Local News

‘4 na Taon na ang Kulturang Walang Kaparusahan!’ Anak ni Lagman, may Matinding Kuda!

Matapos maging malaking isyu ngayong linggo ang pamamaril ni PSMS Jonel Nuezca kina Sonya Gregorio at sa anak nitong si Frank Anthony Gregorio, kaniya-kaniya ang mga personalidad sa pagboladas sa isyu. Isa sa mga bumoboladas ngayon ay ang anak ni Congressman Edcel Lagman na si Albay Vice Governor Grex Lagman.

Para kay Grex, ang buhay daw ng tao daw ngayon ay katumbas na lang ng sa hayop. Patusada pa ng gobernador, 4 na taon na raw niyang nakikita ang kulturang walang kaparusahan. Walang pinapangalanan si Grex sa kaniyang boladas pero 4 na taon na nang masimulang manungkulan ang Duterte Administration.

“Ang buhay ng tao nagyon katumbas na lang ng isang hayop. O maaaring mas mababa pa nga ang halaga nito kesa sa hayop… Bilang tao at bilang isang abogado, sobra po ang galit na naramdaman ko ngayon. Kung paano po tapak-tapakan ang hustisya dahil sa umiiral na kulturang walang kaparusahan. Mga apat na taon ko na itong nakikita sa lipunan natin… At, simula’t sapul, ‘di ko ‘to kayang sikmurahin. At ang pinakamahalaga ay kailan man ‘di ako masasanay sa ‘culture of impunity’. Hindi ako titigil na labanan ito. Hangga’t ‘di nabubura sa bansa natin… Ngayon, apat na araw bago mag-Pasko, ‘eto na naman ang isang demonyo sa mundong ibababaw. Walang konsensiya at walang takot pumatay ng kapwa niya. Mag-inang walang kalaban-laban. Sa simpleng dahilan na may baril siya, gusto at kaya niyang kumitil ng buhay. Siyempre, mas malakas ang loob niyang gumawa ng karumal-dumal na krimen kase may sasagot naman sa kanya. May reresbak sa kanya, ika nga… Matagal ko nang sinabi na naubos na ang mga demonyo sa impiyerno. Dahil nandito na po sila sa mundong ginagalawan natin. At minsan naisip ko na parang sa mga bansang walang rule of law o hustisya mas madalas gumala ang mga hayop na mga ‘to,” kuda ni Grex.

Source: Archive | Poltiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén