-react. Hindi nila akalain na puwede pala ‘yun… Maraming nga…puwede pala tumakbo si presidente ng bise presidente. Puwede… Kasi ang labag lang sa Saligang Batas, ‘yung Presidente na nakaupo after six years tatakbo uli ng presidente, hindi puwede ‘yun. Pero kung tatakbo siya ng ibang position, gaya ng bise presidente puwede ‘yun. Tingnan ninyo si Presidente Gloria Arroyo, ‘di ba tumakbong congessman. Nanalo,” paliwanag ni Panelo.

Source: Politiko | Archive | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén