Local News

Libo-Libong Bagong Riles para sa MRT-3, Dumating na!

Malugod na ibinahagi ngayong umaga ng Department of Transportation (DOTr) ang isang magandang balita. Sa social media page ng ahensiya, ipinaalam ng DOTr sa publiko na dumatin ng ang buong shipment ng mga bagong riles para sa Metro Rail Trasnport – 3 (MRT3)

Aabot daw sa 4,053 na piraso ng riles ang dala ng isang barko sa may Harbour Centre Port Terminal kahapon, July 9, 2019.

Ang mga riles daw ay mas maagang dumating kaysa sa sa nakatakdang petsa ng delivery ng mga ito.

Ang mga naturang riles ay Japanes made at iahahanda na ang mga ito para sa installation.

Inaasahan pa ang ibang parte ng riles sa Oktubre at pag ang mga ito ay dumatin na, masisimulan na agad ang pagpapalit ng riles sa kahabaan ng MRT-3 mainline.

Tiniyak naman ng DOTr na hindi maantala ng rail replamcement works ang serbisyo ng MRT-3. Gagwin lang daw ang pagpapalit ng riles tuwing non-operating hours ng tren.

Ang mga bagong riles ay makakatulong para mabawasan ang mga pagkakatagtag ng mga bagon na dahilan kung bakit nasisira ang mga eletrical at mechanical components na isa sa mga sanhi ng train breakdown.

Ang pag-angkat ng mga bagong riles ay parte ng komprehensibong rehabilitasyon ng goyerno sa MRT-3 para maibalik ito sa high-grade design condition.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginagawa ng DOTr para sa MRT-3.

“Mga Sir and Ma’am sa Department of Transportation, pakisiguro lang PO na maTAG nyo yung isang Senadora. Para PO hindi na sya nababahala. Nakaka-sawa na din PO kasi pakinggan yung mga pagngawa nya. Wala namang solusyon na ipiniprisinta. Magaling lang PO manita!
Salamat po at mabuhay po kayo,”
sabi ni A. Cortez.

“Maraming Salamat po! God bless all the good works and all the team members of DOTr under the able leadership of Sec. Art Tugade.,” sabi ni A. Charnsupharindr.

“good new3s at congrats sa DOTr , hindi kayo nawawlan ng sigla na ipagpatuloy ang magandang gawain inspite ang katuwang ninyo sa gobyerno ang legislative branch ay walang tigil sa lihis na pahayag . thank you Sec. Tugade and to your crew,” sabi ni C. Ragas.

Source: DOTr

Leave a Reply

Theme by Anders Norén