Local News

“40 Million Strong! Mas Marami tayo! Lets Register to Vote!” MissU 2015 Pia Wurtzbach!

Matapos magbigay ng pardon si Presidente Rodrigo Roa Duterte kay United States Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton, naglabas agad ng salobin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Si Pemberton ang nakapaslang sa transgender na si Jennifer Laude noong 2014. Ayon sa ilang haka-haka, nagoyo daw si Pemberton at inakalang babae si Laude.

Para kay Wurtzbach, palala na raw ng palala ang sitwasyon sa ating bansa. Kaya kailangan na raw gumawa ng aksyon at magparehistro upang makaboto sa susunod na eleksyon.

“Tuwing nagbabasa ako ng balita, palagi [na lang] palala ng palala yung mga nababasa ko. Ngayon ito naman?…Hay… Eto [na lang], let’s all make sure we register to vote for the next elections. Each one of us,” boladas ni Wurtzbach.

Sa hiwalay niya pang social media post, sinabi ni Wurtzbach na mas marami daw sila at aabot daw sa 40 milyon. Kailangan din daw marinig ang kanilang tinig.

“Our voices need to be heard thru our votes. #MasMaramiTayo #MagparehistroKa,” ani Wurtzbach.

“No more excuses (even for me) lahat tayo dapat registered na. Hindi enough na sa social media lang tayo naririnig. #MasMaramiTayo #MagparehistroKa #40MStrong,” patutsada pa ni Wurtzbach

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: