Local News

55 ‘Leftist’ na Paaralan, Pinasara ng DU30 Govt!

Pinasara ng Department of Education (DepEd) ang 55 eskwelahan para sa mga indigenous peoples sa rehiyon ng Davao na pinapatakbo ng Salugpungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Centers. Magugunita na tinanggalan ng permit to operate ang mga naturang paaralan dahil sa pagtuturo ng ideyolohiya ng mga makakaliwa.

“It is with regret to inform you that all schools under the Salugpungan are hereby ordered closed,” sabi ni DepEd Davao Regional Office Spokesperson Jenielito Atillo.

Matatandaang, sinuspindi ni DepEd Secretary Leonor Briones ang mga paaralan nitong Hulyo dahil walang mga government requirements. Ilan pa sa mga paglabag ng mga paaralan ay ang hindi paggamit ng government-approved curriculum. Tinatangay din daw ng mga naturang eskwelahan ang mga estudyante palayo sa kanilang mga magulang.

Isa rin daw sa sa naging rason ng suspensyon ay ang mga ulat galing kay National Security Adviser Hermogenes Esperon na ang mga paaralan ay nang-uudyok sa mga estudyante na magrebelde laban sa pamahalaan. Noong Hulyo, inakusahan ni Sec. Esperon ang Salugpungan tribal school system na nagsusulong ng idolohiyang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at pagpapabagsak sa gobyerno sa armadong pakikibaka.

Para naman sa ranking official ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC), nararapat lang ang ginawa ng DepEd sa mga nasabing eskwelahan.

“That’s the appropriate thing to do. It’s not about permits or compliance to requirements but the morality of maintaining it knowing that it is destroying our indigenous children,” sabi ni Major General Antonio Parlade Jr.

Binanatan din ni Parlade ang mga opisyal ng paaralan dahil hindi daw sinasabi sa publiko na ang mga alternative learning centers ay malapit lamang sa mga DepEd schools.

“What the Executive Director (Maria Eugenia Nolasco) of Salugpungan is not saying is that many of their schools are actually very near DepEd schools. So why maintain an exclusive school for the IPs? Nuanced learning for the IPs or their hidden agenda of radicalization?” banat pa ni Parlade Jr.

Source: CNN Philippines | Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén