Local News

5 Pulis, Pinatay ng mga NPA! 2 Sibilyan, Sugatan matapos Idamay!

Source: GMA | PTV

5 pulis ang pinatay ng mga rebeldeng komunistang New People’s Army (NPA) ngayong Biyernes sa Labo, Camarines Norte. Damay sa ginawang ambush ay dalawang sibilyan.

Ayon kay PNP-OIC Police Lieutenant General Eleazar, nagpadala ng platoon sa road construction project sa Labo para matulungan ang mga residente at magsasaka sa kanilang paglalakbay.

Isa pa sa rason kung bakit nagpadala ng pwersa ang kapulisan ay dahilkinikikilan ng NPA ang construction company. Ayon sa PNP, humihingi ng 3-5 porsyento sa Labo-Tagkawayan road project ang mga rebeldeng komunista. Nagbanta din daw ang mga NPA na susunogin ang mga kagamitan ng construction company pag hindi ito nagbigay ng pera.

Inatake ng mga NPA ang 7 miyembro ng PNP platoon habang binabantayan ng mga alagad ng batas ang road project.

narito po ang pahayag ni PNP OIC LtGen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

“On March 19, 2021, a platoon of our uniformed personnel from the 2nd Provincial Mobile Force Company was sent to the vicinity of a road construction project in the municipality of Labo, Camarines Norte that would connect another portion of Quezon province to Camarines Norte to ease the transportation of goods for local farmers and the mobility of the local residents.

This was after the construction company informed our local PNP unit about receiving a demand letter from local CPP-NPA-NDF forces that they have to pay a range of 3% to 5% of the cost of the entire Labo-Tagkawayan Road project as an assurance that the company would not be harassed at the span of the construction. The threat is that they would burn all the equipment being used for the construction project if they would not pay.

To the families of our heroes, I feel your pain and anger over this incident and the most that we could do is to seek justice for them. Be rest assured that we will always be there to provide all the assistance that you deserve.” sabi ni Eleazar.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén