Local News

Kalahating Litro ng Alcohol, Binebenta ng P300 kahit ang Suggested Retail Price ay P74 lang!

Matapos ianunsyo ng gobyerno ang mga karagdagang kaso ng coronavirus infections sa bansa nitong umpisa ng Marso, hindi napigilan ang ilang kababayan natin na mabahala. Ang ilan sa mga ito ay nagtungo sa mga pamilihan upang bumilina ng mga health and wellness supplies tulad ng surgical masks at alcohols.

Pero may ilan tayong mga kababayan na sinasamantala ang pagkakataon para pagkakitaan ang sitwasyon.

Viral ngayon ang posts ng ilang netizen kung saan makikita na ibinebenta ang ilang brand alcohol ng sobrang ang patong sa presyo.

“Shoutout po sa mga bumibili ng alcohol ng madamihan tapos ibebenta ng may malaking patong. Wag po ganon, nasa sitwasyon po tayo na lahat tayo kailangan ng alcohol. Wag gahaman kasi madaming nangangailangan! FYI, ung 500ml na Green cross alcohol ay nasa 74 pesos lang, tapos ibebenta niyo ng 380 ung ganon kalaki,” sabi ni Mica Quiambao.

Ang social media post ni Quiambao ay umani na ng lagpas isang libong reaksyon at naibahagi na ng higit 9,000 beses.

Narito pa ang hiwalay na social media post patungkol sa pananamantala ng ilang Pilipino sa pagkalatng coronavirus.

Source: source 1 | source 2 | archive | archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén