Local News

5 Suspek sa Bank Robbery sa Maynila, Pinakilala na sa Publiko!

Ilabas na sa publiko ng Manila Police District (MPD) ang limang taong tinuturing na “person of interest” sa nangyari panloloob sa sangay ng Metrobank sa Binondo.

Base sa impormasyon ng pulisya, ang mga pinakilalang indibiduwal ay konektado umano sa Projinog group. Si Ailon Parojinog at Jing Mofan ay may mga arrest warrant sa kasong murder.

Naglaan na si Mayor Isko ng halagang P1 milyon para sa impormasyon sa ikadadakip ng mga suspek.

Ayon sa ulat noong Nobyembre 2018 ng GMA News, si Ailon ay tuloy pa din daw ang pagne-negosyo ng droga sa Visayas. Ito din umano ang kanang-kamay ng naarestong durugista na si Ardot Parojinog, kapatid ng napaslang na Mayor ng Ozamiz at tinuturing na drug lord na si Reynaldo Parojinog.

Noong umaga ng Hulyo 11 ay naging laman ng balita ang panloloob sa Metrobank Binondo branch. Ayon sa otoridad at kuha ng close-circuit television (CCTV), ang mga salarin ay nakasuot ng uniporme ng security guard habang ang isa ay naka GRAB uniform.

Itinali ng mga suspek ang mga empleyado at mga securtity guards ng bangko.

Nakaresponde naman agad ang otoridad matapos ang panloloob sa bangko pero hindi umano sila pinapasok agad sa loob ng bangko, ayon kay MPD Chief Police Colonel VIcente Danao.

Basahin ang komento ng ilang kababayan natin sa panibagong update na ito sa nangyaring panloloob sa Metrobank.

“Identified na, dapat umamin na ang mga kasabwat sa loob ng banko , kung sino ang mag-leave ngayon tiyak kasabwat sya para magtago na. Lumiliit na ang mundo ng mga holduper dahil naka red alert ang buong PNP Luzon, Visayas at Mindanao. Palit na kayo ng mukha,” sabi ni E. Tan.

“mga gsto ng easy money mga buwkanena..sarap tangalan ng binti at mga kamay mga yan wag patayin dhil dyn habang buhay na nila pagsisishan gnwa nila,” sabi ni O. Delos Santos.

Source: GMA News | GMA News | GMA News | Newsline.ph | Remate

Leave a Reply

Theme by Anders Norén